Nagkataon na nitong mga nakaraan ay lagi akong nakakatanggap ng ballpen or ballpoint pen. Maraming salamat Liz Baylon, Mhona Andrade, ate Mary Ann Gonzales (yong mga nasa pic) sa pasalubong ninyong panulat from Japan, Hong Kong at Dubai (UAE). Oh well sakto naman sila sa pasalubong kasi masulat talaga ako.
Instant. Sa kabila ng pagkakaroon ng computer, laptop at mobile phone ay hindi matatawaran para sa akin ang tandem ng ballpen at papel (scratch man, notebook or notepad). Kung hindi man maglista ng bibilhin, gagawin ay mas naisusulat ko gamit ang ballpen ang aking mga ideya. Siguro 80% ng blogpost ko lalo na sa Hoshilandia Sr. ay naisulat ko muna sa papel bago ko na-type sa PC. Including my pupu series at monologues.
Idea. Hindi mo alam kung kalian bubulwak ang iyong creative juices at kalian mo maalala ang isang bagay gaano man ito kaimportante. May isang buong blog ( kasama na ang isang mahabang blog entry) ang basta ko naisulat ko ang framework habang naghihintay ng turn ko sa dentista. Mayroon ding yung gusto kong gawin for whole week or next 5 years. I think napaka-importante nito lalo na sa mga creative writers.
Inventory – mahalaga sa akin ang inventory hindi lamang sa kita ko sa mga sideline ko kundi maging sa finances ko. Para kasi sa akin ito ang script ng drama ko sa pag-unlad para pag may speech ako may paghuhugutan ako ng kwento at numero( (chuz).
Gumagamit naman na ako ng excel para sa mabilis at convenient na inventory pero iba pa rin yung may sard copy ka. Mas madaling ma-check at masisiguro mong kahit walang kuryente o di available ang iyong PC. May madadampot kang notebook na may kinayod mong sulat pero astig ang laman.
Itchetera (so sic) – may iba na mahilig sa scented, makulay, kikay, pormalan at mukhang ewan na ballpen. Sa ganang akin, mas komportable sa kamay ko ang ballpen ay mas masipag ako magsulat at mag-isip. Favorite ko ang color blue pero hindi sa ballpen, tama na ang black na black. Gusto ko yong pini-press kasi nawawala ko lang ‘pag ‘yong may takip. Hindi ako maselan sa makapal o manipis as long as hindi sobrang kapal at hindi sobrang manipis.
Wala rin akong paki sa tatak, wala naman sa tatak kung ano ang kapaki-pakinabang mong maisusulat. Tig-8 pesos lang yung pinangpipirma ko at sa tig 8 na yun hindi ko na ma-compute kung ilan bang katumbas na tulong sa sarili, kita sa bulsa, at galak sa puso ang nakuha kong kapalit.
Your welcome….well sana marami ka pang masulat…sa mga ball pen na yan….
salamat sa pagdalww Mhona at oo marami na akong nasusulat gamit ang iyong ballpen.
mabuhay!
old school ka pala, ha
bakit hindi mo sa typewriter isulat saka mo ipost sa internet
kaso pano kaya yon?
hehe
yun drafts naman ng mali bay naka-save sa mobile ko
(hindi o na ipro-promote ang modelo. wala pang contract signing, eh)
ginawa ko na yun. matrabaho hahaha!
saka pagtype kopa lang computer pang typewriter na. wahehehe
naks naman may mga ganun pang issue. sa bagay ako rin ginagawa ko yun lalo na pag nakakaisip ako sa sasakyan at traffic.
mabuhay!
uy! nakapagbigay na din ako ng pen syo! LOL! wala lang mapagcomment lang! LOL!
oo naalala ko yung purple…with name ko pa and picture ng dog. hehehe
maraming page na ang na-edit nun. hehehe
Nothing beats the basic pagdating sa kagamitan sa pagsusulat.
Yan ang dahilan kung bakit may baon ako laging piraso ng uling sa bulsa ko. Haha!
uling talaga ang dala? baka naman pangsiga mo yan kuya duking? hehehe!
pero sang-ayon ako sa iyong tinuran na iba pa rin ang simpleng pansulat. malaya, mura, at magaan sa bulsa.
ako rin, mahilig akong magsulat at saka mag-doodle ;D
bumibili ako ng colored pens pero hindi ko naman nagagamit, mas gusto ko pa rin ang itim na tinta. kumusta?
pareho tayo, naalala ko lang na may ballpen pa ako na may iba’t ibang kulay kapag nagi-scrapbook na ako o kapag napapadako ako sa kabinet ko na lalagyan ng mga school/office supplies ko. hehehe
iba pa rin kasi pag -itim sa akin.
okay naman me. natutuwa sa iyong pagdalaw! mabuhay!
Hehe cool ( ”,)
mhilig din me mgsulat gamit iabt ibang kulay ng pens hehe
kung sinabi mong mahilig kang sumulat,naniniwala ako 100% pero yung gumagamit ka ng iba’t ibang kulay ng pen parang hindi naman masyado. hehehe
parang dalawang kulay lang ng ballpen ang nakikita ko sa mga sulat mo sa akin. hehehehe
depende kasi sa klase ng letter na gagawin ko. sympre pag simple lang dalwang kulay lang un (ung isa sa names natin at yung isa sa body of letter)
kung ung hinahanap mo eh yung maraming kulay, usullay may okasyon un gaya ng bday o xmas: ska pagmay drawing. hehe
bsta dpende din sa mood ko.
( ”,)
talagang super explain si syngkit! kulot! hahahaha
Mahilig ka palang magsulat, baliktad tayo ako di masyado kasi pangit ang penmanship ko, sabi nila. Sabi nila pag pangit daw ang sulat kamay mo pangit ka din, naniniwala ka ba doon? Anyway kumusta ka na?
nakupangit din ang penmanship ko kuya. nakasanayan ko lang talaga na part ng aking pag-aaral at pagmememorya ang pagsusulat. Naalala ko kasi na sinabi ng dean namin sa college na kapag isinusulat mo ang iyong binabasa maraming senses mo ang gumagana para matulungan kang mag-isip. hehehe
in fairness rin naman napakaraming beses na akong natulungan na gawain na yan. at hindi ko na rin mabilang kung ilang ballpen ang dumaan sa aking mga kamay.