Personality Test: Handwriting Analysis


Hindi ako kumpiyansa na magugustuhan ng iba ang handwriting ko pero okay pa rin naman itong basahin. Mahilig din kasi akong magsulat sa notebook magpahanggang sa ngayon. Ito ang technique ko sa pag-aaral, na kapag sinusulat ko ay mas naiintindihan at natatandaan ko ang lessons. Pero isa sa pinagsisihan ko ay iyong hindi ko man lang pinag-isipan kung paano ang magiging signature ko.  Mahirap nang bawiin once nasimulan na sa mga importanteng documents hindi ba?

Motivational Quotes [ Steve Jobs]

Motivational Quotes [ Steve Jobs]

Pero alam mo bang bukod pala sa pagiging readable at significant ng handwriting/signature ay masasalamin din dito ang ilang aspeto ng iyong pagkatao? Na-discover at medyo pinag-aralan ko ang psycho graphology or handwriting analysis noong patambay-tambay ako sa aming college library. Basta nakita ko na lang ang libro about dito (na may kalumaan na) at pinatyagaan kong basa-basahin.  Wala naman akong balak na magpakadalubhasa dito pero masasabi kong marami akong nauto na-analyze na tao. Siguro out of 20 people na nauto na-analyze ko, 16 sa kanila ang nagsabing “may tama ako.”

(Please take note na ‘yong ilan and basic na natutuhan ko lang ang isi-share ko. Puwedeng may mali at puwedeng tugma.)

  • Usually seven traits ng personality ang puwedeng ma-detect sa longhand writing. Mas better kung  dikit-dikit ( o  cursive writing) kasi mas nakikita doon ‘yong spacing, pag-tuldok, at siempre ‘yung transition ng lower and uppercase letters.  Maikukumpara rito yung lumalabas na wavelength sa papel kapag nakasalang sa lie detector test ang isang tao.
  • The small t. Pansinin mo kung consistent ang pagko-cross sa mga lower case na letter t ( o kahit small and upper case ‘f’ at upper case T). Malalaman dito kong strong-willed person ang isang tao. Pinaninindigan ba niya ang mga balakin n’ya sa buhay o may pagka-ningas kugon/ baliwsawsawin/ nagdadalawang-isip?
  • The big I. Dito ko mas gustong-gusto kapag longhand ang pagkakasulat. Pansinin kung paano mo isinusulat ang lahat ng big letter I. Ang I ay representation ng iyong sarili. Are you competitive, confident, shallow or naive?
  • Loops/tails. Noong prep at elementary mayroon tayong papel na may blue and red na lines. Na-appreciate ko ang paggamit noon kapag mga letters na may loops/tails ang tinitingnan ko like g, p, f and y. With these letters, you can distinguish the hooker, the materialistic, the frustrated and yes pati iyong may active na seks life depende sa itsura ng tails.
  • slim or curvy – Ipina-realize din sa akin ng librong ‘yon na once na gumugurang at nagagalit ang isang tao, nababago rin ang paraan ng pagsusulat nito. Mapapansin na kapag older or matured na ay mas animo’y matatalas o patusok na ang mga sulat, meaning sila ay radical kung mag-isip.

Cards/Notes from friends Cards/Notes from friends[/caption]Left, center, or

  • right alignment – Sa pagtingin sa part na ito ko unang na-  encounter ang word na ambivert .Kapag nakabaling pa-left ang pagkakasulat, iyon ay introvert  at kapag pa-right ‘yon ay extrovert. So kung center na center lang ang pagkakasulat, iyon ang ambivert. Magandang gawing basehan ito sa compatibility test ng magkasintahan ( panis yang FLAMES game).
  • Spacing. Dito ako hindi masyadong sure pero normally ang taong takaw space sa pagsusulat ay magastos or impulsive.
  • Big or small. Isa rin ito sa ‘di ko masyado sure. Mapapansin na may ibang tao na ang lalaki kung magsulat habang ang iba naman ay kailangan mo ng gamitan ng salamin. Ang sabi ay imaginative o risk taker ang mga taong may malalaking sulat habang may focus at analyzer naman iyong maliliit.

Hindi puwedeng i-analyze ang sulat ng mga bata dahil nanggaya pa lang sila ng sulat base sa itinuturo sa kanila.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

29 thoughts on “Personality Test: Handwriting Analysis

  • jason

    parang lahat ata ng klaseng sulat nagawa ko na..

    nung gradeschool ako uso ang cursive kaya dikit dikit ang sulat ko
    pero napansin ko, mas maganda ang hiwahiwalay.

    ginawa ko pa dati naka italic ako magsulat, wala lang pasikat lang.

    pero ngayon… ah normal naman..

    kaso parang nakalimutan ko na handwriting ko kasi madalas na ko sa computer. hahaha

    magandang umaga pamangkin!!!

    • Hoshi Post author

      Magandang araw tito!

      ako rin ni-try na lahat kaso iilang pagkakataon lang na na-feel ko na maganda ang sulat ko. depende ata talaga kung nasa tamang wisyo, maganda ang ball pen at may patungan. hehehe

      ang naalala ko lang noong elementary ay tinawag ako ng teacher ko para lang sabihin na ayusin ko raw sulat ko. nasa grade school pa lang daw ako eh pang doctorate na ang sulat ko. masyado naman daw ako advance. (hehehe charot lang)

  • HalfCrazy

    Psychology Major ako. Haha! Naalala ko lang nakalagay sa notes ko one time. Akala ko nga rin solid na basehan yung handwriting. Ang hirap rin naman i-decipher. Isa pang pseudo-science ay Phrenology, yung mga bumps mo sa ulo, hugis ng ulo mo, may masasabi tungkol sa pagkatao mo. Haha! Pero interesting talaga.

    Yang Astrology rin, maganda. Kagabi nga tinignan ko kung anong mga katangian ng Sign ko, Taurus. Yung mga nakalagay dun halos eh hindi ako. Ang labo talaga! Haha!

    • Hoshi Post author

      Hi Half Crazy and thanks at nagbalik ka! (balik lang ng balik hehehe)

      wow, alam mo second choice ko talagang course ay psychology? kaya lang, baka imbes na makapagpatino ako e magpalala pa. hehehe

      oo interesting silang bagay na pinag-aaralan pa talaga. teka, ngayon ko lang na-encounter yang Phrenology na yan. paano naman kung nagkabukol ka eddie may progress na ang personality. charot!

      hmmm ako hirap sa chinese horosope, kasi di ko malaman kung saang hayop ba ako kabilang. wahahahaha!

      Mabuhay!

  • Tim

    Yung sa lie detector, base yun sa pulso, at hindi na sya credible kaya inadmissible na sya as evidence sa korte. Napepeke sya at maraming mga false positives/negatives. All in all, medyo inaccurate.

    • Hoshi Post author

      yes parang ganyan din ang dating ng psychographology. hindi naman siya 100% na basehan for personality test.

      puwedeng way, pero hindi eksakto. gets mo?

  • Tim

    Hindi ko magets kung papaano nasasalamin sa handwriting yung katauhan ng isang tao – more specifically, papaano naiko-connect yung personality sa isang uri ng handwriting.

    • Hoshi Post author

      yan ay may koneksyon sa kung paano nakukuha ang lie detector test. nasa paano mo nga kinurba, nilakihan at pinaghiwala-hiwalay yung mga letters. that’s why mas maganda pag usual mong longhand writing, free ang hand mo na sumulat. walang gaanong arte at kyeme.

      okay ba?! wag ka mag-aalala maganda handwriting mo. hehehe

  • Joyo

    rehas tayo pag nagrereview sinusulat ko… madalas nagsasummarize ako kasi mas natatandaan ko… parang nakikita ko mga sinulat ko kapag nagexams na… minsan nawiwirduhan sa akin mama ko…

    magpapasa ko hehehe gusto ko marinig yung interpretation mo sa sulat ko… minsan nang may nag-interpret sa handwriting ko, ikaw pangatlo… natutuwa kasi ako result…

  • HalfCrazy

    Hi there!

    Hindi ko rin pinag-isipan kung anong signature ko. Kaya ampangit nung kinalabasan kasi bata pa ako nung nagsimula na. Yun nga, mahirap nang baguhin kasi marami nang dokumento ang napirmahan.

    I remember reading in one of my classes in Psychology last term na hindi kagandahang basehan ang handwriting ng personality ng isang tao. Kung baga, isa syang-pseudo-science. Ibig sabihin na rin nito siguro ay hindi lahat ng tao masasabi mong ganyan o ganito dahil lamang sa kanyang pagsulat. Meaning it’s not 100%. Pwede rin namang tama o tama nga pero onting percent lang.

    Graphology is really interesting, though.

    • Hoshi Post author

      hi HalfCrazy and welcome in Hoshilandia Jr.

      That’s why din siguro hindi ito binibigyan ng focus sa Psychology (na minor ko ata hehehe ‘di pa sure). Yeah i agree naman na hindi siya puwedeng solidong basehan para i-judge ang personality ng isang tao. Kung yung psychiatrist nga talaga e, hirap pa. hehehe

      para lang din siyang astrovision ay astrology pala.

      mabuhay!

  • len

    Isa ang handwriting ko sa mapalad na napili para i-analyze mo. nyahaha
    At in fairness, ta-maaahh siya. :p Saan ko ba nailagay ang papel na iyon? ;p

  • shea

    gusto ko to.. magpa pass ako ng handwriting ko hehe.. (love letter ko para sayo)
    habang binabasa ko nga parang na a-analyze ko na yung sulat ko, lalo na yun sa T and I…toinks

    naalala ko yung prof ko nung college, pareho kayo, sinusulat nya rin lahat sa notebook, kasi nga mas naiintindihan nya daw. it works nga talaga. hehe kasi ginagawa ko na rin ngayon..

    • Hoshi Post author

      sige Shea hihintayin ko ang email mo. hehehe

      dati ko pang gawain yung sulat ng sulat pero mas na-confirm ko na talagang maiging taktika ‘yan noong ni-share din ng college dean namin na mas okay yun kaysa babasahin mo lang ang libro. yung isinusulat mo sa kodigo este sa notes siempre yung mga short cuts na at kapag binasa mo na ulit ay mare-remind ka na lang.

      kung titingnan mo ang sulat kamay mo, malalaman mo rin kung noong isinusulat mo yun ng nagmamadali o wala ka sa tamang wisyo. especially kung saan-saan bumabaling at laki-liit ang letters mo. hehehe

      mabuhay!

  • gerald

    naaalala ko nung second year ako eh pinagsulat din kame sa bondpaper ng prof namen eh, tapos dikit dikit din.. tapos sinabi nya ung katangian namen based sa handwriting.. psychology class yun eh.. hehe.. ayun, lumabas sa resulta, mabait daw ako.. hahahah..

    • Hoshi Post author

      hmmm naku mukhang batikan nga yang teacher mo. ang hitap kaya i-determine yung kabaitan ayon sa sulat. hehehe

      pero base sa iyong comment at blog, mabait ka nga sa tingin ko. hehehe

  • salbehe

    Nakupo Hoshi, ang tagal ko na yatang hindi nagsusulat ng longhand, puro pindot na lang ang alam ko.

    Kwento ko lang na ang pirma ko ay ginaya ko sa pirma ng nanay ko. Para tuwing may excuse letter, waiver, etc sa school ako na lang ang pipirma. Pati mga excuse letter ng mga kapatid ko ako na din ang pumipirma. Syempre walang kaalam-alam ang nanay ko. 😆

    • Hoshi Post author

      hahaha aba;t nag-train ka talaga ah at ang laki ng pakinanagbng mo. hmmm bakit nga ba hindi ko naisip yun.

      iba kasi ang taktika ko sa pagpapapirma eh. hehehe