Sparkling and Stunning White ang gabi ng parangal ng 3rd RAWR Awards ng LionHearTV na kung saan ang mga PR people at bloggers ang naging jury. At dahil first time ko na mag-attend sa RAWR at makarating sa City of Dreams kaya exciting ito for me. Ang event ay kasunod din ng Blogapalooza 2017.
Ang isang unfortunate event lang sa akin ay kung kailan may event ay saka nasira ang camera ko kaya tiis sa smartphone na di ko rin gamay (Ma-Pc lang talaga teh). At aminado ako na mas sanay kong gamitin digicam sa pagkuha ng video at photo kaya nakondisyon ako na wag na lang mag-interview or mag-extra effort. huhuhu (makakamove on ka rin Hoshi) . For videos, follow check my Instragram po. (https://www.instagram.com/hitokirihoshi/) and my Youtube channel
Maris Racal: Award is Award
Halos lahat ng nag-acceptance speech ay kinunan ko ng video. Ang pinakanagustuhan ko na speech ay kay Maris Racal>>> Instragram POst na simple, maiksi pero malaman. I agree sa mga sinabi n’ya na ang award ay award. Pwedeng may leveling at labeling isyu sa ibang tao, ang importante ay ipinagkaloob sa iyo.
Ibig sabihin lang nito ay para sa mga taong nasa likod ng isang award giving bodies ay deserving ka na kilalanin. I miss the chance na malapitan man lang s’ya dahil nakondisyon ako na limitado ang pagbi-video. Pero hopefully ma-meet ko pa sya. Nanalo si Maris ng Beshie ng Taon award. Ibig sabihin ay tumatak ang kanyang pagganap bilang bff ng bida. Napanood ko ang Vince & Kath & James, magaling s’ya doon.
Papa Jackson soars high once more with Energy
Ang itinanghal na Favorite Radio DJ ay si Papa Jackson. Thanks sa very informative n’yang acceptance speech sa RAWR awards doon ko pa napagtanto na s’ya at si Papa Jack ay iisa, nasa Energy FM na s’ya, at nagbakasyon din pala s’ya ere.
May dating sa akin mga pahayag n’ya pero that’s life everyone goes through ups and downs sa career. No one indispensable talaga. I am not a fan of him, but it’s nice na nagpatuloy s’ya para sa kanyang fans at sa kontribusyon n’ya sa industriya radio sa Pilipinas.
The arrive of Boyband PH
Ang Boyband PH nina Joao Constancia, Ford Valencia, Niel Murillo, Russell Reyes, at Tristan Ramirez ang nag-uwi ng Favorite Group award. Parang sila ang malakas ang arrive para sa akin (in a good way ha) kasi ayos yung naka-white sila lahat at iispin mo rin baka may production number.
Personally bet ko si Rusell pero aminado ako mapapalingon ka talaga kay Joao sa looks at outfit n’ya. Pero may dating din ang aura ni Tristan na very manly, si Ford yung tipong ang hirap i-friendzone, at si Niel…nakasabay kong kumuha ng pagkain hehehe. Apir sa mga foodie!
Jake Cyrus chooses love and respect- always
Jake Cyrus ang nakakuha ng The Great Comeback award. We’ll miss Charice at sa mga kanyang special projects like Sunshine Corazon sa Glee. But for me, I’m looking forward na maipakita ni Jake Zyrus ang kanyang kakayahan. Especially sa mga singers/ artists, I rather concentrate on their performances than their private lives.
Sa aura ni Jake mukha naman syang peaceful, accommodating at mas open. Hindi ko alam kung paano n’ya ikononek pero mainam din ang tinapos nya rin ang speech nya sa magandang mensahe. Love and respect! (video⇓)
Darren Espanto is a reason to celebrate OPM
Nakakatatak pa rin sa akin ang guest performance ni Darren Espanto sa Wish 107.5, kunsaan kinanta n’ya ang Chandelier (popularized by Sia) at noong napanood ko s’ya sa The Voice Kids. Kahit iilang performances pa lang n’ya ang nakita ko ay kinikilala ko na may K talaga s’ya sa singing. Isa s’ya mga young singers iyong tipong katanggap-tanggap na may album, may fans, at may awards dahil sa kanyang pagkanta.
Groupie with MayWard: May Entrata at Edward Barber
Kung may isa humakot ng award sa gabi ng parangal ito ay si Maymay Entrata at Edward Barber also known as MayWard. Si Maymay ang pinangalanang Newcomer or Breakthrough Artist of the year at ang MayWard ang nag-uwi ng Favorite Love Team of the Year award. In fact, ang tandem na ito ang may pinakamalakas na hiyawan at pinuputakti ng mga nagpapa-picture.
Nanghinayang din ako hindi ko man lang na-interview sina Maymay at Edward, ganda kaya ng timing ko nung nagpa-picture ako sa kanila. Anyway, mabait ang dalawa at nakakatuwa. Nung lumapit ako game sila at dahil hindi ako ma-selfie, puwes di rin ako maalam sa selfie. Kaya nasabi ko paano ba ito? Tapos ang cool na si Maymay na nag-initiate na humawak ng kamera at sabi ni Edward: “galing ni Maymay noh?!” Oo galing nga n’ya laha kami nasa tamang frame. Vivo!
Wildflower, wild din sa paghakot ng award
Kung isa pang talagang humakot ng award ay ang programang Wildflower. Ito ang nakakuha ng Bet na Bet na Teleserye award, si Maja Salvador ang Actress of the Year, at si Aiko Melendez ang Ultimate Kontrabida. Wala pareho sina Maja at Aiko pero mayroon naman silang video na nagpapasalamat sa award. Ang siste lang ay panalo sa pag-akyat ang taga-accept ng kanilang award, hohoho!
Samantala narito ilan pang winners sa RAWR Awards 2017:
Bibo Award (Best Child actor/ actress) – Xia Vigor for her performance sa Langit Lupa
Magnanimous Lion Award: Sarah Geronimo
Favorite News Personality – Jessica Soho
Favorite Digital Influencer – Wil Dasovich
Pak na pak na Comedian : Vice Ganda
Best TV Station: ABS-CBN
Actor of the Year: Coco Martin
Fan Club of the Year: KathNiel
Favorite TV Host: Karla Estrada (Magandang Buhay)
Hugot Song of the Year: Two Less Lonely People (from the movie Kita Kita)
Favorite Movie ng Taon: Can’t Help Falling in Love of KathNiel
Bahagi rin ng programa bilang main host ay sina Divine Krissy at Kalakaren Davila. Nag-present ng winners ay sina Alora Sasam, Alex Castro, Caleb Santos, at Paolo Onesa. Ang TNT Kids ang guest performer ng gabi.
Mabuhay sa matagumpay na RAWR Awards at sa bumubuo ng LionhearTV!!!
To