Daring Kim Chiu in One Great Love, a matured romantic drama movie under Regal Entertainment where she paired with JC de Vera and Kapuso actor Dennis Trillo. Halos lahat ng naka-bold sa lead na ito ay reasons ko rin bakit kinagat ko ang whooping Php 350 movie ticket price ng Gateway Cineplex. In fairness naman ay premium pala ‘yan, kaya solve na ako sa experience. Eh sa movie ni Kim Chiu with JC,at Dennis?
Film Review ng One Great Love: lead actors Dennis Trillo, and JC De Vera
One Great Dennis Trillo. Eksakto ng MMFF 2018 Awards Night nang napanood ko ang One Great Love sa Gateway Cineplex. Napag-alaman ko na si Dennis Trillo ang naging best actor. Sa movie ay I agree na ipinakita niya ang galing niyang mag-deliver ng acting. Hindi lang ako aware na siya sa lahat ng nasa MMFF ang pinakanamukod-tangi sa jurors.
I admit kasi na medyo konti ang napanood kong series at movies ni Dennis Trillo. Una ko siyang napanood sa K2BU at nalaman ko ang kanyang husay sa pag-arte sa Aishite Imasu 1941: Mahal Kita. Kaya ito pa lang One Great Love iyong natutukan kong proyekto n’ya at sa big screen.
Para sa akin ay at the start, it’s hard to appreciate his character Dr. Ian Arcano. Parang alam mo na yung ganoong bait-baitang character at lalaking nagkagusto sa best friend n’yang babae ( though marami nito pang-third wheel). Pero along the way, ewan kung ano, bigla na lang makikisimpatya ka sa kanya. At sa bandang huli ay iwi-wish mo na sana ay may someone ka na gaya ni Dr. Ian. Siempre you can sympathize sa character dahil na rin mahusay siyang na-interpret ni Dennis.
JC de Vera bilang Carl Mauricio. Nakakita ka na ba ng ideal guy/ girl na masarap sana mahalin, kaso hindi. Hindi mo alam kasi kung paano intindihin yung kokote n’ya at kung paano mo ilulugar ang sarili mo sa puso n’ya. Like Dr. Ian, JC’s character Carl Mauricio has upfront distinction ( typical paasa guy). The one you’ll love and hate at the same time, pero kung bakit nga ba mahirap hindi bumigay sa tsika niya.
Pagsusuri sa Pelikulang One Great Love: Screenwriter, Director
Closing Credit ko na napag-alaman na ang scriptwriter pala ng One Great Love ay Gina Marisa Tagasa. Na- explain noon sa akin kung bakit ganun ang flow ng kwento.
Sa umpisa medyo nanibago ako sa paraan ng pagkakalahad ng story at ng movie overall. Hindi ko alam kung nababagalan o nabo-boring na ako. Pero alam ko rin na ‘pag binilisan ay baka masira ang build up ng momentum. Kaya sa first 10-15 minutes siguro ng movie ay nasabi ko na ay “napanood ko na ito,” at “may bago bang ihahain sa akin ang movie?”
Pero like me, try to endure that first few minutes at makikita mo dahan-dahan ang mga bagay-bagay. KUNG GAANO kaloko itong si Mr. Mauricio, KUNG GAANO ka inlababo n Dr. Ian, at KUNG GAANO ka-gulo ng isip at puso ni Zyra. KUNG Paano at Gaano ang One Great Love. In that way din, kapag na-reach na iyong climax ay papanig (with feelings) ka kung kanino man at masasabi mong deserved ni ganito iyong ganoon. Ibinigay ang pros and consequence in slowly, but surely clear dramatic narrative.
Mas nahimasmasan ako kung bakit ganito ang pagkakalahad nung nabasa ko kung sino ang writer, si Ms. Gina Marisa Tagasa o Gina Marisa Tagasa-Gil kasi…
Kung babalikan ang writing portfolio n’ya ay marami rito ay TV series including Dyosa ( ni Anne Curtis), Pieta ( ni Ryan Agoncillo at Cherry Gil), at Ang Iibigin ay Ikaw ( nina Richard Gomez, Alice Dixon, at Christopher De Leon. Sa classic movie ay isa s’ya sa writer ng Nakagapos mong Puso (nina Sharon Cuneta at Lorna Tolentino) at Lovingly Yours, Helen (The Movie). So mayroon akong impression na malumanay talaga s’ya sa build up ng mga character at istorya. Iyong ihehehele ka muna saka yugyugin o dadalhin sa pantasya ng kanyang kwento.
Maliban sa Dear Uge ay halos puro straight drama rin ang niraratsada niyang proyekto. Kaya dito sa One Great Love kung hindi ka sanay, boring. Pero magugustuhan mo kung fan ka ng dramatic love story.
As for direction, using his real name Enrico Quizon ay ang actor-writer-director na si Eric Quizon ang namahala sa One Great Love. Sa aking pakiwari ay nag-stick si direk Eric sa script at mas hinayaan niya na i-express o i-explore ng mga actors kung paano nila aatakihin ang kani-kanilang roles. Kung ako ang actor ay magugustuhan ko iyon, lalo na kung gusto ko ng laya. On the other side, kung nangangapa pa ako sa acting medyo mahirap kasi I need guidance. So I think mapapansin mo sa movie kung sino yung okay, puwede na, at need pa ng workshop. Parang mas nag-concentrate s’ya sa overall na paggawa ng movie kaysa mag-actor-director.
Kim Chiu movie na One Great Love ng Regal Entertainment
Kung sa movie, baka ito na nga ang daring role ni Kim Chiu, pero…
IMHO ay step lang ito o nagsilbing pintuan for her next mature roles. Kung maturity sa pagdrama ay baka nakaligtaan ni Kim na bago pa s’ya nag- Bakit hindi ka Crush ng Crush mo at Bride for Rent + My Binondo Girl ay puro drama ang kanyang nilalagare. Siempre kasama na roon ang Ikaw Lamang, Tayong Dalawa at iba pang earliest drama series niya. Kung sa recent film, I think mature and daring na rin ang kanyang role sa Etiquette for Mistresses.
Actually she’s one of the newbie / young actresses before na walang masyadong isyu sa kissing. That’s why nasabi ko rin na doable/flexible itong actress at ready s’ya to try things. Napanood ko pa nga ang halikan n’ya with Jake Cuenca (even in Tayong Dalawa’s days pa lang/ 19 years old s’ya ) at maging n’ya with Coco Martin sa Ikaw Lamang.
May mga bed scenes na rin s’ya before with her two known ka-love teams na sina Gerald Anderson at Xian Lim. Pero kung sa daring because of the kissing and love scenes ay papasa na may ipinakita siyang kakaiba.
Sa kabuan mas tinitingan ko na yung Kim Chiu sa One Great Love na pag-comeback n’ya sa ruta ng straight drama. Kung baga if hindi siya nalinya sa rom-com, comedy, at horror ay ito talaga iyong dapat kadugtong ng pagtahak n’ya bilang dramatic actress.
As Zyra Paez, nakikita ko pa ang galawang rom-com star Kim sa mga not so intense scenes. Usually iyon earliest conversations niya with the character of Miles Ocampo (sister of Zyra) at Dr. Ian. Iyong lahat ng scenes niya with JC de Vera ay level up mas naramdaman ko roon si Zyra kaysa kay Kim. Pero siempre ang pinaka-peak ay iyong eksena n’ya sa mesa with Dr. Ian at isang lawyer. Mahusay ang delivery n’ya ng guilty at naguguluhang Zyra doon. That even makes One Great Love exciting for me. Tipong ano na ang next move mo Zyra after nyan. At sa moment na iyon, between Dennis at Kim, nakipagsabayan sa emosyon si Kim at mas challenging para sa kanya .
Aside sa kissing scenes, I think this is one of the few movie roles n’ya na not so goody-goody. Perhaps okay din na subukan n’yang kumuha ng gray characters. And I wish magkaroon siya ng movie na ang leading man n’ya ay si Jericho Rosales ( sa Viva?) o Jake Cuenca sa Regal. Or mag-1017 production + Star Cinema collab.
Overall One Great Love is a good project para masubok n’ya ang ibang produksyon (Regal Entertainment) at ma-cast kasama ang ibang leading men para sa naiibang role. As for chemistry with Dennis o JC, hindi ako sure kung mayroon. Pero sure akong nakita ko si Zyra na inibig ni Dr. Ian, si Zyra na baliw kay Carl, at si Carl na binalik-balikan si Zyra.
Good job sa One Great Love, hinalina rin ako nito na i-tsek pa ang ibang gawang drama ng Regal Films. By the way, magaling din dito sina Nina Dolino at Miles Ocampo.