Review: Body Massage Service at Aya Care Aesthetics & Wellness Center   updated!


Our healthy body is our best asset and our wellness is our wealth.  This is not a marketing slogan, but relevant reason why going to wellness clinic such as  Aya Care Aesthetics & Wellness Center is not just pampering, but taking good care and investing for our well-being.

 5 Things about Body Massage services in PH

 For years ay sanay ako sa home service ng mga masahista, na ang iba ay trained at ang  iba ay natuto lang sa kung saan.  Kaya espesyal  din ang pag-experience ko sa full body massage service sa Aya Care Aesthetics & Wellness Center dahil iyon din ang first time kong magpamasahe sa isang Beauty and Aesthetics clinic . By the way, kasama ko rin ang ate ko (ex OFW) na palagi at sanay na sa pagpapa- treatment sa mga  beauty clinic loob at labas man ng Pinas.

si Ate Girl na nagpa-full body massage sa Aya Care Aesthetics & Wellness Center
  • Body massage is not just for pampering

Well may dahilan naman siguro kung bakit na tinawag na massage therapists ang mg trained and skilled masahista.  Ako, nagpapamasahe ako kapag masakit na masakit likod ko at kapag feel ko nang very soon ay uubuhin at sisipunin ako.   Napatunayan ko rin kasi na kalimitan ‘yong cause ng ubo at panghihina ko ay nanggagaling sa lamig, pagod, at stress especially sa likod, balikat at paa ko.  Guilty ako na natutuyuan ako ng pawis, pagpasan ng daigdig  mabigat na bag,  at paglalakad nang matagal.  So I know na yung pagpapamamasahe ay hindi ko lang treat sa sarili, kundi  I really need and deserved it.

Sa Aya Care  ang nagmasahe sa akin ay si Marivic Cubilla at sa ate ko naman ay si Reven Ruayan.  Ayon sa sa kanila ay trained sila sa TESDA. Si Reven ay bukod sa masahe ay skilled din sa ibang services gaya ng microblading/ microshading (semi-permanent eyebrow tattoo), Radio frequency (RF), at facial care. Dagdag pa sa kanilang nalalaman ay ang pagsasanay din  nila sa mga Japanese experts mula sa main branch ng Aya Care Aesthetics & Wellness Center Inc. sa Japan.

  • Recognize between cheap and affordable massage 

Sa price ay mas mababa yung  singil ng mga kapitbahay namin, but based sa  satisfaction and end result, yung real value ng mga ‘yon ay magkakaiba.

Hindi naman ako maselan sa oil, lotion, etc. ng mga manghihilot. Pero may times na yung iba ay maka-oil na lang at one time nga ay may naghilot sa amin na ang gamit ay parang sebo o oil sa lutong ulam. Nakakaloka ang amoy  at ang mantsang iniwan noon sa towel, kumot, at kobre kama namin ( magatos sa sabon!). Dagdag pa roon na ay  hindi rin naman satisfying  ang service, kundi ordinaryong diin, hagod, at hatak lang ang naramdaman ko.

Dito sa pinuntahan namin beauty & aesthetics clinic sa Quezon City  ay sumaglit pa kami pa sa SM North after namin magpamasahe. Walking distance lang kasi itong (ang old place) clinic ni Ms. Arleen R. Miyakawa sa SM North at TrinomaHindi rin nakakahiyang gumala kasi hindi naman oil o pain killer ang scents namin, hindi  feeling bugbog ang pakiramdam, at ang lakas maka-smooth skin ng products nila.

Patalastas

Speaking of beauty and massage products, noong nakausap ko si Sir Reinan Pao Iglesia, Operation Manager ng Aya Care Aesthetics & Wellness Center Inc, sinabi niyang  iyong equipment, designs, services, at mga products na ginagamit nila ay manufactured in Japan. Made from herbal ingredients  din daw ang kanilang soaps, creams, lotions etc.  Ang mga ito ay other business ni Ms. Miyakawa sa Japan, so definitely hindi kung ano-ano lang ‘yung hinaplos, hinagod, at ipinahid sa amin!

  • Accessible stress reliever

Ang isang problem ko rin  sa mga nagustuhan kong neighbor masseuses and (gay) masseurs ay ang hirap nilang papuntahin sa preferred time ko. O kahit ako pa ang pumunta sa  bahay nila ( pero ‘di convenient).  Karamihan sa kanila ay hirap hagilapin (text, call, o google map) to the point na bahala na kung kailan kayo magpapang-abot. Mahirap ‘yon lalo na sa mga kagaya ko na ang importante ng scheduling kasi may days o weeks na super busy na.

Ayon naman kay Sir Pao, sa Aya Care ay at least 30 minutes ay puwedeng magpa- appointment. Maganda iyon dahil kahit from office ka o kung saan man ay alam mo na booked na ‘yong massage o anumang treatment na gusto mon i-avail.  Saka male-less din nito ang wasting of time sa paghihintay  dahil (basta on or before ka dumating) sa schedule mo ay sasalang ka na.

Gaya rin ng nabanggit ko ay accessible ang Aya Care sa location  especially resident and worker in Quezon City like me.  By the way, nasa Triumph Square Building na sila sa Quezon Avenue. Reachable ang building na iyon  para sa mga taga –U Belt/ España,  Maynila,  ng mga taga- around  Balintawak at Monumento Caloocan,  at mga bumabay sa MRT Stations.  Kung tutusin ay medyo malapit din ito sa San Juan City at Bulacan (Bocaue part).  Sa  pinakamalapit na landmark, malapit ito sa Kapamilya network, Hi Top, at Quezon Ave MRT Station.

  • How to relax? Ease your tensions!

Nakakatawa pero sa loob lang ng clinic ko nalaman kung paano ang “relax.” Tinanong ko si Ate Marivic  how to relax ba o ano ibig sabihin n’ya sa “mag-relax” ako.  Iyon pala ang ibig sabihin nun ay parang nanigas ako na  tipong kinokontra ko yung masahe n’ya.  Dapat pala lambutan, hayaan, o go with the flow lang. Ewan ba’t nahihirapan akong makuha iyon, baka dahil innately ay strong-willed person ako? Charrot!

Anyway, napag-alaman ko rin  napi- feel ng naghihilot o nata-transfer sa kanya yung lamig ng katawan ko. Iyon din daw ang dahilan kaya siya nagbi-burp, wow paa at hita ko pa lang tadtad na ako ng lamig?!  Sa ibang banda, alam ko naman  kung nati-trace ng humilot sa akin kung nasaan ang lamig( kasi nandoon yung sakit e), pero napi-feel din pala nila pati kung saan stressed. Iyong ate ko daw ang maraming stress sa likod ( well true to life stressed ‘yon sa work).

credit: Aya Care Beauty & Aesthetics Inc./ Facebook
  • Be “bolder” to get the treatment you deserved

Magkaiba ang medyo mag-bold sa loob lang ng kwarto mo  doon sa ibang lugar.  Pero I am not worried  doon sa loob ng beauty clinic na ito sa Quezon City  kasi feeling safe ako sa dim light, sa makakapal na tapis/twalya sa katawan, at  tabing/ pinto.  Saka yung pangangamusta ng mga masseuses o babaeng masahista ay nakaka-secure din na they care about your overall wellness and safety habang nasa loob ako.

Dagdag ko na rin bakit nga ba tayo nag-aalangan magpahilot? Bakit nga ba pinaghihinayangan na maglabas ng pera para magpahilot?  Eh deserved naman natin ito, so go be bolder, wiser, and healthier 😉

Rate sa full body massage service ng Aya Care?

Yung dami ng stars na babalik-balikan mo. 

Aya Care Aesthetics & Wellness Center has the following massage services din:

  • Relaxation Massage
  • Therapeutic Massage
  • Hot Stone Therapy
  • Slimming Massage
  • Foot Reflex
  • Scalp Massage
  • Ventosa / Cupping

+

Ear Candling

Foot Spa

Susunod: Review ng Facial care and other Treatments ng Aya Care Aesthetics & Wellness Center



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Review: Body Massage Service at Aya Care Aesthetics & Wellness Center

  • Marvin Serano

    1. Please make sure to observe and follow time if it’s 1hr. massage it should be 1hr. not 40mins. not 50mins. Gets?

    2. Please wear face mask for the staff all the time for hygienic purposes.

    3. Clients come and seek your services to pamper/distress not to stress.

    Thank You!

  • Aya Care

    Thank you Ms. Hoshi for your kind review. We appreciate you taking the time to share your experience at Aya Care Beauty & Aesthetics. See you on your next visits. Take CARE!