Second time ko pa lang gawin ang Visita Iglesia at yung last ay noong 2008 pa. Ito ay hindi tiring adventure and very wonderful meditation. I was with my two friends na mas may alam sa practice na ito at nagga-guide pa sa akin.
From original 7, we went to 14 churches in Quezon City and Manila. Yung iba na-research namin through net, habang yung iba ay mga alam na namin at kanya-kanya kami ng turo. Isa lang actually yung naiambag ko yung sa San Beda Church. Hehehe
San Isidro Labrador Parish
(Philand Drive, Bgy. Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City)
Malaki ang simbahan na ito na nasa kalagitnaan ng komunidad. Nang pumasok kami rito ay may mga kabataan na abalang-abala marahil sa isang drama na kanilang isasagsawa na puwedeng Senakulo.
Dito ko binasa ang unang first station of the cross, na unang beses ko ring ginawa sa buong tanan ng buhay ko. So medyo malakas ang pagkakabasa ko, sana lang ay hindi ko naistorbo yung mga Aleng nasa likuran namin.
Santuario De San Vicente Paul
(St. Vincent Seminary-221 Tandang Sora Avenue, Quezon City)
Bago bago pa ang simbahan ng St. Vincent Seminary nang mapadpad kami rito. Pero may malawak na lote na talaga itom, may napakagandang façade nito at pintuan. Maaliwalas ang dating nito at mahangin, sa loob at labas. Naka-attend na rin ako ng kasal rito at okay na okay dahil mayroon ditong airconditioned na event place sa likod.
Our Lady of the Annunciation Parish
St. Dominic 3 Subd., Mindanao Ave., Ext., Tandang Sora, Quezon City)
Kilala rin ang simbahan na ito sa tawag na St. Charbel Church dahil sa ngalan ng sikat na village na katabi nito (ayon sa aking malaking bubwit na kasama). Ang station of the Cross (SotC) nila ay nasa ibaba ng church na parang tunnel na lulusot sa kabilang pintuan. Sa tunnel na iyon ay may mga libingan ng mga abu.
San Nicolas De Tolentino Parish
(20 Neptune Street, Congressional Subd., Proj. 6, Quezon City)
May misa noong dumating kami at tila walang nag-i-SotC na kasabay namin. Kaya habang binabasa ni Ate Tet ang third SotC ay halos siya lang nakakarinig. Malaki at maaliwalas din ang simbahan na ito na elegante ang façade.
Our Lady of Mt. Carmel Parish
(project 6, Quezon City)
Nasa harapan at gilid lang ng simbahan na ito ang SotC. Tama lang din para kapwa hindi makaapekto sa isa’t isa ang uma-attend ng misa at mga bumi-visita. Pero dahil first time naming ni Avi dito ay pinasok namin ang loob para kunan. Maganda ang color combination at pati na ng lighting sa altar ng church na ito.
Our Lady of Hope Parish Church
(107 Rd. 3, Pag-asa, Quezon City)
Maliit lang ang church na ito pero engrande ang dating. Kahit nga nang kunan namin ito mula sa tawid na street ay parang mapapakinggan o malapit ka lang sa altar. Likod na likod lamang ito ng SM North Edsa.
Santuario de San Pedro Bautista Archdiocesan Shrine
(69 San Pedro St., SFDM, Quezon City)
Dito namin napansin na ginabi na kami dahil madilim na masyado ang paligid para kunan ang façade ng simbahan. Pero buti na lang ay naabutan pa namin na bukas ito at makita ang altar nito na magara ang dating. Kahit nga sa SotC ay inaaninag na lang ni Ate Tet ang pagbabasa. (ito ang second oldest church in the Philippines ayon sa Wikipedia)
National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary or Sto. Domingo Church
(537 Quezon Ave., Quezon City)
Tinapos na namin dito ang SoTC namin at marami-rami rin kaming nakasabay sa pagbabasa. May Blooper lang ako na siyang nagbasa ng last station. Nakalagay kasi sa binabasa ko ay “Our father… Glory Be… Hail Mary…” hindi ko napansin na as is ko sinasabi. Buti na lang napansin ni Avi na pagkatapos ko na Mag-our father ay hindi ko sinundan ng “who art in heaven…” pare-pareho tuloy kaming matawa-tawa habang tinatapos ‘yung dasal.
Minor Basilica of the Black Nazarene or Quiapo Church
(Plaza Miranda & Quezon Blvd., Manila)
Nakapasok at nakaupo kami sa loob ng pamosong church na ito na malayo sa ini-expect ko.
Basilica Minore de San Sebastian or San Sebastian Church
(Plaza del Carmen, C.M. Recto Manila
I’m still manghang-mangha with this Church when it comes sa view and info noong na-research ko ito. At tulad ng sinabi ko sa una kong Visita Iglesia, hindi pa rin nagbabago. Hehehe whatever that was.
San Beda College Benedictine Abbey Church
(639 Mendiola Street)
Kahapon na ang pinakamaraming tao na naabutan ko sa simbahan na ito na nasa harapan lang ng San Beda College pero nakaupo naman kami. Well since first time dito ni Ate Tet kahit nag-high school siya sa V.Mapa , eh amaze na amaze siya sa architecture ng buong simbahan. Hindi ko naman siya masisi dahil kahit pabalik-balik na ako dito e, hindi nagbabago ang kagandahan nito para sa akin.
St. Jude Thaddeus Archdiocesan Shrine
(1420 J.P. Laurel St., San Miguel, Manila (beside Malacanang))
Hindi na kami nakapasok ng simbahan sa dami ng tao, dahil Thursday na araw ng simba dito. Pero doon kami sa pagla-light ng candle at tig-7 candles kami ha. Lagi kong ginagawa ang pagsisindi ng kandila dito at napapansin ko na laging nag-iiba sila ng rules. Gusto nila this time ay floating candles naman. Okay lang sindi at dasal pa rin ako.
National Shrine of St. Michael and the Archangel or San Miguel Church
(1000 J.P. Laurel corner Gen. Solano St., San Miguel, Manila)
Sarado na ito ng mapuntahan namin kaya hindi kami masyado nagtagal matapos kumuha ng picture ng façade at pamosong San Miguel na makikita mo rin halos sa gin (iyon nga lang hindi demonyong may pakpak ang kalaban nya rito) ay umalis na kami.
Christ the King Mission Seminary
(1101 E. Rodriguez Sr. Ave. Quezon City, Philippines 1112)
Malaki rin ang lote nito at may ilan ding naka-display na imahe sa labas. Kakatuwa lang din ang imahe na nasa façade nito at nakakaaliw naman ang arrangement ng mga kandila sa altar. Gusto na sana naming mag-confession pero pare-pareho kaming hindi handa. Hindi ko ata alam kung anong uunahin kong ikumpasal e.
[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]
Next year sa ibang lugar naman, sana makasama ka na namin hehehe
oo nga, para double the fun, double the reflection… hehehe
mabuhay. masyado kasi kayong punctual e. hahaha
Our first Visita Iglesia was very successful kahit na INC yung kasama ko lol! hoping for another round next year. ;p
yeah sarap di ba? maraming benefits!
Ako, after so many years, nakapag-Visita Iglesia ulit ako although within Bulacan lang.
This tradition really allow us to kneel down and acknowledge God’s unconditional love for us.
galing! appear tayo dyan!
waaaaah! nalula ako sa mga churches. bat ang dami mo napuntahan? teka! hindi ako aware sa visita iglesia na yan… prusisyon lang alam ko. matry nga yan next year. hakhak!
oo try mo. ako rin lately na lang nag-sink a akin ang practice na ito. masaya sya lalo na pag kasama mo ang mga barkadamo o pamilya. wala sini[ag lang kami kasi yung iba dyan halos magkakadikit lang. yung quaipo hanggang san miguel lakad-lakad lang yun.
Ok lang naman, kasi overall, naging matagumpay naman ang lakad mo.
korek! kakaibang experience.
Syempre, hindi naman ako katoliko kaya hindi naman ako maka-relate. Pero grabe ha, effort! Pero ok lang naman, isang beses lang naman sa isang taon eh.
oo minsan lang naman eh…saka
-malalapit lang sa amin (pupuntahan pa nga sana namin yung Holy Sacrifice sa UP eh naiba lang ng ruta)
– karamihan sa mga pupuntahan namin ay first time ko
-tawag ng pangangailangan
-para maging active ang paggunita ng Holy Week ko
-bonding na rin at travel with matching kuhaan on the side.
yun nga lang ginabi kami. wahhhh
wow ang gaganda ng simbahang napuntahan mo… ako twice ko palang din nagagawa yang visita iglesia na yan… akswali nung college ako, sumama ko kasi unang dahilan ko gusto ko mapuntahan yung iba’t-ibang simbahan sa benguet… tapos habo ko don yung pagwiwish… sabi kasi nila kapag first time mo sa simbahan magwish ka, kase may possibility daw na matupad yun… uhmmm parang totoo naman 😀
oo nga sabi nga daw nila yan. eh sa totoo lang lagpas kalahati sa mga ito ay first time ko lang mapuntahan. eh nahihiya naman ako mag-wish ng personal kasi nga Holy Week. Pero dumale na rin ako ng mangilan-ngilan hehehe
ang isa lang ikinakatauwa ko eh, malapit-lapit lang sa amin ang mga simbahan, within QC. ayos!
go san beda fight!
mei ganun talaga! hehehe
ehem
bedista po si raft3r
=)
happy easter, hoshi
ah kaya pala, taga-san beda ka!
Happy Easter, manong raft3r!
teka, teka
anong ibig sabihin nito
hehe
hmmmm may impression ako sa mga taga-san beda. at medio napatunayan mo yon. wahahaha
Di man lang ako nakapag visita iglesia.. anu ba yan. ang dami mo naman napuntahang simbahan ngayon..
Hi jeniffer and welcome back sa Hoshilandia Jr.!
Have a blessed Holy Week na rin.
yeah, dami ko ngang napuntahan ngayon pero noong nakaraan naka-9 din ako. ginanahan kami ng mga kasama ko… palibhasa mga sabik sa paggunita, lakwatsa at may mga problema. hehehe
Visita Iglesia has always been a mystery to me. I seriously do not get the point. But hey, I am just one of them weird people who never get what Catholics do. He.
Hi Hoshi! Happy long weekend. 🙂
Hi Vajarl! Happy long weekend din!
Yeah before ganyan din ako, and i think wala pa rin ako sa puntong damang-dama ko ginagawa ko. Pero i think it’s an active way to commemorate yung sacrifice Niya kaysa maglagi lang sa bahay. You pray, you walk, you see different views,you see different people sa mga churches, and habang ginagawa ko ang lahat ng niyang nakakapag-isip ako ng iba kumpara pag nasa bahay lang ako. pero definitely doon ako sa solemn na prayer.
hindi ko na ginagawa yung paghipo ng mga santo, pagpunas etc. medyo may orientation din kasi ako sa Born Again Christian because of my brother. huli ko ata kumpisal ay 2005 pa.