Honestly, hindi ko na alam kung ilan ang existing social networking sites na ka-join ako. Karamihan kasi dyan ay pinagbigyan ko lang ang invitation ng mga friends ko.
Twitter.com
Ang nagtulak sa akin na mag-put up nito ay para mai-promote ang http://hoshilandia.com. Naisip ko lang ha, parang gaya lang ito ng status sa facebook. Ang ikinaganda lang ay ka-twitter mo ang ilang news agencies and celebrities here and abroad. Ka-twitter ko lang naman si Mrs. Kutcher (Demi Moore), Nelly Furtado, and Alicia Keys (yabang eh binabasa ko lang naman ang tini-tweet nila). Pero according sa mga web news avenue na rin ang twitter for promotion or business.
Facebook.com
Para ma-access ang kuha namin sa Avilon Zoo ang initial reason kaya ako nag-facebook. Then nag-start na ako mag-share ng photos ng malaman ko na puwede naman din pa lang i-private ang ilang parts nito like sa multiply. Dito ako palaging napapadaan ngayon at alam nyo na ang puno’t dulo ng lahat ang pagre-Restaurant city. Yes, nagpi-facebook ako para lang maglaro saka na yung ibang features nila.
Multiply.com
Kung personal na kabagayan, like sa games medyo dehado ang multiply pero daming pakinabang sa site na ito mapa-personal o business. Imbakan ko ito ng halos lahat ng digital pictures and videos ko, source ng news & photos and etc. ‘Di ba in na in ngayon ang online business sa kanilang site so hindi lang talaga ito ordinaryong social networking site.
Hi- 5!
Ito po ang classic example ng pinagbigyan ko na lang ‘yong nag-invite. Pero isa siya sa paminsan-minsan kong tinitingnan. Why? Kasi ewan ko nga ba’t ang dami-daming taga-Thailand ang nag-a-add sa akin. Akala siguro nila super star ako. hahahaha! Ang ayoko lang may invite ng invite na sumali sa ganitong games at nagko-comment ng hindi ko naman maintindihan.
Tagged
Lagi akong may update sa email mula rito at may nagki-cilick daw sa profile/ picture ko. Then tinatanong ako kung interesado ako, eh hindi nga e. tas meron din doon sa games. Kung magi-games po ako malamang sa facebook at lalong-lalo na sa PC na lang. pero let’s see pag may time, kung ano pang mapapala ko rito. parang daming nakalagay e.
Flixters
Ay ito pinatulan ko kasi isang “connection” sa work ang nag-invite sa akin. Parang kahiyaan ‘pag ‘di ko pinagbigyan at taon na rin ‘yon. Pero last week na-explore at na- appreciate ko na siya. kasi source siya ng mga latest films sa Hollywood.
Friendster
Puwedeng sabihin pang jologs or kalumaan showcase na ang friendster pero wala akong balak na abandonahin ito. nandoon pa rin kasi yung ilang friends and contacts ko. Saka kung itse-check mayroon na silang minor improvements especially sa photos. And ito lang ang site na kinaya kong pag-aralan na maiba ang themes ayon sa gusto ko. at siyempre aaminin ko na naloko ako sa mga testimonials na na-receive ko. para bagang wahhh astig paka ako. (If I know iba diyan pinagbigyan na lang ako hehehe) at ilan sa mga testi na ’yan ay nakasalampak na sa scrapbook ko.
Pingback: MY CHRISTMAS WISH THIS YEAR: A NOKIA C7 | aspectos de hitokiriHOSHI
Una, mahirap mag-mentena ng madaming social networks, dagdag mo pa ang madami mong adiksyon online.
Pangalawa, kung wala kang budget for a website recommended na gamitin ang Multiply site dahil kumpleto ang features nito, pero kung audience ang hanap mo, sa facebook siguradong di ka naman lalangawin, tag mo silang lahat hehehe
Pangatlo, feeling ko ang twitter pang celebrity lang at pang-stalk ng celebrity lol
Yung iba ayoko na i-try hirap magmemorize ng password eh! 😉
hmmm oo effort takaga ng mag-maintain ng maraming sites. aabalahin mo pa ang iyong sarili lalo na kung hanap mo lan naman ay libangan kapag free ka.
yeah pareho tayo ng pagtingin sa multiply. the best talaga yun. ay teka di ko pa pala ulit mabisita iyon. kailangan ko ng mag-upload ng mga pics.
ay buti pinaalala mo papatulan ko na yang plurk na yan pati yang delcious at digg naku-curious na ako sakanila at the same time para magamit halimbawa sa mga campaign/ promotion ko hehehe.
mabuhay!
wahahaha! gusto ko ang topic na ‘to!
ako na rin ata ang isa sa mga taong halos lahat ng social networking site eh pinatulan!
wahahaha!
may twitter ako pero inunfollow ko na ang mga artista. grabe naman kasi sila kung makapagtweet! ang dami dami!
facebook – kahit nga nanay ko meron na niyan eh!
multiply – maganda to para sa mga pichurs! at saka mas astig! ang cute! mas masaya!
friendster – inamag na
plurk – ayaw mo ng plurk! mas masaya to! promise!
Halos karamihan pala meron ka Kuya. Hehe. Plurk pa? Haha. Wala lang. 😀
oo nga, may nag-i-invite na rin sa akin dumn. hindi ko na pinatos. pero try ko na rin.
hehehe gUdang hindi ako KUya. ate mo ako. hehehe
wahhhh. my hi-5 pla aq! tnx 4 reminding meh! wahhhhh.
bkt b nging jologs ang friendster?? filing u b jologs tlga un?
wla akong twitter. filing q boring e.. ehehee…
sabi ng iba pang jologs na raw yun o napag-iwanan na ng panahon.
i would like to think na talagang milya na ang layo ng facebook sa kanya. noong na-discover ko ang multiply nagising ako sa katotohanan na hassle ang pag-a-upload ng pics sa friendster. kailangan ganito lang ang aki ng pix then limited lang puwedeng mong ilagay.
pero for me, hindi jologs ang friendster. dahil kong iwwness sa akin friendster bakit ako gagawa ng 2 account dito at pabalik-balik pa rin. eddie jologs na rin ang itawag nila sa akin. queber! hehehe
mabuhay!
ang masama lng tlg jan pag sa dami nakalimutan ang password. aw.
yan ang ginagwa ko ngaun sa work ate hoshi!! social networking ek ek..
what do you mean sa ginagawa? as in work mo pagso-social networking sites. aba-aba! kakaiba ya. hehehe
hmmmm Hi5! multiply your friendsters in facebook. (charot lang)
welcome sa Hoshilandia Sows!
Sipag mo naman sa social networking! Sa FB lang ako may tiyaga eh. LOL.
maniwala ako sa iyo?
may multiply ka kaya at sa FB naman dalawa-dalawa pa ang gamit mo. hehehe
huli!
Ngek, halos hindi ko naman ginagalaw yung multiply ko, tapos yung isang FB account farmer ko lang para sa Resto City! LOL.
parang hindi convincing wahahaha!
at hindi lang resto city ang ari-arian mo dun i know. buong syudad ang kina-career mo. lol!
nakalimutan ko na mga password ng ibang account ko.. nyahahaha…
ako rin e. pero hinahayaan ko na lang itong mha binanggit ko na lang ang talagag binubuksan ko. puwera sa tagged.
Tatlo diyan ay meron ako. Iyong isa, pinag-iisipan ko pa baka kasi mairita ako sa bird noise. LOL
me ganun eh lagi kong nahahagip na laman ng monitor mo ang twitter. nakikibasa ka sa tweet ng iba . wahhh
Oo nga naman, sobrang dami nang networking sites. Haha!
Yang Twitter, napa register ako dyan dahil gusto kong i-follow yung Pussycat Dolls pati yung paborito ko pang celebrities. Haha! Yun lang talaga ang rason. LOL.
Facebook, dyan busy lahat ng tao. Yan na siguro pinakamaganda at updated talaga ang isa’t isa sa mga bagay-bagay.
Yan rin ang gusto ko sa Multiply, imbakan ko rin ng photos and videos. Maganda naman talaga sya! Tipong chill lang talaga yung site.
Haha, lahat kaya naloka yata sa testi. Nung High school ako puro, “Hoy testi ko ha!!” puro ganyan. Sa Friendster kaya nagsimula ang lahat! Haha!
well tumpak na tumpak ka sa mga sa tinuran mo girl. may pakinabang naman talaga ang mag sites na yan bukod sa pakikipag-sosyalan.
teka ma-add ko nga yang pussycat favorite ko rin yan e.
pareho tayo umabot na rin ako sa point na manawagan para madagdagan ang testi ko. heheeh kaso pasaway yung iba sinasabi pa talaga sa message na pinilit ko sila. kaya hayun binubura ko na lang. may isa na crush ko nagtesi doon sa forum. siempre nabura din sa kawalan. hehehe
mabuhay!
wala naman akong masabi
bigatin ang mga ka-twitter mo
hehe
oo naman, sila lang muna ang in-add ko. may screening pa kasi para doon sa ibang stars. baka sumikat sila masyado pag napasama sa mga followers ko. wahahaha
Malakas pala dating mo sa mga taga-Thailand, ano
Hehe
oo feeling ko din pero di ba shocking talaga, but i’m happy naman. wahaahha
Pinaka gusto ko ang Multiply kasi andun ang tambakan ko ng mga picture. 🙂
pare-pareho tayo nina Half Crazy. Hi5!
Marami akong narereceive na invitations maglakwatsa sa multiply. Ikaw may pakana non noh? Hahaha.
wahhhhh hmmm ganyan talaga malakas ang influence ko eh. hehehehehe
Nako naiirita ako sa mga email alerts galing dyan sa Hi-5 na yan. Hindi ko nga alam na social networking site pala yan dahil hindi ko man lang binabasa ang description dahil hindi ako interesado. Haha.
korek, isa yan sa pumupuno sa email ko. curious lang ako kung balwarte ba talaga ng mga taga-Thailand yan. kasi siguro sa 150 na friends ko dyan ay 10 lang ang ibang lahi.
wag mo na pag-aksayahan. mas maganda pa rin ang facebook sa kanya. nanggaya lang.