Visita Iglesia sa Churches in Quezon City and Manila


Second time ko pa lang gawin ang  mag-Visita Iglesia nang pinuntahan namin ang churches in Quezon City and Manila. Hindi ito hindi sobrang nakakapagod kundi isang wonderful meditation. Kasama ko ang aking dalawang kaibigan na mas may alam sa practice na ito at nagga-guide pa sa akin.

From the original 7, we went to 14 churches in Quezon City and Manila. Yung iba na-research namin through the net, habang yung iba ay mga alam na namin at kanya-kanya kaming nagturo. Isa lang actually yung naiambag ko yung sa San Beda Church.

1. San Isidro Labrador Parish

(Philand Drive, Bgy. Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City)

Malaki ang simbahan na ito na nasa kalagitnaan ng komunidad. Nang pumasok kami rito ay may mga kabataan na abalang-abala marahil sa isang drama na kanilang isasagawa na puwedeng Senakulo.

Dito ko binasa ang First Station of the Cross, na unang beses ko ring ginawa sa buong tanan ng buhay ko. So medyo malakas ang pagkakabasa ko, sana lang ay hindi ko naistorbo yung mga Aleng nasa likuran namin.

2. Santuario De San Vicente Paul

(St. Vincent Seminary-221 Tandang Sora Avenue, Quezon City)

Bago-bago pa ang simbahan ng St. Vincent Seminary nang mapadpad kami rito. May malawak itong lote at napakagandang façade at pintuan. Maaliwalas ang dating nito at mahangin, sa loob at labas. Naka-attend na rin ako ng kasal rito at okay na okay dahil mayroon ditong air-conditioned na event place sa likod.


3. Our Lady of the Annunciation Parish

(St. Dominic 3 Subd., Mindanao Ave., Ext., Tandang Sora, Quezon City)

Kilala rin ang simbahan na ito sa tawag na St. Charbel Church dahil sa ngalan ng sikat na village na katabi nito. Ayon yan kay Ate Tet. Ang Station of the Cross (SotC) nila ay nasa ibaba ng church. Columbarium ata itong tunnel, na lulusot sa kabilang pintuan, dahil may mga libingan ng mga abu.

4. San Nicolas De Tolentino Parish

(20 Neptune Street, Congressional Subd., Proj. 6, Quezon City)

May misa noong dumating kami at tila walang nagbi-Vista Iglesia na kasabay namin. Kaya habang binabasa ni Ate Tet ang third SotC ay halos siya lang nakakarinig. Malaki at maaliwalas din ang simbahan na ito na elegante ang façade.

5. Our Lady of Mt. Carmel Parish

(Project 6, Quezon City)

Nasa harapan at gilid lang ng simbahan na ito ang SotC. Tama lang din para kapwa hindi makaapekto sa isa’t isa ang uma-attend ng misa at mga bumi-visita. Pero dahil first time naming ni Avi dito ay pinasok namin ang loob para kunan. Maganda ang color combination at pati na ng lighting sa altar ng church na ito.

Our Lady of Mt. Carmel Parish facde

6. Our Lady of Hope Parish Church

(107 Rd. 3, Pag-asa, Quezon City)

Maliit lang ang church na ito pero engrande ang dating. Kahit nga nang kunan namin ito mula sa tawid na street ay parang mapapakinggan o malapit ka lang sa altar.  Likod na likod lamang ito ng SM North Edsa.

Our Lady of Hope Parish Church facade

7. Santuario de San Pedro Bautista Archdiocesan Shrine

(69 San Pedro St., SFDM, Quezon City)

Dito namin napansin na ginabi na kami dahil madilim na masyado ang paligid para kunan ang façade ng simbahan. Pero buti na lang ay naabutan pa namin na bukas ito at makita ang altar nito na magara ang dating. Kahit nga sa SotC ay inaaninag na lang ni Ate Tet ang pagbabasa. (ito ang second oldest church in the Philippines ayon sa Wikipedia)

8. National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary or Sto. Domingo Church

(537 Quezon Ave., Quezon City)

Tinapos na namin dito ang SoTC namin at marami-rami rin kaming nakasabay sa pagbabasa. May Blooper lang ako na siyang nagbasa ng last station.  Nakalagay kasi sa binabasa ko ay “Our father… Glory Be… Hail Mary…” hindi ko napansin na as is ko sinasabi. Buti na lang napansin ni Avi na pagkatapos ko na Mag-our father ay hindi ko sinundan ng “who art in heaven…” pare-pareho tuloy kaming matawa-tawa habang tinatapos ‘yung dasal.

9. Minor Basilica of the Black Nazarene or Quiapo Church

(Plaza Miranda & Quezon Blvd., Manila)

Nakapasok at nakaupo kami sa loob ng pamosong church na ito na malayo sa ini-expect ko.

Quiapo Church altar

10. Basilica Minore de San Sebastian or San Sebastian Church

(Plaza del Carmen, C.M. Recto Manila

Manghang-mangha pa rin ako sa Church ito lalo na sa ambiance at architecture. At tulad ng sinabi ko sa una kong Visita Iglesia, hindi pa rin nagbabago. Hehehe whatever that was.

San Sebastian Shrine altar

11 San Beda College Benedictine Abbey Church

(639 Mendiola Street)

Ang San Beda Church ay mismong nasa unahan lang ng San Beda College. Since first time dito ni Ate Tet kahit nag-high school siya sa V.Mapa , eh amaze na amaze siya sa architecture ng buong simbahan. Hindi ko naman siya masisi dahil kahit pabalik-balik na ako dito e, hindi nagbabago ang kagandahan nito para sa akin.

San Beda College Benedictine Abbey Church altar

12. St. Jude Thaddeus Archdiocesan Shrine

(1420 J.P. Laurel St., San Miguel, Manila (beside Malacanang))

Hindi na kami nakapasok ng simbahan sa dami ng tao, dahil Thursday na araw ng simba dito. Pero doon kami sa pagla-light ng candle at tig-7 candles kami ha. Lagi kong ginagawa ang pagsisindi ng kandila dito at napapansin ko na laging nag-iiba sila ng rules. Gusto nila that time ay floating candles naman.

St Jude Shrine candle area

13 National Shrine of St. Michael and the Archangel or San Miguel Church

(1000 J.P. Laurel corner Gen. Solano St., San Miguel, Manila)

Sarado na ito ng mapuntahan namin kaya hindi kami masyado nagtagal. Matapos magdasal ay nag-picture na lang kami ng façade at pamosong San Miguel na makikita mo rin halos sa gin. Iyon nga lang hindi demonyong may pakpak ang kalaban nya rito.

San Miguel Church facade

14. Christ the King Mission Seminary

(1101 E. Rodriguez Sr. Ave. Quezon City, Philippines 1112)

Malaki rin ang lote nito at may ilan ding naka-display na imahe sa labas. Kakatuwa lang din ang imahe na nasa façade nito at nakakaaliw naman ang arrangement ng mga kandila sa altar. Gusto na sana naming mag-confession pero pare-pareho kaming hindi handa. Hindi ko ata alam kung anong uunahin kong ikumpasal e.

Usually 7 ang church ang bibistahin, at kung kakayanin o sisipagin ay 14. Iyan ay dahil 14 ang Stations of the Cross. Dito sa lakad namin ay nagsiguro na kami tapusin iyong pagdadasal ng station of the cross sa ika-7 or 8 simbaham. Nagsiguro na rin kami just in case di namin maabot ang 14. eh kinaya.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

24 thoughts on “Visita Iglesia sa Churches in Quezon City and Manila

  • jube

    Our first Visita Iglesia was very successful kahit na INC yung kasama ko lol! hoping for another round next year. ;p

  • len

    Ako, after so many years, nakapag-Visita Iglesia ulit ako although within Bulacan lang.

    This tradition really allow us to kneel down and acknowledge God’s unconditional love for us.

  • eloiski

    waaaaah! nalula ako sa mga churches. bat ang dami mo napuntahan? teka! hindi ako aware sa visita iglesia na yan… prusisyon lang alam ko. matry nga yan next year. hakhak!

    • Hoshi Post author

      oo try mo. ako rin lately na lang nag-sink a akin ang practice na ito. masaya sya lalo na pag kasama mo ang mga barkadamo o pamilya. wala sini[ag lang kami kasi yung iba dyan halos magkakadikit lang. yung quaipo hanggang san miguel lakad-lakad lang yun.

  • Tim

    Syempre, hindi naman ako katoliko kaya hindi naman ako maka-relate. Pero grabe ha, effort! Pero ok lang naman, isang beses lang naman sa isang taon eh.

    • Hoshi Post author

      oo minsan lang naman eh…saka
      -malalapit lang sa amin (pupuntahan pa nga sana namin yung Holy Sacrifice sa UP eh naiba lang ng ruta)
      – karamihan sa mga pupuntahan namin ay first time ko
      -tawag ng pangangailangan
      -para maging active ang paggunita ng Holy Week ko
      -bonding na rin at travel with matching kuhaan on the side.

      yun nga lang ginabi kami. wahhhh

  • Joyo

    wow ang gaganda ng simbahang napuntahan mo… ako twice ko palang din nagagawa yang visita iglesia na yan… akswali nung college ako, sumama ko kasi unang dahilan ko gusto ko mapuntahan yung iba’t-ibang simbahan sa benguet… tapos habo ko don yung pagwiwish… sabi kasi nila kapag first time mo sa simbahan magwish ka, kase may possibility daw na matupad yun… uhmmm parang totoo naman 😀

    • Hoshi Post author

      oo nga sabi nga daw nila yan. eh sa totoo lang lagpas kalahati sa mga ito ay first time ko lang mapuntahan. eh nahihiya naman ako mag-wish ng personal kasi nga Holy Week. Pero dumale na rin ako ng mangilan-ngilan hehehe

      ang isa lang ikinakatauwa ko eh, malapit-lapit lang sa amin ang mga simbahan, within QC. ayos!

    • Hoshi Post author

      Hi jeniffer and welcome back sa Hoshilandia Jr.!

      Have a blessed Holy Week na rin.

      yeah, dami ko ngang napuntahan ngayon pero noong nakaraan naka-9 din ako. ginanahan kami ng mga kasama ko… palibhasa mga sabik sa paggunita, lakwatsa at may mga problema. hehehe

  • Vajarl

    Visita Iglesia has always been a mystery to me. I seriously do not get the point. But hey, I am just one of them weird people who never get what Catholics do. He.

    Hi Hoshi! Happy long weekend. 🙂

    • Hoshi Post author

      Hi Vajarl! Happy long weekend din!

      Yeah before ganyan din ako, and i think wala pa rin ako sa puntong damang-dama ko ginagawa ko. Pero i think it’s an active way to commemorate yung sacrifice Niya kaysa maglagi lang sa bahay. You pray, you walk, you see different views,you see different people sa mga churches, and habang ginagawa ko ang lahat ng niyang nakakapag-isip ako ng iba kumpara pag nasa bahay lang ako. pero definitely doon ako sa solemn na prayer.

      hindi ko na ginagawa yung paghipo ng mga santo, pagpunas etc. medyo may orientation din kasi ako sa Born Again Christian because of my brother. huli ko ata kumpisal ay 2005 pa.