-Ang pagsa-sideline business ay ang pagkita ng pera mula sa iyong inconvenience. Isa yan sa aking business and money-making Ideas. Kung ayaw mo ay marami rin namang ibang choice -high paying job, over sa overtime, tipid 2 d max, and work abroad. Sorry bawal illegal dito.
-Para sa taong abala, mahalaga ang bawat oras at araw. Ang weekend ang the best time for raketship (part time or sideline).
-Mahalaga na alam mo ang ang talent mo at paano mo ito mai-explore pa. Napaka-cool rin kung matuto tayo ng ibang bagay. Well trip ko rin talaga ang magpupunta sa free seminar and workshop. Isang cool TF na natanggap ko ay mula sa pagbo-voice over ko.
-Pinaka-safe at basic na pagkukunan ng puhunan ay personal savings. Huwag mong pagsasamahin ang kita mo sa iyong business at ipon mo.
-tama rin yung advice na, i-separate mo na kaagad yung trip mong ipunin kaysa tingnan mo muna kung ano ang matitira. Kapag nakapagtabi ka na, sikapin mong huwag ng galawin ‘yon.
– kadalasan, pinagbibigyan ng customer kapag medyo ‘di maganda ang iyong produkto. Pero kung ang serbisyo ang pangit, ibang kaso na ‘yon. (Customer Service wins)
-may mga pagkakataon na uneasy ka kapag nakikipagnegosasyon o nagbebenta ka. Parang feeling mo ay isa kang hamak na nangangailangan ng ekstrang kita. Isipin mo na walang masama sa ginagawa mo at pinagyayaman mo lang ang potensyal mong umunlad o yumaman. At oo wais ka dahil alam mong maghanap ng ekstrang kita. Bibihira lang ang nakakaisip niyan.
-habang bata ka pa ay mag-invest ka na at mag-ipon. Malugi ka man sa iyong negosyo ay marami ka pang chance na makabawi. Isa pa’y mas marami kang maiipon at mae-enjoy mo ang iyong pinaghirapan ng mas matagal. Aminin natin na iba ang enerhiya natin habang bata pa. Iyan ayon na rin sa ilang nabasa ko na financial and business advice.
-before wala akong paki sa mga business news pero ngayon, tinitingnan-tingnan ko na at bumibili pa ako ng books. Ewan, parang hindi na lang siya all about knowledge and info, pang-inspire na rin.
-tanggapin din na may matumal o parang palugi time. The best thing that we can do is to have a break and wonder. Then analyse how to continue and become better or try something else. Minsan gagawin mo na lang ang isang bagay hindi para lang magpakapera, kundi dahil nakakatulong ka at nasisiyahan ka. Tapos bongga, maya-maya kumikita ka na pala ng tuloy-tuloy at palaki ng palaki.
basahin kung saan ko pinaghuhugot ito
Dito din ba nagsimula si pareng Villar? Raket lang ng Raket basta legal hindi ba? almost half ng sahod ko nangagaling sa raket harharhar.. kaya SAHOD + RAKET = limpak limpak na gastos (hahaha) hindi ko nga alam kung bakit ganito, sabagay sabi nga nila pag lumalaki ang sahod lumalaki din ang gastos… kasi siyempre may magagastos kana di ka naman pwedeng gumastos ng malaki kung wala ka namang gagastusin diba? ano daw? naguluhan din ako…
Batangas Blogs
hmmm i think okay lang gumastos basta yung gastos hindi milya-milya layo sa kinikita mo. kasi doon ako mababaon.
pero dapat nadadama mo rin siempre ang kita mo.okay lang yun, nagtatrabaho tayo at Rumaraket para okay at tuloy-tuloy ang kabagayan sa lofe. at hindi vice versa. wahhhhh
teka oo nga no. lumalaki nga pala an gastos ko.
Ang masasabi ko lang yayaman ka at mauunahan mo pa si Henry Sy! haha
masasabi ko lang nasagot na kita dyan sa isang blog ko… doon sa kwentot. hehehe
wholesome ang concept ng beerhouse ko
hmp!
hmmm puwede maging wholesome ang concept, ang may-ari ang hindi. wahahaha
Tama ka jan… kelangang matuto na tayong mag-ipon at isa ito sa mga magandang katangian na maari mong pakinabangan sa iyong kinabukasan… at sa punto ng negosyo kelangan din ng lakas ng loob diyan at determinasyon… sana lang meron ako non.
hi ruthi and welcome sa hoshilandia Jr.!
hmmm mayroon ka noon kasi naniniwala ka sa mga bagay na ito. kailangan mo na lang i-practice para hindi mawala sa iyo.
mabuhay!
beerhouse ba illegal?
oo kapag ikaw ang magtayo. buwahahahaa
Sayang yung pagbili ng magazine, pera din yun, ipunin na lang! Hahaha.
abangan mo abotu magazine ang isa sa isusunod kng topic. nakasulat na sa papel, ita-type na lang. ano ha?! hehehe
Ipon lang ng ipon, tapos tipirin ang natira para may ipon pa ulit. Hehehe.
ah nye!
ako bumibili ako ng entrepreneur na magazine.
natutuwa kasi ako sa business eh.
naniniwala ako na sa business talaga aasenso ka.
yang ang tamang daan sa pagyaman, hindi bilang isang empleyado.
yun lang naman ang sa tingin ko.
basta magbibusiness din ako balang-araw.
ikaw ate, ano ba balak mo na business?
pareho tayo. yan na ang tinutukoy ko na binabasa ko. pero doon ako sa back issue. hindi naman kagad nagbbago ang trend hindi ba. saka for tips namana ng habol natin.
yeah, naniniwala rin ako na way yan para umasenso sa buhay. you work for your immediate and daily expenses pero if you want more, mag-establish ka na nga negosyo. saka i think, habang nag-aaral o nagwo-work mag-aral ng magnegosyo kasi once na mag-retire ka at ayaw ng magwork, may instant fall back ka.
hmmm isa sa gusto talaga ay photocopying center kasama na roon ang computer and photo print. may nakita na ako na ganung shop, pero ayoko mag-franchise. then siguro isang online business. hehehe. dati kasi gusto ko videoshop kasi hindi na patok ngayo because of piracy.
Pingback: Enterprising- selling, saving and sideline « KwentotPaniniwalaNiHitokiriHoshi