Ang paglalaro ng puzzle mobile game apps ang isa sa ginagawa ko to kick start my day productive (other than magkape, mag-journal planner, o mag-Our Daily Bread + Bible). Ang odd no?! Puwedeng hindi advisable ito especially sa mga students o doon sa mahina sa self-control at busy). Pero kasi it awakes my mind to become strategic. Parang mind-conditioning sa laban ng araw ko. And the same time din kasi ay nakakapag-reflect ako kapag naglalaro na nagagamit ko sa tamad, emo, at down mode ko. Ang mga sumusunod ay aking hugot and realizations from playing puzzle mobile app games na swak sa money management, problem-solving, decision-making at iba pang lifehack tips.
- Don’t be too harsh on yourself, accept and enjoy harder challenges. May mga awesome players pero walang always na nakakakuha ng 100% win. Sa kahit ano mang laro ay may level at rival na kahit isang try lang ay panalo na agad, pero mayroon din na kahit ilang oras o araw mong pagpuyatan at paglamayan ay olats pa rin. Magkagayon pa man, kung tutuusin ay sa mga pagkakamali rin tayo humuhugot ng tama at mahuhusay na pamamaraan para manalo sa mga susunod. Mabilis natin mauunawaan ang ganitong mga bagay kung mabilis rin tayo magle-let go ng frustration.
Ganito rin sa pagpapatawad sa sarili at pagmo-move on mula sa isang ‘di magandang karanasan o pagkakamali. May mga hakbang tayo na akala natin ay tama kaso maling-mali pala. Pero sino nga bang laging tama? At bakit kapag may negatibong resulta ay kay bilis manisi ng ibang tao o ng sarili na nagtatagal pa nga? ‘Di ba hindi naman natatapos sa walang katapusang sana (“what if”) ang laban ng buhay? Ito ay sa hakbang natin na matututo, mag- move on and mag-move forward.
- There are extra perks for extra effort and extra risks. I don’t know sa ibang mobile game app, pero sa mga nilalaro ko ay napapansin ko kapag sumusubok ako na habaan pa ang words o kaya gawin combo ang mga tira ay nakakatanggap ako ng perks. Puwedeng extra life, bawasan ang obstacles o mag-extend ng time.
Kung ihahalimbawa ko ito sa work and money management; choice naman natin na maging kontento sa ating kinita at natatabing pera. Pero alam din natin na if we exert extra effort, we may find ways to boost our finances or reach our goals.
- Focus first on what needed solution/ answer, not on what’s ideal. May mga pagkakataon na nare-realize ko na kaya ako natatalo sa laro ay hindi dahil mabagal at mahina ako. Iyon ay dahil ang tutok ko pala ay nasa pagkuha ng perks/ boosters/freebies at hindi sa objective ng laro.
Sa problem-solving at productivity whether sa school, business, work, at community issues; ang basic smart move ay piliin ang kailangan (needed) solusyon. Ang iba kasi ang lawak-lawak na ng iniisip at dami-dami ng suhestyon pero puro ideal lang naman at hindi ang sagot sa problema. Kung halimbawa sa instruction sa test ay kulayan ng orange ang solid things, hindi ka tama kung kukulayan mo ng orange ang isang baso ng juice (unless powdered). Kahit trip ni teacher na kulayan mo ng orange, ang isang picture ng isang bilao ng ube halaya kung solid yun, orange yun (walang basagan ng trip, favorite color lang hehehe). Sa job interview, magandang advice rin ang mag-focus sa sagot sa tanong, kaysa mag- rattle sa kakaisip kung paano mai-impress ang interviewer.
- it’s always about winning, not how many times you lose, . Mula brick game hanggang BookWorm hanggang Pastry Paradise, o kahit sabihin petmalu ka na sa puzzle games ay may level talagang mahihirapan ka. Parang aabot na nga sa hopeless stage na makapag-next level ka pa. Pero kung nagpapatuloy ka lang, makakapag-isip ka ng taktika o magugulat ka na lang panalo ka na pala.
Ganito rin sa pride at kahihiyan natin sa ibang tao. Sa kakaisip natin sa outside factors (criticism/ doubt) ay itinitigil natin ang laban. Pero ano nga ba ang masama sa pag-take at retake ng exams kung ‘di ka pa nakakapasa? Anong problema kung nakadalawa at pangatlong beses ka ng nag-apply sa isang company o nanligaw sa isang babae? Anong masama sa pagbubukas ulit ng negosyo kung sinara mo ito noon?
Kung talagang hindi ukol sa iyo ang isang bagay o tao, mapagpapayuhan ka pero dapat ikaw mismo ang magdedesisyon kung susuko ka na. Tingnan mo nga si Pia Wurtzbach, 3 times sumali sa Binibining Pilipinas pero nang makapasok ay nagtuloy-tuloy pa na maging Miss Universe 2015. Si Wynwyn Marquez na makailang beses din na sumali at naikumpara sa kanyang tita Melanie Marquez (Miss International 1979) bago naging first ever Filipino and Asian to win Miss Reina Hispanoamericana 2017.
- Just be fast or be safe, no! To work smart, yes! In connection sa third bullet point, may phase ng laro na ang need gawin ay bilisan. Pero kahit naman mag-ala the Flash ka kung wala sa alignment ang moves mo ay matatalo ka pa rin. What more kung wala naman timer para kalabanin? Bakit ka gagawa ng hakbang na wala lang at mabilisan, na sa huli ang magpapatalo sa iyo? Hindi ba mas superb move kung at least ay i-scan mo muna ang buong screen/ puzzle at i-check kung ano ang mainam na taktika? Makikita mo rin dito ang reward at consequence kung may galawin kay part ng puzzle.
Pagdating sa crucial decision-making ang favorite terms and ideals ko ay work smart, at calculated risk. Lalo na sa investing or business, ang default kong trip ay diversification ( nasa magulong personality ko rin) pero may times magigipit ka sa oras, pagkakataon, tao, lakas, at pera kaya dapat maingat ka sa pagdedesisyon. Tipong mamali, tigok! Kaya you need to work smart by taking calculated risks.
Sa ibang banda, bagay din sa senaryong ito ang delayed gratification at informed decision. Actually ang perfect ng delayed gratification when it comes to budgeting, saving, and wealth creation. Kung marunong tayong mag-self-control ay hindi natin automatic na iisipin na i-gratify ang ating mga sarili sa bagay makapag-aaliw sa atin. Sa halip ay iko-kondisyon muna ang ating sarili para sa mga bagay na mas pinakaaasam ng puso natin. Kapag ganoon ay magkaroon tayo ng mas mahusay na hakbang kasi naghintay tayo para magkaroon ng informed decision. Nahugot ko ang “informed decision” sa pag-aaral ng importansya ng accounting (market research sa secret to success sa business).