I remember matapos kung makapanood ng mag-isa ng Charlie’s Angels noon, may isang foreigner na kumausap sa akin sa comfort room. Tinanong niya ako kung kilala ko raw yung isang artista (hindi ko na maalala ang name) o kung may kilala akong Korean celebrities. Siguro kahawig ko yung artistang tinutukoy niya.
(Invitation! please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more interesting celebrities and showbiz stories. Salamat and Mabuhay 🙂
Medyo weird sa akin yung situation dahil obviously, hindi ako makakakilala ng Korean stars dahil nasa Pilipinas ako at malay ko na after few years ay papatok na ang Korean series at maging ang mga Korean actors, actresses and performers sa bansa. Eto nga’t babanggitin ko na ang mga trip ko…
Bae Yong Joon
Siya ang pinaka-crush kong artistang Koreano . First ko siyang nasilayan sa Winter Sonata (Endless Love 2) nang ipinalabas ito sa GMA 7 noong 2003. Ipinagpalit ko sa kanya sina Joey, Pacey, Jen and Dawson ng Dawson’s Creek. Gustong-gusto ko kasi ang itsura at character niya sa Winter Sonata, lalong-lalo na ang kanyang pananalamin at pagiging tahimik na matinik. Hehehe! Gusto ko rin siya sa Hotelier at sa film na April Snow, pero hindi sa Legend kasi di ko gusto ang mga epic drama like yung Jewel in The Palace at Jumong.
Jang Nara
Sa tingin ko puwedeng siya iyong tinutukoy noong Korean na nakausap ko, lalo na’t bandang 2001 o 2003 ata ‘yon. That time kasi sumikat ang Bright Girl na siya namang kauna-unahang Koreanobela sa Pilipinas noong ipinalabas ito sa GMA noong 2003. Pero mas gusto ko si Jang Nara sa My Love Cindy or My Love Patzzi na siya namang pinakapaborito kong Korean Series. Ang light kasi ng story then romantic comedy at ganda ng moral values. “Wala sa kilos at mukha yan nasa kaibuturan ng puso.” At ito pa, ang guapo-guapo pa ni Kim Jae Won. Gusto ko na rin ang The Wedding (ABS-CBN) na medyo drama naman at kung saan nakasama ni Jang Nara si Ryu Shi Won.
Chae Rim
Siya ang isa sa mga Korean actress na maraming beses kong napanood at may pinaka-cute na smile. Marahil ay una siyang natunghayan sa All About Eve(GMA 7), then sa Four Sisters (ABS-CBN), Oh Feel Young (ABS-CBN), Love At The Aegean Sea (QTV 11) at Dalja’s Spring (GMA 7). Ang huli ang siya ring huling Koreanovela (tawag ng mga Pinoy sa Korean Series) na talagang sinubaybayan ko sa telebisyon.
Yoon Eun Hye
Sumikat siya dahil sa success ng Goong or Princess Hours (ABS-CBN). Ito raw ang isa sa unang acting project niya dahil dati siyang part ng isang singing group. Pero mas napansin ko ang kanyang acting prowess at dedikasyon bilang actress sa Coffee Prince (GMA 7).Dito ay mahusay niyang naiarte ang pagiging responsible at mukhang lalaking panganay. Wahha nakakakilig sila ni Gong Yoo.
Choi Ji Woo
Siya na ang pinakamaraming beses kong napapanood na Korean actress. Mula pa sa Winter Sonata (oo siya si Janice), Beautiful Days (GMA), Stairway to Heaven (oo Cholo siya si Jodi – GMA), at The Truth (ABS-CBN). Mayroon pa nga siya sa QTV 11 eh Rondo o Air City. Pero sa lahat ng palabas niya ay The Truth at Winter Sonata lang ang nasubaybayan ko. Kadalasan kasi ay mga heavy drama ang mga projects niya.
Lee Da Hee
One of the beautiful actresses na napanood ko, magaling din siya both sa drama at comedy. Una ko siyang nasilayan pero hindi gaanong napansin sa Sweet 18 (GMA). Pero sa Green Rose (ABS-CBN) at lalong-lalo na sa My Girl kung saan niya nakasama ang gumwapong si Lee Dong Wook (nakita ko kasi siya noon sa Loving You na bata at chubby pa ) at ang mukhang babae sa kaguwapuhan na si Lee Jun Ki. Ang galing ni Lee Da Hee sa My Girl at character driven ang story.
Song Hye Kyo
Siya naman ang pinakamagandang Koream Actress na nakita ko. Siya ang bida sa (Endless Love 1) Autumn in My Heart (GMA 7), part ng Hotelier, All In (QTV 11) at ang pinakasikat – Full House (GMA 7) kung saan kasama niya si (my name is) Rain. Trivialang, magkarelasyon sila ngayon ni Hyun Bin na bidang lalakesa My Name is Kim Sam Soon.
Won Bin
Siya ang counterpart ni Song Hye Kyo- na pinakapoging Korean actor for me. Nakasama niya rin ang actress sa Autumn in My Heart at siya si Andrew doon.
Kim Tae Hee
Isa pa sa magandang Korean Actress pero kaiba kina Lee Da Hee at Song Hye Kyo ay medyo hindi pa siya ganoon kagaling sa pag-arte pero in demand naman sa paggawa ng series at commercials. Siya si Eunice sa Stairway to Heaven, bidang babae sa Love Story in Harvard (GMA 7) at Forbidden Love (ABS-CBN).
Eugene
Simple, maganda, nakakaarte, madaming shows at sinasabing kahawig daw ni Sandara Parks (na part na ngayon ng 2ne1) ang dating singer na ito. Sa dami ng shows –Loving You (QTV 11 & GMA), Love Truly (QTV 11), Save The Last Dance For Me (ABS-CBN), Wonderful Life (ABS-CBN), at Three Dads With One Mom (ABS-CBN)– niya na nakita ko, hindi ko lahat matapos-tapos. Nagkakataon lang naman pero gusto ko ang film niyang Unstoppable Marriage.
Pingback: My Guilty Pleasure: 5 of 31 Days Blog Challenge – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Movie Review: Dukit | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 11 Places to Visit in South Korea part 1 | aspectos de hitokiriHOSHI
Panuodin mo ung MY FAIR LADY ni Yoon Eun Hye. hehehe maganda din
naman ako, nag-sabi saiyo nyan e. ayon sa aking mga nababasa. hehehe
uso ba talaga sila ngayon?
pano na si marian ko!
=(
ah nye? wag ka mag-aalala mas malaki ang market ni Marian sa kanila. iyon nga lang hindi ako kasama sa market ni Marian, wahahaha. ikaw na lang.
Bakit parang magkakamukla lang sila lahat? Joke! Heheheh.
hahaha dati ganyan ang tingin ko sa kanila. hahahaha kala ko nga iisa lang ang mga Chinese, Korean, at Taiwanese. Ngayon medyo kaya ko na ata i-distinguish kung taga-saan sila. siempre labas na dyan ang mga Japanese. hehee
Siyempre, alam mo na ang sasabihin ko dito. hehe Gusto ko si Joo Ji Hoon ng Princess Hours, Lee Min Ho ng BOF at si Ethan Ruan (Taiwanese). Pwede na rin si Andrew ng Endless Love. Sa girls, si Yoon Eun Hye at si Song Hye Ko. Actually, mas kilala ko sila sa characters nila kesa sa screen names nila, alam mo iyan. haha
Pero si Bae Yong Joon may kamukha talaga sa BOF! peace! :p
hay naku panira ng mood. nag-iisa lang si BYJ. iba ang kamuka noong sinasabi mo at hindi siya pogi for me. hehehe sorry
yung mga trip mo may mga sabit talaga no?! hehehe
hala wla aq kakilala s knila! hehhe..
pero ang wawafu en gagwapa ng mga koreana ano?! 🙂
talaga? well baka bago na yung napapanood mo or hindi mo trip. heheh ok lang yan.
oo noong nagsimula na akong magkainatres sa mga korean drama. doon ko lang na-realize na bukod sa chinito sila e, may iba pa pala silang itsura. akala ko kasi magkakamuka lang sila. hehehe
waaaaaaaaaaaah si Yoon Eun Hye gusto ko siya sa coffee prince takte yan… naghanap p ko ng cd mapanood lang yan… 3 times ko inulit bwahahahaha… si Kim Tae Hee like ko siya kahit kontrabida ang ganda kase kamukha ko waaaaaaaah! kumidlat na naman! namiss ko mga korea novela’s!
kumidlat ba? hehehe
oo tuwag-tuwa talaga ako noon sa coffee prince. tas yung bidang lalake (Gong Yoo) noong una hindi ko gusto. pero noong nagtagal parang gumwapo na. hehehe
ui ui ui akala ko wala si song hye ko. pero wala talaga si my sassy girl/windstruck… bakit wala siya? anggandanun. kaastig pa ng role.
next naman japanese. mas marami ako gusto sa mga hapon eh! gyaboooooo!
ah sa japanese naman ako nangangapa. ang kilala ko lang ay yung sa hanakimi at si takuya. si ayumi hamasaki ba yun?, yung singer na nabingi yung kaliwang tenga
ay oo kilala ko rin yun. si Jeon Ji-hyun or Giana Jun hmmm siya yung bida sa Blood the last vampire. gusto ko yung sassy girl at windstruck kaso noong napanood ko na yung my wife is a gangster. doon na ako. hehhee
Kapag nanonood ako ng Korean films ay hindi ko na iniintindi kung sino yung artista, kaya hindi ako makarelate, although merong isa na gustong gusto ko talaga, yung A Bittersweet Life.
Buti na lang at tapos na yung Mama ko sa kanyang Koreanovela stage kaya wala nang nanonood ng mga ganyan sa bahay. Hehehe. American TV Series na ang kanyang pinagkakaablahan ngayon.
kilala ko rin siya, bukod sa na-mention mo na.
ang alam ko sa lalaking yan eh naging syota rin ni Song Hye Kyo ng Full House at magaling na actor. pero hindi ko trip itsura niya hehehe.
alam mo ang maganda kasi sa Korean Drama eh hindi nalalayo sa telanobela ng mga Pinoy at Mexican. pero mas maikli sila, mas intact yung flow at characters ( hindi pati yung kapit-bahay o yung pagsakay sa taxi eh may mahabang moment pa), hindi rin ma-make up, at hindi rin masyado sa out of this world effects. Kung gusto mo lang ng dramang natural. sa American series, hindi na rin ako updated e, wala na ring time at mas gusto ko na lang films. sawa na ako sa patghihintay ng commercials at payabangan.
Ah, hindi sa TV nanonood si Mama ng TV series nya – bumibili sya ng DVD para walang commercials. Hehehe. Saka pag nagmarathon yun, grabe.
ah… ginagawa ko rin yun kaso medyo iniiwasan ko. nakakataba at nakakabigat s apakiramdam at mata. ginagawa ko ang marathon kapad malungkot ako. e ngayon maiksi lang yung attention span ko. hahaha
Hindi ako nahilig sa Korean telenobelas. Ang naaalala ko na kinaadikan ko talaga ay si Jerry Yan ng Meteor Garden. 🙂
hmm siempre classic na ang Meteor Garden. pero sa F4, pinagusto ko dati si Ken Chu (Ximen). baka mag-post ako ng taiwanese series o artists na trip ko soon. (my plugging ito. hehehe)
yang si jerry pag nakangiti, parang nakakahawa. mapapangiti ka rin.
Kilala mo si Jo Hyun Jae? Super uber mega crush ko yon. As in highschool pa lang ako, nung napanuod ko sya sa Only You. Tas hanggang ngayon ginogoogle ko pa rin sya. Hahaha.
yes na yes! medio crush ko rin siya kung hindi ko lang natipuhan ng husto si Bae Yong Joon (hehehhe may pagka-loyal ako e hahaha). nadoon siya sa Three Dads with One Mom ni Eugene, Forbidden Love ni Kim Tae Hee, at gusto ko rin yang Only You. pero una ko siyang nakilala sa Love Letter.
Alam ko yang mga shows na yan pero yung Only You lang ang nasubaybayan ko. Highschool pa kase ako non, tas yang Forbidden Love eh college na ata ako. Tas yang Three Dads eh nasa college den ako. Pero tinititigan ko sya sa internet every once in a while. Hahaha.
sige pag may nasagap pala akong news sa kanya. babalitaan kita. hmmm teka nga mapanood nga ulit yang Only You na yan.hehhe
Ay kilegs ako dyan to the highest level. Haha.
hahahah! yeah mabuhay sa atin!