Isa na namang makabuluhan at naiibang experience ang maka-attend ng Wordcamp ng WordPress sa College of St. Benilde ( Taft Ave.,Manila City) well, bukod sa hindi ko pinalagpas na makapagpa-picture ulit sa creator ng WordPress na si Matt Mullenweg.
As much as I want to share sa inyo lahat ng info na aking nakuha, na gagawin ko rin paisa-isa, hindi pa pwede kasi ire-review ko pa ang notes ko and na-record ko. (yes mahilig ako mag-record hahaha)
In the meantime, isa-summarize ko muna yung event according sa akin P.O.V. bilang introduction na rin.
- sa dami ng mapagpipiliang topic/session pinili ko ang Integrating Social Media by Misty Belardo, Anatomy of a WordPress Blog by Micaela Rodriguez, and Blogging with Passion by Jayvee Fernandez.
- I believe na malaki ang magagawa ng mga social media or social networking sites (twitter,facebook, etc) sa pagpo-promote hindi lamang ng biz kundi blog na rin. Isa sa pinakamahalagang natutuhan ko sa class ni Misty ay mas dynamic ang palitan ng communication sa blog at alternative ang pagsi-share ng blog posts sa mga social media sa SEO (Search Engine Optimization).
- Actually, medyo alam ko na yung kabagayan na nasa report ni Mica pero okay na rin na pumunta roon to refresh yong knowledge ko. Pero siempre I expect na baka may hindi pa ako alam. Wala naman masyado , na-verify ko lang na talagang dapat na may account ka sa gravatar.com para mas mapadali ang pag-visit sa blog mo at pag-identify sa’yo ng iba.
- Bukod sa nalaman kong guapo si Jayvee sa personal, good to know na yung passion na isini-share niya ay walang kinalaman sa pagiging tech savvy. Ini-encouarge niya ang mga bloggers to talk about something new at hindi puro paulit-ulit na topic. Magandang blog yung interes mo talaga at kaya mong i-sustain sa pangmatagalan.
-
Again, Nakita ko na ulit si Sir Danny Arao na na-meet ko rin sa first Wordcamp. Same topic yung sinabi niya pero maganda pa ring pag-aralan. I’ll share yung mga notes niya sa mga sususnod na araw. Pero ang pinaka-core na nais niyang sabihin (sa tingin ko) ay maging responsible sa pagba-blog. Kung ang blog mo ay tungkol lamang sa sarili mong interes at mga galit mo, maiging wag ka na mag-blog at kimkimin mo na lang yung idea mo. Because ang pagba-blog ay pagsi-share at pag-influence ng public opinion. And walang masama sa advertising, wag ka lang manloloko.
- May mga representatives doon na taga-Microsoft and Google. Sayang ang paparemyo nila, gustong-gusto kong sumagot pero wala akong alam e. Buti nga kamo nandoon sila marami tuloy akong nalaman kahit man lang sa mga icons. Hehehe
- Hindi na masyadong nag-discuss si Matt (close daw kami) kundi sinagot na lamang ang mga katanungan sa kanya. Pero sa lahat-lahat ng sinabi niya, isa yung tumatak sa akin. Ini-encourage niya na mag-blog sa Tagalog ang mga Filipino. Siguro ang basic dito ay para mas mapalawak ang translation at community sa ibang language ng wordpress. Napansin siguro niya na ang mga Pinoy mas gustong mag-blog in English. Matt Tagalog gamit ko sa 2 blogs ko. kaisa mo ako!
- Okay ang meal, busog na busog ako at yung mga kasama sa package – bag- tshirt, stickers at i.d.
- Mas maayos ngayon yung process mula sa simula hanggang sa pag-attend sa mga class. Naligaw nga lang ako, napunta ata ako sa building ng Ateneo. Joke!
- Nanalo ako ng one year basic hostong plan from solidhosting.ph. hohoho!
(suwerte ata ako sa ganito, nung nakaraan flexible keyboard from Smart)
mabuhay sa mga tao sa likod ng Wordcamp 2010!
Pingback: 7 Websites for Work from Home Job Seekers
Pingback: Music Expo 2010: OPM please! | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Blogapalooza: Because We Need To Interact Online & Offline | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: How to keep your passion in blogging | aspectos de hitokiriHOSHI
Iba talaga kapag big time. Hehehe.
ah nye big time na yon? pero sige ok na rin yun… compliment din yan. hahaha
salamat-salamat!
mas cute pa ba si matt kesa ke raft3r?
imposible
nyahaha
ah sir! define cute muna?
hahahaha
salamat girl!
oo sana next time makasama na kayo. para mas masaya at mas maramio tayong matutuhan.
mabuhay!
ang cool naman hoshi. 🙂 sayang di ako nakapunta.heheh. sana sa susunod,makapunta na ako.heheh. congrats nga pala sa’yo! 🙂
wow,naman hoshi!
natutuwa naman ako na naka attend ka ng ganyang events.ang sarap sigurong matuto pa mula sa mismong taga wordpress at iba pang mga bloggers.
ako,sa abot ng makakaya ko,sa Filipino talaga ako magsusulat. (saka bopols ako sa english kasi eh…)
tip mo sa akin ang susunod na camp!
sure babalitaan kita!
masaya nga, actually this time mag-isa lang ako nagpunta. pero di ko ininda na solo lang kasi okay naman eh parang balik eskwelahan lang at sa college of st. benilde pa.
hi hoshi.. i was actually referring to you. sowee.. nalito ko sainyo ni vajarl.. nweiz, im not sure with wordpress.org, wordpress.com kc gamit namin..:P dapat pala may ngtanong nyan kay Marck.. hehe
oo nga e, inuna ko kasi ang makapagpa-picture. haahha
nice to know you! balik-balik ka ha!
hi vajarl! classmate pala kita sa first and last talk. hehe. Anyway, share ko rin lang natutunan ko dun sa second talk, about “Stats, Hits, Likes: Semantics and Sentiment in WordPress”, though medyo technical sya, naexplain ni Marck Rimorin kng pano ang pagmeasure ng tracks sa wordpress, na dapat wag ka lang magdepend sa Google Analytics, kelangan gumamit ka rin ng WordPress Stats and then compare and contrast mo yung results pra mas accurate yung results.
In case may discrepancies, between the 2 tools,kelangan mo icheck yung IP log, visitors coming from other sites, suspicious referrals, i-weigh mo, then get the average… 😀
hmmmm ay hindi ko lang alam kung um-attend din si Vajarl sa wordpress. pero thank you sa info na ibinigay. ita-try ko yan. teka paano ko makukuha ang wordpress stat?
kasi sa free wordpress (wp.com) automatic mayroon noon pero sa wordpress.org wala e.
Hi Hoshi and Dyrah,
Here’s the plugin for WordPress stats:
http://wordpress.org/extend/plugins/stats/
maro 😉
hi marocharim! welcome in hsohilandia Jr!
thanks for the info, i will install it now.
mabuhay!
Muntik ko ng kainin ang prinsipyo ko para ma promote ang site ko using Facebook’s ‘Like’ button. Kase nga naman, mas tataas ang hits through referral. Pero ayoko kase ng may like button kada post. Para kaseng halos lahat ng bagay eh Facebook-ized. Pero pwede reng nagmamaganda lang ako.
Congratulations pala! 🙂
salamat vajarl! sana manalo rin ako sa isnag contest na sinalihan ko. hehehe
okay lang naman yun kung ayaw mo. gusto kong tanungin sa ganung sistema na isi-share mo uyng site mo tas di ba napakadali ng kopyahin ang idea mo. yung hindi mo naman talaga co-blogger pero naghahanap lang mahihita sa net.
mabuhay!