Stories behind memorable songs


May isa akong libro na nabili na na-amuse kasi ako sa title- Lit Riffs: Writers “Cover” Songs they Love. Naniniwala rin kasi talaga ako sa power ng music na mag-motivate sa iyong emotion at imagination. Ayon nga sa author ng book na si Neil Strauss, “it (music) occupies only the ears, leaving the imagination free to wander… “The intent may belong to the artist, but the significance is the property of the beholder.”

Maging Sino Ka Man- Rey Valera/Sharon Cuneta

Dalawa ang kwento nito for me- Una ay noong inawit ko ito noon sa school namin. After noon may nagkagusto na sa akin hahahaha. Partida chorus pa lang yun. Pangalawa, ito ang theme song ng pinaka-remarkable series namin nina Segundo.

The only OPM double diamond  recording artist   Jose Mari Chan

The only OPM double diamond recording artist Jose Mari Chan

Line To Heaven by Introvoys and Sing Me A Song Again Daddy by Jose Mari Chan and Cherie Gil

These were the songs na nakatulong na mailabas ko ang emosyon ko about sa Daddy ko.

You Were There by Southern Sons

Ito na siguro ang maikakanta ko sa isang lalaki na kaibigan ng crush ko dati na naging crush ko na rin na nasa kabilang class room namin. Kung hindi ako nalipat ng section 1 ay baka magkasama kami sa section 2. Lagi ko siyang sinisilip sa siwang ng pader na naghihiwalay sa amin. Then naging campus crush din siya dahil nagbibinata siyang gumaguwapo. Kapag dumaan siya “I open my eyes and he was there.”

Patalastas

Out of the Blue By Michael Learns to Rock

Blue and Yellow Macaw

Blue and Yellow Macaw

Nagka-crush ako sa friend ng neighbor namin. Wala akong access para malaman ng kahit ano sa kanya maliban sa dating boy ng neighbor namin. Naging friend kasi siya ng mga kuya ko. Hindi ko type ang mga maiitim pero iba siya, kasi ang pogi ng mukha niya, lalo na ng mata niya. Saka lagi kaming nagkakatinginan. Nasa stage ako noon na sakitin ako, nag-a-adjust sa paglipat ng school… “ but then he came along  to my surprise and stole my heart before my very eyes.” Alam n’yo kung bakit yan ang kanta ko sa kanya? Yan kasi ang favorite song noong boy ng neighbor namin.  Hehehe

Isang Tanong, Isang Sagot by Donna Cruz

Trivia Questions

Trivia Questions

I like Donna pero malamang hindi ito ang tipong magiging top pick ko sa mga sumikat niyang kanta like Rain, Only Me And You, Wish o Kapag Tumibok ang Puso. Ang espesyal dito ay  ito ang pinapatugtog ng isa sa espesyal na lalaki sa akin noon. Basta papatugtugin niya yan at tatayo sa may pintuan nila. “Isang tanong, isang sagot/ wala na ngang ikot-ikot /Gusto ko lang liwanagin ako ba ay mahal mo rin?

On My Own by Lea Salonga or Katie Holmes

Ito ang pamatay na kanta para sa isang lalaki na sobra na ata ang ginawang impact sa akin. I like him na talaga, pero kailangan kong kimkimin sa sarili ko kasi mahal din siya ng friend ko. wahhhhh “ I love him but when the night is over. He is gone the river’s just a river. Without him, the world around me changes.”

Rainy days and Mondays by Carpenters

Before Breakaway of Kelly Clarkson, That’s The Way It Is and A New Day Has Come of Celine Dion; ito ang song na dini-dedicate ko sa sarili ko.  coz you know “Sometimes I’d like to Quit/ Nothing ever seems to fit/ (I’m) Hangin’ around/Nothing to do but frown/ Rainy days and Mondays always get me down.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

24 thoughts on “Stories behind memorable songs

  • len

    Gusto ko iyang Line to Heaven at Sing Me A song Daddy. Senti mode ako pag nairirinig ko iyan kanta na iyan.

    Hindi ko alam kung gaaano ka-boring ang mundo kung walang music. ;p

  • jason

    pasensya naman pamangkin ngayon lang nakabisita si tito jason mo nako nako…

    shaks lam mo bang kinakanta ko ang maging sino kaman sa videooke? kasama ko si mommy at daddy kapag nagvivideoke..

    tapos lam mo ba ang

    rainy days and mondays, favorite ni mommy..

    tapos…

    pag narinig mo kinanta ni mommy yan,,

    kala mo nabuhay si karen carpenters!

    • Hoshi Post author

      wow ang ganda naman ng boses ng mama mo tito. one of a kind kaya ang boses ni karen carpenter tas kaboses pa niya. amazing!

      talaga paborito mo ring ibirit sa ang maging sino ka man? sa bagay hindi naman nabibirit yun.. hehehe kasi masarap kantahin ng madamdamin lang. mabuhay!

      kantahan na sa videoke!

      • jason

        hahaha natawa ko sa “birit” di naman kataasan ang boses ko pero bumabanat din ako ng air supply. hohoho

        o sya, kelan tayo mag vivideoke pamangkin? hohoho

        paparinig ko sayo minsan, irerecord ko kanta ni mommy singing we’ve only just began

        • Hoshi Post author

          pabirito ko ring pakinggan ang mga songs ng air supply pero ang madalas kong i-sing ay ang “all out of love.” sa carpenters gusto ko ang “You,” “Rainy Days and Mondays,” Love me For What I am,” yan ding “We’ve Only Just Began” at “Close To You.”

          ayos pareho pala tayong mahilig sa mga old songs, ano Tito?! sige gusto ko mapakinggan ang tinig ng iyong mommy. at doon sa videoke natin hmmmmm….
          hehehe isip pa ako ng magandang event sa birthday ni Rizal?

  • eloiski

    so puro crush crush ang nababasa ko.
    omg.
    lahat ata ng mga blogger umiinlab?
    anong nangyayari?

    hahaha!

    dapat isali mo din yung dance with my father about sa daddy achuchu.

    tapos yung line to heaven. jusmiyo. tuwang-tuwa ako sakantang yan. parang kanina lang eh kinakanta ko yan ah.

    hakhak!

    • Hoshi Post author

      tingnan mo nga naman at nagkakataon na pare-pareho ang mga iniisip ng mga bloggers ngayon. nung nakaraan about life naman. hehehe

      hindi ko alam yung dance with my father. ano yun? at sino kumanta?

      teka bakit ka naman natatawa sa kantang line to heaven? hehehe

      puro tanong ano?

    • Hoshi Post author

      ay hindi ko alam yang kantang yan. ma-check ko nga.

      masyado na ata ako nag-i-stick sa mp3 ko kaya wala na akong alam na panibagong kanta. hehehe Just Dance pa ata ang latest dito e. hehehe

        • Hoshi Post author

          ah michael learns to rock pala ang MLTR akala ko new line ng railway sa metro manila. nyeyehhehe

          perp check ko yang song na yan. maalala ko lang sana. pag nagka-free time ako.

  • precious

    ate ko…musta nb? ang emo ng pagbabalik mo ah.. 😆

    gusto ko rin yang mga songs na yan. lalo ung kay katie.panalo. kasi kasi…WALA! hekhek. ang tumatak naman sakin ung “i dont wanna wait”. ewan ko ung singer? haha. theme song xa sa dawson’s creek nung hayskul ako. sharing. la lng.

    • Hoshi Post author

      yeah happy naman ako na sa pagbabalik ng site ko ay nagbabalik ka rin. at same papala tayo ng trip ha.

      korek sobrang damang-dama ko yung kantang yun. kahit ngayon na wala na yung guy e iba pa rin ang dating sa akin ng kantang yan.

      ang kumanta ng i dont wanna wait ay si paula cole. alam mo bang maluha-luha ako nung pinatugtog ulit yun sa last episode ng dawson’s creek. then ngayon ang ringtone ko ay yung run like mad na theme song din ng DC. wahhhh
      mga creekers pala tayo. wahahaha

  • Hoshi Post author

    at talagang ayaw akong tantanan sa load ha, hayaan mo darating tayo sa pa-promo kng yan. gaya ng libreng expo at sunshine. hehehe