C ko sa C2: Classic Cuisine

Kahapon naaya ako na kumain sa C2: Classic Cuisine… na nasa Atrium, Megamall. Kumpara sa mga katabi nitong establisiemento sa nasabing lugar ay lutong ulam na Pinoy na Pinoy ang laman ng kanilang menu.

C2 ChamporadoAt sa kabila ng Crispy ribs sinigang, pinakbet, rice aligue na pinag-o-order ng mga kasama ko. Ang inorder ko at nilantakan ay ang kanilang champorado with dilis. Siempre mahal na mahal ito para sa nakasanayan kong champorado sa kanto, eh kaso nalibre ni sir TIM Ramos e, try ko na nga. Alam naman kasi ng mga kasama ko na isa ito sa paborito kong pagkain. Sabi ko nga at ng mga kasama ko, tingnan ko daw kung tatalunin nito ang luto ni Aling Guia. At nang makatikim naman ako ng sosyal na champorado.

Bago ko hatulan ang champorado ko na nasa barkong pinggan, gusto kong sabihin na nagustuhan ko ang kanilang Aligue Rice at sabaw ng kanilang Crispy Ribs Sinigang. Sabaw lang talaga dahil hindi ko naman nakain yung laman. Hehehe! Masarap din ang kanilang Seafood Inasal

Nung tinanong ako kung anong rate ko sa champorado, sabi ko 89% (out of 100%). Masarap naman, malinamnam, okay ang presentation at magigiliw naman ang mga waiter. Ang problema lang ay ang OA ng presyo, champorado for Php 185. Ako na ang kuripot, hehehe!

‘Pag bumalik ako roon susubukan ko ang Puto Bungbong Shake at ang iba pang desserts.


24 thoughts on “C ko sa C2: Classic Cuisine”

  1. Hitokirihoshi! Ang ganda naman ng review mo sa C2. Adik na adik din ako sa restaurant na yan… Hay, marami ka pa madidiskubre diyan sa C2 tulad ng tinolang binakol, yung walastik at pansit mami… Subukan mo siya sa susunod… Alam ko may special promo rin ata sila ngayon, ang sabi puro bestsellers daw… pwede mo masilip sa facebook nila: http://www.facebook.com/C2.Philippines#!/photo.php?fbid=10150361222340042&set=a.136582445041.141635.136580935041&type=1&theater

    1. hi youngchow! thank you sa iyong pagbisita sa aking hoshilandia!

      hmmm interesado ako dyan sa tinolang binakol na sinasabi mo, dahil medyo mahilig ako sa masasabaw na pagkain. thanks na rin at nabigyan mo ako ng tips. masasabihan ko yung mga gusto pang manlibre sa akin. hehehe

      mabuhay!

    1. hi doon po sa amin!
      nalibre lang talaga kasi kung ordinaryong panahon at pagkakataon baka medyo malabo ako mapadpad doon.hehehe!

      oo babalik ako kasi gusto ko tikman ang puto bungbong nila. kailangan ko lang mag-ipon muna. hehehe

  2. Hello Hoshi,
    Masarap na kung masarap yong champorado kaso parang di ko malunok sa mahal ng presyo, ok lang siguro pag libre di ba, kahit ilang order pa yan, he…he

    1. oi kuya pong salamat sa iyong pagdalaw!

      at korek na korek ka dyan na iba talaga ang champorado kapag maulan. pero ako dati sanay na sanay ako na champorado lang ang umagahan. charap e.

      mabuhay!

    1. ayun oh nagtampo…hindi ko nga pala nailagay pati pangalan nya. hehehe

      sorry naman, i-edit ko na po.

      thank you nga pala sa panlilibre mo Mr. Tim Ramos. hehehe lalo na sa Crispy Ribs Sinigang at ang….. tsk tsk!

      mabuhay!

  3. PhP185 na champorado? Aba’y kung lulutuin ko yun sa bahay ay makapagpapakain na ako ng mga bata sa neighborhood ko hehehe.Hindi ka, Kuripot, Hoshi, praktikal ka lang 😉 Kung sa presyong PhP35 per kilo, mga 5.25 kilo na ang mabibili mo nun hehehe.

  4. Ba’t wala dito yung solo photo with the champorado? Pwede bang paki-post? request mula sa isang fan? 🙂 Hihintayin ko! hehehe

    Sa akin more than the food, mas mahalaga sa akin yung oras na pinagsaluhan natin together. 😉 Yun na!

    More power!

    1. naka-shy type ako e. mahirap ma-discover at mahirap tumanggi sa fame & fortune. wahahaha

      tama na ang mga exclusive fan ko ang makakita kung paano ako lumamon ng champorado. hehehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.