Honestly, sa apat na taon na naglagi ako sa University Belt halos hindi ko ginalugad ang Recto Avenue tulad ng ginagawa ko kanina. Nagpunta ako roon para maghanap ng reviewer for Med Tech. (para sa ate ko na mag-e-exam.)
Knowing ang lugar, nakundisyon ko na ang utak ko sa mga dapat i-expect. Meaning marami akong makakasabay ng mga kapwa ko estudyante (estudyante raw oh?!), tatagatak ang pawis ko, marami at mabigat ang aking bitbitin, mahaba-habang lakaran, gastos at mag-ingat sa mga Magna(nakaw) o Suma(salisi).
Ang masasabi ko lang sa dinamidami ng libro sa Recto, mahihirapan ang maghahanap kapag ang libro niya ay tungkol sa hindi in demand na course. From UE hanggang lagpas sa Isetann Recto malapit sa LRT station wala akong mahanap. Partida hindi na yung eksaktong title ng libro ang tinatanong ko, reviewer for medical technologist na lang talaga. Mayroon naman isa actually kaso iniisip ko baka may iba pa. Pero nung wala na akong makita pinatos ko na kaysa umuwi akong walang dala.
Malapit na ako sa National Bookstore nang makita ko iyong isang alley. Nagbakasakali pa rin ako dito kasi naisip ko naroon na rin lang ako. Hayun nagbunga naman ang aking pagtitiyaga, dalawang volume pa ang nabili ko. Iyon ang karugtong nung isa kong nabili. Solve na ang problema, sana lang ay hindi ako nagkamali sa mga pinagkukuha.
Then, naisip kong pumasok sa Ever Recto a.k.a. Manila Plaza. Namili ako ng mga kabagayan sa SuperMarket nila. pagkatapos nito ay food trip ko na. Lalabas na sana ako para lumamon kina Mang Donald -UE side (fave hangout namin dati) kaso sabi ko why not sa food court a.k.a food plaza. Pagdating ko -Ay sos ginoo puro kapwa ko student ang nandoon na karamihan ay partner-partner o grupo-grupo.
Pero bago ako nagpunta doon, may napansin ako. Ang kinse pesos na panood ng sine. Siguro ikako luma ang palabas – Love Happens starring Jennifer Aniston and Aaron Eckhart. Eh wala tinamaan na talaga ko ng pagti-trip, pinatos ko pagkatapos kong kumain. Sige nga, for 15 may sine ka na at hindi mo pa napapanood yung movie (mas mura pa sa pirated DVD). Siempre ang nakakaaliw pa ay ako lang mag-isa ang manonood. Last kong ginawa yun ay yung sa Charlie’s Angels 2 pa ata e.
Tuwang-tuwa ako sa pinaggawa ko sa loob sine. for 15 pesos, nasa taas ako at nasa gitna pa. eh sa ordinaryong panonood bibihira ko makuha ang favorite spot na yun. Queber na sa mga katabi kong magbabarkada at magdyo-dyowa.Momentum ko iyon. Kahit itaas ko pa siguro mga paa ko walang makikialam.
Taas na nga ng level ko kasabay ng papaganda ng takbo ng istorya nang may matanggap akong text…
“ne saan kna maylakad ako?” sender Manang Juling.
Hayun wala akong nagawa kundi umuwi na lang at umalis sa kalagitnaan ng pelikula. Ang naging next challenge ko ay makipagsapalaran sa matinding buhos ng ulan.
[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]
Pingback: 3 major Steps to Selling Online | aspectos de hitokiriHOSHI
Part ng college life ko ang Recto. Talagang nagpunta kami diyan para sa mas mura na books. Masinop at madiskarte talaga ang mga Pinoy pati libro walang patawad. hehe
Sa SM Manila, nagpapalabas sila ng old movies for P10 yata. Na-try ng bro ko at ng barkada niya.
ah okay yung sa sine sa sm manila. dapat talaga binibigyan ng mga sinehan ng discount at treat yung mga students. alam naman nilang pag mahal ang singil nila mga magulang din ang mahhirapan.
naman iba talaga ang mga pInoy. mas makakatulong tayo sa pagsi-save sa mundo. kaya natin mag-repair at gamitin ang mga second hand.
mabuhay!
Maganda ang ginawa mo.. tagal ko na ring hindi nakakapunta jan sa place na yan.. 🙂
Hi Manulele, welcome sa Hoshilandia jr.!
salamat at nagustuhan mo ang mga pinagagawa ko sa Recto. kung pupunta ka doon, ihanda mo lang talaga ang iyong sarili kung hindi ka sanay sa maraming tao.
hnd ako msyado s recto. di lng dahil s minor subject ko na pagka mahal2 tapos sa recto eh ka mura2 lng pla.
hi ate hoshi!
namiss kong mg bloghop! usta?
oo nga tagal mo ring natambay… sa offline world. hehehe
okay lang yun, basta pah pumunta ng recto libro dapat hanap. hindi pekeng dokumento or diploma, di ba?!
mabuhay!
haha ,, di ko alam kung trip mo lang tlagang manood ng sine,, at akalain mo may tag kinse pesos pa pala… iniisip ko baka ung mga pelikulang pinapalabas ay ung tipong nasa vhs pa.. .hehee. pero astig ah.. parang ikaw ang may ari ng sinehan nakataas pa ang paa mo, hehe,, di ka man lang nagsama? naku.. hehe.. pero ok ah.. lakas ng ulan dito sa amin.. wlang magawa eto basa ng mga blogs,..
mabuhay hoshi!
Mabuhay Orville!
oo nga sobrang natuwa ako, kahit hindi ko gaanong trip yung film.pinatulan ko na talaga kasi kahit naman hindi ko talaga masyado gusto ay ano ba naman ang P15. mas mahal pa ng doon ang kinain kong apat na siomai at fruit shake. hehehe
ay hindi ko naman tinaas ang paa ko, nakakahiya rin sa ibang tao na makakakita. hahaha
oo tag -ulan na kaya malamang marami kang mabibisita na blog. 😉
hehe oo nga hoshi.. at dito kasi sa amin pag umuulan ang tanging ginagawa namin ay mag internet.. naku sa totoo lang.. mula umaga hanggang hating gabi ako minsan na naka online.. hehe. pero syempre di naman lahat ng pagkakataon puro pagbabasa lang ng blogs ang ginagawa ko.. minsan naglalaro ng plants vs. zombies haha
oi speaking of online or computer game, ‘yan ang next topic ko dito sa Hoshilandia jr. hehehe. usong-uso nga yang Plant and ZOmbies na yan.
naku nagagawa ko yan pag weekend pero pang madaling araw lang at iniiwasan ko rin hanggat maaari. hirap din sa health, feeling ko nawawalan ako ng energy, bumababa ang dugo ko at nagkakaproblema ang mata ko sa brightness at sa panonood ng video sa pc. hindi ko kaya ang manood ng video ng matagal , kailangan sa TV lang. parang nahihilo ako.
naku hoshi dapat alagaan mo ang kalusugan mo.. wag kang gumaya sa akin na buong araw na nakaharap na lang sa computer.. mukha na nga akong mouse .. hehe.. at di rin maganda kasi na may kinakaadikan tayo sa computer because in the first place ang tindi ng radiation na naibibigay nito sa atin. very fatal.. wee.. nag advice ang di nadidisiplina hehehehe
mabuhay ka hoshi! Proud pinoy!
oo inaalala ko na rin kalusugan ko. nagpapasalamat ako kasi malinaw pa ang mata ko kaya ang talunin ang zoom 2 ng mga videophones hehehe
yes takot din ako sa radiation feeling ko sa cp pa lang, nakakaani na ako dyan ng bonggang-bingga.
mabuhay din Ka Orville!
batang recto ka din?!?
=)
papasa na siguro pero hindi siguro kasing batikan mo. nyahahahha!
sa ever din kami nanonood ng sine dati, eh
hehe
titanic pa yon, ah
nyahaha
wow Titanic! hahaha kailan pa yun kuya?
pero wag kag mag-alala pasado pa naman ang sinehan para sa kapwa nating estudyanteng nagtitipid. hehehe
Nakapagbenta ako ng books sa Recto, dahil lang sa mga masamang ala ala ng ilang libro na ang mahal mahal kong binili tapos mga wala namang kwenta. Gaya ng Zoology. Hahaha.
Kinse pesos na sine? Anung itsura sa loob? Baka scary. Alam mo naman yung mga mumurahing sinehan. Pero maayos naman yung palabas nila, di gaya ng mga ‘Talong’ at ‘Pag dumikit, Kumakapit’ na nakapaskil sa Quiapo. Haha.
okay na yung ginawa mo kaysa itambak lang saan. at least baka may isa ka pang estudyante na matulungan. hirap mag-hanap ng partikular na libro. hindi lang sa presyo ng nagkakatalo e. ako siguro mga two-three times na atang nakapagbenta.yung ibang book ko noong college at yung pinaka-precious na nga yung Divine Comedy- Inferno.
okay naman ang loob, pasado na para sa market ay mga nagtitipid na estudyante. may nakita akong ilang manong pero nag-iisa lang naman sila. yung mga kapwa pa nga nating estudyante ang doble-doble eh. hahahaha