Simula sa October ang Barangay 143 ay magiging isa sa pinakasikat na lugar sa telebisyon. Dito maririnig ang boses nina Julie Anne San Jose, Ruru Madrid, Migo Adacer, Kelley Day, Raver Eda, Paolo Contis, Cherie Gil, Sylvia Sanchez, at John Arcilla. Posible ito dahil ang Baranggay 143 ay hindi basta lugar, kundi ang kauna-unahang Filipino anime series.
Kamakailan ay inilunsad ang animated series na ito na likha ng sanib-puwersa ng Synergy 88 Entertainment Media Inc., August Media Holdings, at TV Asahi. Mapapanood ang serye na ito na ASI Studios Inc. Production sa GMA 7 na kilala sa pag-eere ng mga magaganda at di malilimutang anime series sa bansa.
Filipino Spirit in-anime sa Barangay 143
Sa loob ng maraming dekada ay bahagi ng lineup ng TV programs ng malalaking stations ang mga animated series. Sa hindi nakakaalam ng pagkakaiba ng anime, animation, at cartoons ay ang anime po ay tawag sa Japanese animation. Para sa akin ang dalawa sa pinakamagandang katangian ng anime ay ang idea ng “suspension of disbelief” at ipakilala nito ang Japanese arts, and cultures.
Samantala, may mga animated films at series na likha ng mga Filipino o dito sa Pilipinas ginawa ang raw production. Kaya nakakatuwa na sa pagkakataon na ito ay likhang Filipino para sa Filipino ang matutunghayan sa Barangay 143. Pilipinong- Pilipino ang timpla, setting, acting, graphics, istorya, at iba pa. Pero may touch siempre ng vibe ng nakalakhang anime sa tulong na rin ng staff and crew mula sa Korea, Malaysia, Singapore, USA, at siempre Japan.
Isa pa sa maaasahan sa serye ay ang ideya na hindi sa Japanese o Tagalog version ang theme song. Makakaasa na best local Filipino music artists bibira para sa mga awitin ng Filipino anime na ito. Una na rito sina Julie Ann, Shanti Dope, at Gloc 9. Plus mayroon din nakaumang ng game app na kukumpleto sa pagtangkilk sa Pinoy TV animated series.
“Within the series, the comic strip and even the game we have tried to capture the real-life experiences of the Philippines through art and the sounds,” saad ni Jackeline Chua, Managing Director and Co-Founder ng Synergy 88 Digital. “With Barangay 143 Street League we also created a unique experience that helps players compete with friends in cyberspace but get their wins rewarded in the real world.”
“When we first came across Barangay 143 during its development phase, it seemed like a natural choice for us to be a part of. We hope that Japanese creativity will bring light into Filipino story and characters to life,” pahayag ng TV Asahi’s Head of Animation at International Business Development na si Takahiro Kishimoto.
Barangay 143 features Voice Acting of Filipino Actors
Dapat ding abangan ay ang mga voice actors sa Filipino anime na ito dahil mga artista sa telebisyon at pelikula. Imagine sina Kelley Day, Migo Adacer, Ruru Madrid, at Julie Anne San Jose ang dubbers. Sasamahan pa nina John Arcilla, Sylvia Sanchez, Cherie Gil, at iba pang beterano aktor mula man sa Kapuso Network o hindi. Ilan pa sa kasama rito ay sina Benjie Paras, Teresa Loyzaga, at Alyana Asistio.
Sa media launch ng Barangay 143, ibinahagi nina Cherie at Sylvia na challenging para sa kanila ang pagbo-voice acting. Sa loob kasi ng recording studio ay sila lamang at walang kabatuhan sa mga eksena. May punto pa umano na nahihirapan si Sylvia at kung kinakailangan ay literal s’yang iiyak maibigay lang ang emosyon.
Ayon naman kay John Arcilla ay “easy and exciting” sa kanya ang dubbing experience nila. Anya ang maganda kasi sa pagda-dub nila ay hindi nila sinusundan ang video ng anime characters nila, kundi ang boses at acting nila ang sinusundan ng buka ng bibig ng mga ito.
Samantala, sinabi din Julie Anne na excited din s’ya na makapag-dub kahit na hindi pa niya alam kung ano ang pagkakaiba o pagkakatulad nito sa sa kanyang pagkanta at pag-arte. Ang The Cure star na si Ruru ay nag-audition naman daw para sa kanyang role. Anya ay parehong gusto niya ang anime at basketball na nasa istorya ng Pinoy anime series. Hindi rin umano ito ang unang beses na nag-dub siya ng anime dahil isa s’ya sa voice actors ng Bleach the Movie noong 2013.
Gaya ni Ruru ay nag-audition din si Migo at Kelley. Pero kumpara sa role ni Ruru ay Koreans ang karakter ni Migo at Kelley. Sa totoong buhay tila walang dugong Korean ang dalawa pero naipaparaan naman umano ang kanilang twang o accent. Dito na marahil papasok ang voice acting coach.
Narito ang main cast and characters sa Barangay 143:
Bren T. Park – Migo Adecer
Vicky – Julie Anne San Jose
Wax – Ruru Madrid
Jinri – Kelley Day
Coach B – John Arcilla
Commissioner of the PIBA – Edu Manzano
Sophia – Cherie Gil
Koboy- Paolo Contis
Buchoy – Voiced by: Raver Eda
Tita Baby – Sylvia Sanchez