Personality Type: What is Ambivert? 2


The first time I fully understand the words- introvert and extrovert was when I started to (self) study Psychographology or handwriting analysis.  In psychographology, those writing (slanting) toward left are introverts, while those inclined to write going to right direction are extroverts.  But what about individuals who write as if they’re using rulers because their letters are standing straight?  Apart from that, what if you have several traits that  apparently for introvert and extrovert?  If you are like that, appear! We are the same—ambivert!

If you are Ambivert, what’s your personality?

Hindi gaya sa introvert at extrovert, ang ambivert ay parang unknown personality type. Tulad ngayon  na  isinusulat ko ang post na ito sa  MsWord ,  parang grammatically incorrect lang ang peg, naka-underline ng red. Ganito rin naman kapag sinasabi ko sa iba na ambivert ako, magsalita man sila o hindi kitang-kita ko ang isang malaking “HA!” sa kanilang fez.

According to dictionary.reference.com, ambivert is “one whose personality type is intermediate between extrovert and introvert.”

So para malaman naman natin ang ambivert, we need to know what is introversion and extroversion first.  Base sa psychology.about.com ang…

 

Extroversion is characterized by sociability, talkativeness, assertiveness and excitability.

“People who are high in extroversion tend to seek out social stimulation and opportunities to engage with others. These individuals are often described as being full of life, energy and positivity.”

Samantala …

“Introversion is one of the major personality traits identified in many theories of personality. People who are introverted tend to be inward turning, or focused more on internal thoughts, feelings and moods rather than seeking out external stimulation.”

Kung nag-aaral ka ng etymology, ang “ambi” ay mula sa Latin word na ang ibig sabihin ay “pareho” o “nagangahulugan ng higit sa dalawa.”   Samantala ang “vert” ay hango sa “vertere” (Latin din ) na ang ibig sabihin ay “maging.”

Ayon sa etymonline.com  ang word na ito ay pinauso ni Kimball Young sa kanyang aklat na “Source Book for Social Pyschology” noong 1927.

Advantages, Disadvantages of ambivert people

Kung babalikan ulit natin ang pyschoraphology,  isang cool reason  in knowing  your personality type is for your love life or finding mr/ms right…  Kung pareho kayong extreme, like ikaw extreme introvert tapos siya ay extreme extrovert, medyo may kalabuan ang compatibility ninyo. Puwede  pa  yung mild ka lang na introvert at mild extrovert siya.

personality type, ambivert explanation chart

 

Sa kaso ko naman, may mga set of friends ako na  iba-iba ang personality ( may puro introvert,  extrovert or di malaman ang birth).Ganun din sa work, hindi mahirap sa akin na makibagay pero siempre may mga gustong-gusto rin akong tao at medyo iniiwasan ko. Mahalaga rin sa akin ang “me time,” but I also like to go out, attend seminars and events.  Kaya ko ring manood ng sine mag-isa at pumunta sa isang lugar na mag-isa na wala akong  kakilala. Pero siempre masaya for me na may kasama lalo na sa mga malalayong lugar.

Ayon sa article ng Epoch Inspired ‘the 8 signs You’re An Ambivert,’  ang isang indikasyon ay kapag may ibang tao na ang tingin sa iyo tahimik, habang ang iba naman ang tingin sa iyo ay “sociable.”  I think isa ito sa isyu, parang  napagkakamalan kang plastic, mapagpanggap or moody.

“Spending too much time with others can be a little draining, but spending a lot of time alone can leave you feeling gloomy and unproductive,” isa pang sign na binanggit ng Epoch.

Samantala  nakakatuwa naman na malaman na may ilang nagsasabing okay sa pagnenegosyo ang mga ambivert lalo na’t flexible, stable,  intuitive ang kanilang pag-uugali gaya ng binanggit sa Science of People.

‘Daniel Pink said that ambiverts “know when to speak up and when to shut up, when to inspect and when to respond, when to push and when to hold back.”’

Nabanggit din sa artikulong ang pag-aral  ni  Adam Grant, an associate professor at Wharton School, 2013 research paper Rethinking the Extraverted Sales Ideal: The Ambivert Advantage.  Ayon sa professor sa kanyang survey sa 300 katao lumalabas na 24% ang taas ng sales ng mga ambivert sa mga introvert at nas 34%  naman sa mga extrovert.ambivert what

“The ambivert advantage stems from the tendency to be assertive and enthusiastic enough to persuade and close, but at the same time, listening carefully to customers and avoiding the appearance of being overly confident or excited,” tsika pa ni Grant.

Importance of knowing your personality type

Para sa akin, wala naman problema kung  ikaw ay introvert, extrovert, ambivert o yung isa pang sinasabi nilang omnivert.  It just that it’s important  that you know your personality type so you’ll know your strengths and weaknesses, at the same time how to relate to other people.  I don’t encourage you to become ambivert, but  instead be yourself.

Ma.bu.hay!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 thoughts on “Personality Type: What is Ambivert?

  • Louren

    There are a lot of extroverts (apparently, the majority) that are not aware of what’s inside an introvert’s mind. Ang nangyayari, madalas nami-misinterpret yung mga silent moments ng mga introverts. Na madalas napagkakamalang mga suplado at suplada but the real thing is introverts just need the “reason” to communicate. Most of the introverts are living inside their head. They spend their time thinking about the things that matters to them. Social interactions drains them a lot.

    Basically, whether you’re an introvert or an extrovert or anywhere in between, the important thing is we should be aware of other people’s personality type or temperaments. This way, we’ll be able to communicate our thoughts and feelings properly without offending the other party.

    How I wish pinagaaralan sa mga schools to..

    • Hitokirihoshi Post author

      May nakausap akong mga introvert na napagdidiskitahan sa office. Yung isang kakilala ko kahit gusto n’ya at need nya yung work ay nag-resign s’ya kasi parang di lang sya sumasama sa tsikahan ay pinaparinggan na sya. tapos umabot na daw sa point na tinawag na nga s’yang di team player. umabot sa supervisor. ehh newbie sya tapos old employees ang mga yun. Yung friend ko naman, ganun din dahil hindi magimik at tahimik, na-o-office politics.

      what those kind of people don’t know, introverts are great in in-depth analysis and innovations. They see what other can’t see because they don’t follow and allow outside noises to affect their thinking. JK Rowling, bill gates, and warren buffet are known introverts 😉

      naghahanap pa ako ng great ambiverts… wait lang sila sa akin, charrot!