Ang mga payo ko sa ibaba ay pagtuturo sa bata tungkol sa pag-iipon ng pera, pagnenegosyo , o money management BASE sa aking mga natutuhan, personal na opinyon at mga karanasan. Ang ilan po rito ay naituro ko na at maaaring radikal, pero na-enjoy naman at worth it:
Hayaan mong ma-experience ng bata ang magbenta o kumita
Ayon sa pag-aaral ng FreshBooks, isang kompanya tungkol sa small business invoicing software, sa 1000 negosyanteng kanilang na-survey ay walong porsyento rito ay nagnegosyo/ nagbenta mga 10 years old sila.

Ako po ay 8 years old o Grade 3 pa lang nang makaranas magbenta ng ube, polvoron, yema, pastillas, at iba pang candies. Maaaring tanungin ng iba kung ano ang muwang ko noon sa kita at paghawak ng pera, pero kung babalikan ko ngayon ‘yon, ay doon ako namulat kung paano kumita ng pera at i-manage kahit papaano ang kakaunting pera ko. Kusa akong pumapasok nang maaga para makabili ng paninda, at natutong makisama sa mga kaklase / mamimili ko. Ganito rin ang naging journey ng mga kapatid at pamangkin ko na naka-experience na magbenta.
Siempre hinay-hinay lang sa pag-train ng mga bata. Hindi mo naman sila pagbebentahan dahil ‘yon ang pampaaral nila o source of income nila. Kung ano lang ang kaya at ang importante ay personal experience magbenta. Ito ay para malaman din nila mismo kung paano kumita, mag-budget, marketing (socialization), goal-oriented, at makapagtabi ng pera.
Saka ang hirap magturo ng pagtitipid kong wala naman titipirin na pera, at alam ng bata madaling kunin ito sa wallet.
Hubugin mo ang bata na magkaroon ng positive thoughts about money
Sabi ng ilang financial experts ay iwasan ang pagsasabi sa bata ng “wala tayong pera,” “mahirap lang tayo,” etc. Ang hirap noon ah, lalo na kung totoo at dumadaan naman talaga tayo sa negative situations o financial woes.
Ang sagot ko d’yan ay idaan sa aliwan ang pamamaraan ng pagtuturo. Paano? Maglaro ng games gaya ng Monopoly, Cash flow, o Millionaires board games. Puwede ring manood ng movies na makakapagturo tungkol sa pera, perseverance, grit, o pagiging hopeful sa kabila ng hardships.

Siempre maigi rin ang pagbasahin ng libro. Recommended ko ang Filipino children’s books na Tight Times ni Jeanette Patindol, Half and Half (Kala-kalahati) and Look for the Star (Hanapin ang Bituin) ni Grace Chong lalo na kung tungkol sa money management lesson ang usapan.
Ang problema lang din kasi sa nakagisnan natin tungkol sa pera ay iyong ideya na baka maging ganid ka, magagamit ito sa masama, o mayayaman lang ang magkakaroon nito. Ang pera mismo ay hindi masama at walang masama na kitain/ pag-ipunan ito, lalo na kung paghihirapan at para sa mabuti gaya ng…
Turuan ang bata na mag-donate o ng makabuluhang dahilan sa pag-iipon ng pera

Oh ‘di ba, paano ka makakapag-donate, pagkakawang-gawa o makakagawa ng mas maraming mabuti kung negative ang pananaw mo sa tool (pera) para magawa ito. Okay lang na maturuan ang mga bata na mag-ipon para mabili ang kanilang gusto. Pero we should motivate our kids to choose happiness over entertainment like buying material things often.
Sikapin natin na i-divert ang kanilang dahilang mag-ipon sa kanilang well-being/ personality development. Para sa akin good reason to save money ay para may pang-travel, pang-aral sa summer class, ma-pursue yung passions/ hobby , o tuwing Pasko o birthday ay makakapag-share ang bata ng blessings sa iba. They will learn contentment and distinguish what’s more than enough kapag ganun.

Join ka rin sa pag-iimpok ng pera at gawing kaswal ito sa inyo

Ang una kong alkansya ay lalagyan ng baby powder o alcohol, iyon din kasi ang nakita ko sa mga nakakatanda kong kapatid. Mas nakakaengganyo mag-impok ng barya o perang papel kung may nakikita ka o kasabay na gumagawa nito. Noong bata rin ako ay may napuntahan akong bahay na may malaking transparent jar na halos mapuno ng baryang pera. Hindi ko na kailangan humingi ng explanation, naglaro na sa isipan ko na rule/ bonding/ culture siguro sa bahay na ‘yon na maghulog ng barya ang buong pamilya kung mayroon.
May napanoood ako sa KMJS na ganoon video sa ⇓ @7:19.

Saka ang hirap intindihin para sa bata ang aral na hindi n’ya nakikita o iba naman yung nasasaksihan n’ya doon sa nagtuturo sa kanya. Kung tuturuan mo s’ya mag-ipon, pero ikaw hindi mapag-ipon ay ano ‘yon? Theory o creative idea? Kung sakali ikaw mismo ay hirap, better join ka na rin para pareho kayo ng bata na matuto.
Gawing enjoyable ang kakaibang money-saving techniques
Ang pagiging mapag-ipon ay mapapadali, para sa bata at matanda, kung enjoyable itong gawin at palagi. Hanggang sa makasanayan, hobby, passion, lifestyle o trait na ito. Paano?


Mae-enjoy ng bata kung may nakakaaliw pero effective na technique para hindi maging boring ang pag-iimpok ng pera. Oo hindi lang sa alkansya at bangko. Halimbawa ay “The Envelope System” na hindi lang makakapagturo how to save money, but overall, how to budget your money for you expenses and goals. Halimbawa ay kung gusto manood ng bata ng movie sa MMFF, sumakay sa rollercoaster sa amusement park, o makapamasyal sa Baguio ay mayroon siyang dedicated envelopes with tags sa bawat isa na mapaglalagyan ng pera. Ang envelope ay puwede rin naman makukulay na bote, garapon, o wallets⇑.
Nasa 7:19 time yung binabanggit ko sa ⇑