Ang Aurora movie ang pang-apat na Anne Curtis film na napanood ko sa sinehan. Bukod sa kanya ang nanghalina sa akin para manood ay kasi isa itong horror-thriller film at mukhang may interesante ang plot. Interesante nga ba?
Review: Good points of Aurora movie of Anne Curtis
- The tone– Una ko talagang napansin sa opening credits pa lang ay Color Grading so mula doon nag-e-expect na ang magse-set ng mood sa movie na ito ay color tone nito. And yes napakabihira na makakita ng pastel, neon o masyadong makulay na bagay-bagay sa Aurora. Pero yung pagka-dark nito ay hindi pang bampira gaya sa Underworld or Twilight Saga at matingkad na mesmerizing gaya sa Aswang Chronicles: Tiktik. Ito ay nagpapahiwatig lang na may madilim na bumabalot sa istorya ng Aurora.
- Visual Effects – Maganda na iyong dagat sa paligid. Parang ang sarap sumisid sa linaw at mag-moment ala- music video sa dalampasigan gaya ng laging ginagawa ni Leana ( Anne Curtis). Hindi mo nga masisisi si Rita (Phoebe Villamor) kung bakit gusto nitong lumangoy o magliwaliw doon. I assume na mas diniliman pa ang paligid ng mabato pero may napakalinaw na dagat na ito. Ilan bato kaya ang idinagdag nila, gaano pa pinalinaw o gaano pinatindi ang alon? Sa Baler nga pala ako nakakita ng ganitong dagat.
- Perfect milieu – Kung may consistent sa movie, ito iyong rustic texture ng places . Magaling iyong location manager, set / production design o kung sino pa man namahala rito. Mula sa exterior to interior ng Leana’s inn ay nandoon ang boring province-like mood pero may creepy rustic ambiance din. Parang ang sarap ngang makihilata habang busy sa kaka-google ng bangkay sina Leana, Ricky (Marco), at Eddie (Allan Paule) at nasa room 2A sina Rita at Celine ( Andrea del Rosario). hohoho!
Maging sa bayan kung saan nag-uukay-ukay ng gamit sina Ricky at Aurora Survivor ( Arnold Reyes) at doon sa mala-NSO sa bayan ay okay. Sa tingin ko pa lang ay babahing na ako sa kalumaan at alikabok ng mga libro, papel, dyaryo at iba pa na nandoon.
- Aurora, an Anne Curtis movie featuring her maturity and ability to lead a movie. I don’t know kung panonoorin ko ito kung hindi si Anne Curtis ang bida. Una ay hindi rin naman ako mahilig sa horror film, mas siguro sa suspense-thriller. Iyong tipo ng The Girl with the Dragon Tattoo. Pangalawa ay medyo alam mo na kung saan iikot ang istorya, possible ending nito, at maraming ng pelikul tungkol sa lumabog na barko. Hello Titanic!
Subalit I appreciate yung intimacy ng story. Ito ay kwento ng bida versus sa pangyayari sa kanyang paligid. I appreciate din na hindi masyado hinaluan ng maraming kilalang artista para mas mag-focus ako masyado kay Anne. Its effective kasi nakita ko rin na yes kaya ni Anne na maging si Leana. Hindi siya si Anne sa Magic Kingdom, In Your Eyes, at No Other Woman. Hindi ko naramdaman na ito iyong bubbly at may matinis na boses na host ng It’s Showtime o paawang bida sa Kampanerang Kuba. Actually pati yung nahimatay s’ya, nagda-drive, nakasandal sa pader habang nakikipag –usap kay Ricky, at nakatanaw sa Aurora ay iba rin. I think kung dati-dating Anne ang gaganap na Leana ay baka hindi n’ya ma-deliver. Or hindi babagay sa kanya ang role. Kung mayroon man akong ‘di masyadong nagustuhan sa kanyang galawan o Leana ay ‘yan iyong nakaupo siya at nagi-guilty. Ganoon din iyong masyado na s’yang palaging nagpapahamog sa kakatambay sa dalampasigan. Kung MMK episode ito puwede ngang title ay “Balabal” o “Tanaw.’ Hehehe!
- Great cast and role matching. Binanggit ko na hindi kilala ang mga kasama ni Anne sa movie, pero hindi ibig sabihin noon ay waley sila. Katunayan ay napakaepektibo nila sa kanilang role. Una kong pupurihin ay si Alan Paule na magaling sa kanyang pagganap bilang si bangkerong Eddie. Sa eksena na sinasabi ko na nagi-guilty si Leana/ Anne ay siya ang nangibabaw. Okay din si Phoebe bilang Rita. Naipalabas n’ya ang isang batang inosente, maalam, at may natural na katapangan. Actually maganda ang character ni Phoebe kasi I find Rita very interesting. Kung siya ang ginawang pinaka-lead character ay iba rin ang datingan ng Aurora. Hamakin mo nakikipag-usap pa talaga s’ya at gumagawa ng paraan to solve problems.
First time kong matutukan ang acting ni Marco Gumabao. Pinatanda pa siya konti rito para kay Anne, pero in terms of acting ay okay s’ya. Sakto ang delivery. Nagmarka rin sina Ruby Ruiz, Arnold Reyes, at Ricardo Cepeda. Sa lahat ng biktima siyempre espesyal dito lalo iyong Giant walking dead hehe!
- Okay na editing at screenplay. Though may ilan parts na na-disorient ako ay okay ang story at editing for me. Pinakagusto ko iyong switching ng scenes sa Inn at loob ng barko. Maging ng mga flashbacks. Congrats Dir. Yam Laranas and Gin de Mesa!
Not so good points of 2018 Horror movie Aurora
- It’s the shrinking Ship? Actually ang leading man dito ni Anne Curtis, bukod kay Marco Gumabao, ay ang Aurora mismo. Oo iyong sumadsad na barko na marami ang namatay na pasahero.
Noong una ay isa rin ako sa mga napaisip na ang movie ay tungkol sa probinsya ng Aurora. Oh baka nasanay lang ako na may movie title na tungkol sa isang lugar gaya ng Baler at Siargao. Sana next time may Guian naman hehehe.
Okay back to Aurora, the ship, nakabantay talaga ako sa consistency ng itsura nito at kung ‘di ako nagkakamali ay walang ganitong barko in real life. Nakasakay na ako ng barko e, kaya tingin ko ay bago ito at computer graphics lang kung ihahambing sa totoo. May milliseconds pa nga sa movie na naipakita na blanko ang upper deck nito. Hindi naman pansinin o puwedeng namalik-mata lang ako. Subalit kung ako ang tatanungin ay walang masyadong character ang itsura ng barko. Mukhang lang itong nakadaong tapos itinumba kaunti (computer) para nagmukhang palubog. Even yung isla na bato na binangga nito minsan mataas, minsan hindi. Mas may puno pa ng character ang Leana’s Inn.
- Disoriented character building – Maliit na bagay lang pero may mga point na nawala ako sa mga pinaggagawa nina Leanna, at Ricky. Okay nakuha ko kung bakit nag-stay pa sa Inn si Leana at Rita, initially. Ang bigat na ng 50K reason na iyon, pero nahihirapan akong intindihin o hanapin kung bakit ganun kapursigido. Para kasing sa ilang dialogue ay mas naka-anchor sa kapakanan ng iba at bahala na sila ni Rita. Ni minsan nga ay hindi siya nagdalawang-isip na hindi tumuloy, bagkus ay nagtawag pa s’ya ng backup.
Iyong backstory para sa akin ay mas ipinanday noon iyong rationale ng attachment n’ya sa inn, at hindi sa mga bangkay. I don’t know baka I miss something.
Sa character ni Ricky ay isa lang masasabi ko, after n’ya makakita at kumaripas ng takbo. Umapir siya from the back na parang wala lang. Hayun parang nauwi rin sa waley ang color ng character.
Overall ay okay ang Aurora, a good movie break sa usual na panoorin. Iilan na lang din kasi yung solo at female lead movie. Ito na rin ang horror film na pinanood ko after Sukob at The Exorcism of Emily Rose.