5 Practical Ideas in Reading, Recycling Magazines?


Para sa akin mas buhay na buhay ang pagbabasa ng magazine.  It gives up to date and infotainment articles for the delight of vibrant young readers. Sa panahon na ito na halos talunin na ng digital publications ang print media ay kailangang pukawin ang interes ng mga mambabasa with colorful presentations.  Iyon nga lang, mahirap din itong makahiligan ang pagbabasa ng magazine dahil mas magastos ito kumpara sa mga newspapers. Ang magazine pa naman ngayon ay nagkakahalaga ng Php 75 and above.

Dahil masaya ang magbasa at mahalaga ang pera, narito naman ang aking how to save money in  reading magazine:

  • Buenas ka tulad ko kung ang hilig mong magazine ay hindi about sa fashion and entertainment / gossips. If your are into feature news, photography, business, home management and woman/ man empowerment, hindi kaagad naluluma ang anumang info ng mga ito. Kaya okay na okay ang bumili ng mga back issues na umaaabot ng 40% ang cut sa presyo at may “buy one take one” promo pa.
collection of Magazines featuring Nora Aunor and Vilma Santos

collection of Magazines featuring Nora Aunor and Vilma Santos

  • since paborito mo naman ang magazine na nabili mo, better na basahin ang bawat pahina nito. At lagyan ng check o marks ang magugustuhan mong artikulo o designs o lettering ng isang page. Dito ay masusulit mo ang bawat pahina ng nabili mong magazine.

 

  • Kung hindi ka naman collector ng magazine pero hindi mo ma-let go ang ilang column or articles dito. Better na i-cut mo na lang ang mga ito at ilagay sa isang plastic folder na kung saan puwede mong basa-basahin ulit. Makakatipid ka na ng space at tambak ng magazine, easy access ka pa sa gusto mong basahin at hindi ka na buklat ng buklat pa.
My Questor Magazines - di ko magupit at mabenta. Precious!

My Questor Magazines – di ko magupit at mabenta. Precious!

  • Halimbawa naman na you are art student or scrapbooker. Balikan mo ang mga magagandang designs, lettering, and pictures na nakita mo sa magazine. Puwede mong ilagay ang mga iyon sa iyong mga projects, bulletins and even sa iyong freedom wall. Ako apart sa scrapbook, gumugupit rin nga mga pictures na nagpapa-inspire sa akin at idinidikit yon sa aking diary gaya ng picture ng wish kong bilhing gamit o inspiring quotes.

 

  • Doon sa matitira sa magazine ay may option ka pa rin. Ipunin iyon para ibenta sa junk shop o gamiting pamparikit ng apoy sa pagluluto. Puwede ring sapin sa iyong cabinet, cover sa iyong mga books at boxes.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

29 thoughts on “5 Practical Ideas in Reading, Recycling Magazines?

  • Mesha Montesa

    Hello po baka po available pa po yung magazine yung kay Vilma Santos gusto ko po sana syang bilhin if available pa po, message nyo lang po ako sa facebook Alecksha Shane po or email nyo po ako aleckshashane09gmail.com Please message me po if available pa. Thank you and godbless po ❤️

  • Renzie John T. Mamaradlo

    Good evening po. Greetings in the name of our Lord!

    Interested po sana ako bilhin ito.
    Contakin niyo na lang po ako dito 09102254813 09276387721 or messenger facebook Renzie John Mamaradlo
    Hoping to hear from you soon po!

    Thank you and God bless

    • Hoshi Post author

      hmmm naiintindihan ko yung unang rason e, pero yung pangalawa. hindiiiiii!!! hahahah

      puwede namang dahil sa iba trip ko at may net naman. pero ang walang pera si rafter, labo!

    • Hoshi Post author

      ay biteran nga. okay lang yun baka naman iba talaga ang trip mo. teka ano nga ba? hehehe

      thanks for visiting Hoshilandia Jr. Sows!

  • Tim

    Agree ako na dapat yung mga magazine na binibili, dapat yung may natutunan, yung pwede mong balikan kahit after a year kasi hindi naluluma ang impormasyong natutunan mo doon. Sa kaso ko, sulit naman ang photograpy magazines na binibili ko, 300 ang isa pero makapal naman at maganda ang printing, tapos mga once every 2-3 months lang. Yung isang magazine na photography din, 200 naman, tapos more or less same lang ang time frame. Tapos pinipili ko pa yung issues na gusto ko, so hindi ako parati bumibili, so sa madaling sabi, sulit sa akin.

    Sa mga articles kong nailalathala namn sa magazine, humihingi na lang ako ng PDF file nung final na layout para hindi nasisira yung complimentary copy ko ng magazine. That way, meron din akong soft copy. Hehehe.

    • Hoshi Post author

      isa kang ngang certified …angkan ni Lumen. hehehe

      pero seriously, agree ako sa matipid, sulit at practical na pagbili mo ng magazine. i believe ang pagbili ng magazine ay isang simpleng luxury kaya dapat gamitin mo ito hanggang sa huling sentimo.

      at dahil bumibili tayo ng mga magazine na sagana sa info and purposes, isa na rin itong simpleng investment para sa ating mga personal goals. hmmm kapag napag-aralan ko na ang digital cam (not dslr) baka bumili na rin ako ng back issue ng photography magazine na sinasabi mo. papatunayan ko na ang photography ay hindi lang tungkol sa uri ng kamerang hawak mo kundi sa natural na view na na-shoot mo. heheheh. saka feeling ko maraming travel site ang nangangailangan ng pics. hehehe at ito ay dollar per pic.

      • Tim

        Ah, stock photography yata yung sinasabi mo, yung ibebenta mo sa stock sites yung pictures mo, at may commission ka para sa bawat bumili ng picture mo. Saka to a certain extent, hindi naman porke DSLR ay maganda ang pictures mo. Yung nanalo sa Lee photocontest ng 1.8 million pesos ata yun na international competition pa, naka digicam lang. Yung kaibigan ko din na nanalo ng contest sa click the city ng trip to boracay na 3 days and 2 nights na may iba pang freebies, digicam lang din ang gamit. Ang difference kasi ng DSLR ay mas marami kang magagawa at less limited ka. Katulad halimbawa, namamatay ang kulay sa picture kapag ginagamitan ng flash or kung direct ang flash, sa P&S wala kang choice, pero sa DSLR, marami kang pwedeng gawin para maayos yun.

        • Hoshi Post author

          hmmm i know naman ang capacity ang DSLR i just want to explore yung kakayanin ng limitation ng digicam. and yes, alam ko yung sa Lee hehehe.

          sana nga ay maka-spot ako nga mga gig na ganyan. kasi pag ako tinupak panay lang ang kuha ko sa kamera…. ng hindi naka-on. wahahaha

          so ano naman ang mga magazine about photography na maire-recommend mo na okay ang quality, hindi paduduguin ang ilong ko sa mga terms, at abot kaya?

  • eloiski

    hakhak. apir tayo sa posteng ito.
    hindi ko naman hilig ang mga fashion mag.
    pero bumibili rin naman ako ng mga gadget mag.
    pati entrepeneur pinapatos ko. at yung otakuzine. hakhak!

    ang dami ko noong binili na back issues ng entrepreneur eh. at informative pa rin naman eh.

    kaso, yung mga tips mo above hindi ko trip. hahahaha. ayaw ko kasi na nalulukot ang mag ko. nakalagay pa nga sa plastic eh. wala lang. basta ayaw ko na nasisira. ayaw ko na masulatan. ayaw kona magupitan. hakhak!

    • Hoshi Post author

      apir tayo!

      hmmm pareho pa tayo ng binibiling magazine talaga. well, certified magazine reader ko and like joyo eh, collector din. I respect your trip or care sa iyong babasahin. hahaha naalala ko tuloy ang anime magazine ko na may cover na at kailangang separate pa ng box.

      mayroon akong kini-keep na entreprenuer mag na tingin ko na worth na itagao ng matagal. hehehe i think mayroon ka rin noon. something na may kinalaman sa business/sideline using your talent and home-based business. hehehe

  • len

    Numbers 3 and 4 applies to me. Iyong isang copy ko ng thesis ko dinikitan ko ng mga favorite articles ko na ginupit ko, iyon nga lang mostly galing sa newspapers.

    Ginagamit ko rin iyong magazines sa scrapbooking especially iyong mga magagadang letterings.

    At oo nga pala, naalala ko bigla na ipaalala sa iyo na nanghihingi ako ng magazines mo. hahaha

    • Hoshi Post author

      oo nga at pinaalala mo. bigyan mo lang ako ng time na wala ako masyado dala at dadalhan talaga kita.mga international mag pa(yun nga lang mga 1900s ito hahahaha

      well ang mga kagaya natin, ang bawat pahina ng mga babasahin ay mahalaga. bow!

    • len

      Maraming salamat sa magazines. Kinilig ako doon sa isang magazine, ang gwapo ng cover. haha

      At nakalimutan kong sabihin na ang mga magaines ang isa sa mga dahilan kung bakit kinuha at tinapos ko ang aking kurso sa kolehiyo. Bata pa lang ako, hilig ko na ang magbasa ng Asiaweek, Newsweek, Time at Reader’s Digest bukod sa newspapers.

      • Hoshi Post author

        ay sayang. alama mo ba dati meron ako ng 1910 reader’s digest? at ang problema lang dati ay about strong and strict leaders. ngayon mga pasaway leaders na. tsktsk.

        wala na, nga lang naitapon na. pagbuklat mo kasi naiiwan na sa kamay mo yung papel. hehehe

  • Jowyow

    ako iniipon ko… ayaw ko ngang malukot eh hahaha empraning ako weh… wala lang kasi pinag-iipunan ko pa yung iba dun nung college ako… 😀

    • Hoshi Post author

      wow masasabi kong isa kang collector ng magazine like my elder sister. buwan-buwan bumibili dati yun ng star studio then bigla nawala. hehehe

      ako rin dati may iniipon kaso ang mahal. mas mahal pa sa baon ko sa school. hehehe kaya wala tinigil ko na saka nag-fold up din yung publication noon.

  • Vajarl

    Hi Hoshi 🙂 Makikigulo lang sa mundo mong mapapel. Hihi.

    Anyways, alam mo dati, bumibili ako ng magazines just for fun. Nung highschool pa ko. Weird, kase gusto ko lang naman tingnan yung mga pictures. Siguro wala akong magawa sa mga natitira sa baon ko kase masyado pa kong bata. Pero ngayon hindi na ko makabili ng magazine kahit gusto ko, kapos na sa budget. Tsk.

    Kaya masarap maging bata eh.

    • Hoshi Post author

      hi Vajarl and welcome dito sa Hoshilandia Jr.

      hmmm oo masarap maging bata at tingnan mo nga naman doon ka pa may time at money para pambili ng magazine. pero ang ganda ng pampalipas ng oras mo ha. hehehe

      mabuhay!

      • Vajarl

        Hoshilandia pala ang tawag dito sa lugar na to. Parang kaharian hahaha. Parang gusto ko na ren umimbento ng tawag sa sarili kong kaharian. Kaso puro kalagiman nandon eh, baka magsiuwian agad kayo. Hahaha.

        • Hoshi Post author

          naku eh cool nga ang blog/website mo e, in character talaga ang bawat part. hehehe

          punta ka lang lagi rito, mabuhay! siempre ako rin sa iyo.mabuhay!

          • Vajarl

            Sureness. Add kita sa blogroll ko para di ko malimutan. Kay Slabe ka ren ba nagpapahost? SI Salbe na walang malay? Si Salbe na maharot? Hahaha

            Hi Salbe. 😀