I don’t know if I’m matured enough pero siguro “adulting” is also fit description for me, who is someone try to be responsible adult (charrot!) However, I think having more experiences in life helps me to understand the whys and hows behind of my whats (naks!). Narito ang ilang bagay na na-realize ko ngayong nasa legal age na ako hehehe so…
Wait muna: Ano ang adulting? Ano ang maturity?
Compare to other millenials, isa ako sa delayed sa mga new coined terms kaya yung word na adulting ay kailan ko lang nalaman thru a friend’s FB status. Hindi ako sure noon pero ang intindi ko ay may kinalaman ito sa pagsisikap o magawa ang mga bagay na dapat ginagawa ng mga taong nasa legal na edad o hustong gulang. ( iniwasan ko raw ang katagang “matanda” hehehe).
Pero sa pagbabasa ko ng article about sa adulting sa Time ay nakakaloka na may iba-iba pa palang pakahulugan ito. May iba ay nasasabi raw ito dahil baka nababagalan o nababaan sa kanilang progreso. Habang ang iba naman ay pa-humble dahil mas advance kumpara sa kanilang kaedaran. Halimbawa ay kapag yung iba ay may pamilya, bahay, lupa, at kotse na; habang ang iba naman ay single pa rin at nasa stage pa lang ng pagbabakasakali sa buhay. May ilan naman na nagsasabi na adulting na sila kapag sa wakas ay may ma-achieve sila na dapat for adult – like pagsasaing at paghuhugas ng pinggan?
Ang maturity ay may kinalaman sa pang-unawa sa bagay sa malawak na aspeto na nakakatulong sa pag-iisip at aksyon ng isang tao. Iyan ay kahit ano pa ang edad kasi may mga teenagers na matured na mag-isip at may gurangis din na pabebe pa.
7 Issues Matured People Can Handle
Choose Your Battles. Case to case ang bawat gusot sa pagitan ng mga tao lalo na if they don’t know how to chose their bottles ete battles. May alam ako na nagkahamunan at halos mauwi sa patayan dahil lang sa masamang tinginan. May ilan din kasi na aakalain mo na may attitude problem o anger management issue na konting kibot ay beast mode na agad. Pero kung matured ay mapupulsuhan mo kung kinakailangan ng ilaban ang ipinaglaban at kung ano ang ipaparaya mo na lang.
Straightforwardness. Ang tingin ng iba sa mga prangka ay matataray, maseselan, at mapagmataas. Noong bata ako ganoon din ang tingin ko. Pero kapag dumating ka na pala sa point na ikaw na ang kailangan manindigan para sa pangarap, kapakanan, at karapantan mo o ng mga taong mahalaga sa iyo ay malalaman mo ang essence of straightforwardness. Dahil may taong nakakasakit, nakakaabuso, o nakakadehado pero unaware o patay-malisya pa. If you can’t please everyone, then you can’t also expect that everyone sympathizes/ understands you. You have to be direct and clear sa iyong side.
Territorial. Sa mga langgam ko talaga napatanto ang halaga ng pagiging territorial ng sinira nila keyboard ko. Iyong sila na itong trespassers, sila pa ’tong may ganang mangagat?!! Sa ibang punto ay hindi naman masama ang pagiging territorial, hindi ka naman nang-angkin ng hindi sa iyo at nagdadamot. Ang gusto mo lang ay protektahan kung ano man o sinoman na pinapahalagahan mo. Ayon sa nabasa ko sa Relationship Talk ay iba ang pagiging territorial sa pagiging possessive at jealous. Agree ako!
Distinguish goals over wishes, realities over fantasies. Kapag nasubukan mong mabato ( burn out/ bored) o madehado, hindi mo na kailangan ng inspirasyon, motivation, o sign. Mapagtatanto mo na lang na walang himala, ikaw ang aaksyon kung gusto mo may mangyari sa buhay. Ikaw ang gagawa ng para may fairy tales, fantasy fantaserye, superhero, at anime elements sa buhay mo. Pero maniwala ka na kapag marunong kang manalig sa Kanya at sa iyong sariling kakayahan may magaganap (law of attraction).
Embarrassment. Naranasan mo na ba matapilok, mapautot, talakan, o mapahiya nang bongga sa gitna ng maraming tao? Siguro gusto mo na sana lamunin ka na ng lupa matapos lang ang lahat? Pero wait, ikaw lang ba ang natapilok, napautot, natae, natalakan at napahiya? Kung adulting ka na, alam mo na tao ka lang at nagkakamali, sorry is not the hardest word to say, at experience lang yan. Hindi mo dapat ika-depress.
Criticism. Sa tingin ko ang dalawa ang primerong kalaban para ‘di makita ang good side, ng criticism, yun ang pride at pagse- self-pity (victim mentality). Ang mga mapapa-pride ay ayaw tumanggap ng puna dahil naniniwala sila na they don’t need correction and additional input mula sa ibang tao. Ang mga pa-victim/ paawa/over sensitive naman ay inuuna ang emosyon na baka minamaliit sila kaysa logic ba’t may criticism. Pag matured ka na, gaya sa selos at disiplina, malalaman mo na okay ang kritisismo para maitama ang mali. Makilala mo rin kung alin na ang bashing, kaplastikan, at power trip.
Love and Relationship are two different interconnected matters. Lahat ay deserved na mahalin at magmahal. Pero bakit may mga laging sawi sa pag-ibig? D’yan papasok kung paano ka ba o sino ka ba kung makipagrelasyon? Ang may mga relasyon ay hindi lang nagmamahalan, kundi commitment sa isa’t isa kahit may parteng boring, nakakagalit, nakakairita o ano pa man. Dahil relasyon ay partnership at teamwork din lalong-lalo na sa usaping pagpapamilya.
hehe relateüü