cartoons, outlandish but outstanding


Yeah for nth time nasabi ko na siguro kung gaano ako ka- animeniac. Mas gusto ko ito kaysa cartoons. Ano ang pinagkaiba nila? Madali lang ,ang anime ay animation na mula sa Japan., yung cartoons kahit saan pero sikat yung galing sa US. Mas gusto ko  rin yong drawing/ graphics na likha mismo ng kamay, detalyado at yong paano sila nailahad. Pero saka ko na tatalakayin ang anime. Doon tayo sa cartoons.

Captain America Civil War, X Men Apocalypse, and   Angry Birds the Movie  life size posters by Hitokirihoshi

alin ang cartoons?

Tawagin mo na akong makaluma pero hindi talaga ako fan ng 3d animation. Ang kulay nila ay masyadong matingkad sa mata ko at plastic na plastic ang dating at kahit mas malawak ang kaya nilang abutin. Pero hindi ko sinasabi na pangit sila. Hindi ko lang masyado type. So far ang isang 3D animation (from Hollywood) ang natuwa ako ay UP!

Actually, hindi pa rin ako masyado sa graphics pero doon ako sa istorya.  Ang ganda lang ng pagkakalahad at movements.  Inulit-ulit ko yung scenes na from bata hanggang sa mamatay yung asawa nong bidang lolo (Carl Fredricksen). Tuwang –tuwa ako sa kapilyahan ng batang Ellie (asawa ni Lolo) at sa kabungian niya, ang mission niyang marating ang isang lugar sa South America, ang pagiging tahimik ni batang Carl at ang journey ng kanilang pag-iibigan na idinaan lang sa background music. Sadness nga lang talaga na hindi na narating ni Ellie ang pangarap niya. Naisip ko lang ha, lumalaki ba talaga ang ulo ng tao kapag tumatanda? Hehehe

Okay din ang Coraline na magandang ipanakot sa mga bata, kahit yung mga itsura pa lang ng mga characters. Pero seriously, maganda yung moral lesson na gusto niyang iparating.

Ang ilan pa sa mga latest cartoons na napanood ko ay ang Shrek, Kung Fu Panda (ito excited ako panoorin) at The Princess and The Frog. Napanood ko na ‘yong Ponyo pero mas gusto ko siyang i-consider na anime gaya ng Spirited Away.

Pero teka naalala ko na ang top one all -time favorite  film ko nga pala ay isang cartoon film ay ang Lion King. Ang kaisa-isang cartoon movie na nagpaiyak sa akin sa sinehan, yong agos talaga. Hehehe ay mali.. huhuhuhu pala



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

21 thoughts on “cartoons, outlandish but outstanding

  • len

    Kanina may nakita akong car sa EDSA at talagang pina-customize iyong kotse dahil hindi plain color ang paint ng car kundi mga anime na hindi ko siyempre kilala kung sino. hehe

  • jube

    malapit sa puso ko ang cartoons simula pa bata ako, siguro ganun tlg kapag bubbly at kid at heart ang personality lol!

    Hindi ako masyado sa anime side, may napapanood ako dati, pero ngayon sobrang konti na lang ang naapreciate ko on TV. Di ako mahilig sa puro labanan na anime eh! Nagustuhan ko yung impluwensya ni Tim sa Studio Ghibli, super I LIKE! 😉 kahit ndi kalalaiman ang istorya, wagi naman sa puso ko.

    Isa sa mga bawal gawin sa bahay noong kabataan ko ang panonood ng cartoons, may oras daw para dito at wala daw matutunan sa mga ganyang palabas! SUS! ang gusto ba naman panoorin ko sa edad na 6 na taon eh balita? Palit kaya kami ng kalagayan?! hehehe

    Kung magkakaroon ako ng kopya ng mga cartoons noong kapanahunan natin, gusto ko pa rin itong ulit-ulitin. I ♥!

    Sa tema ng animations ngayon, iba na talaga ang technology, pandagdag laglag-panga ko ito kasabay ng istorya.

    Basta pambata, kering-keri ko yan! 😉

    • Hoshi Post author

      snubukan ng nanay ko na tanggalin ang cartoons at kahit anime sa akin. ayun bumaba lalo grades ko hahahaha. kaya kay rica, hinahayaan ko lang basta yung cartoons may sense. pinagbabawalan ko lang siya sa spongebob, at mr. bean kasi puro kalokohan. sa akin okay yun pero sa bata tingin ko hindi.

      oo naman iba ang nagagawa ng cartoon sa mga ating mga …. hehehe mabuhay ang mga kengkoy yahoo!

  • jason

    kauna-unahahang movie na cartoon na napanood ko ay beauty and the beast sa sinehan, next ang LION KING YEY!

    naalala ko sa lionking – mufasa, yung butiki at baboy na kumakanta, yung mga lion cubs na naliligo sa laway. hehe tapos yung mga hyenang tawa ng tawa. too bad nalimutan ko na story. 5-6 years old ko ata napanood?

    yung UP- matagal ko na gustong panoorin huhuhuhu

    • Hoshi Post author

      mas naalala mo nga ang detalye tito e. ako alam ko na lang yung ibang highlights. like yung mamatay yang papa ni Zimba at ang pangangamkam ng uncle niya. at awang-awa ako sa mama nya. hehehe

      gandang-ganda ako na kung paanong napalapit ako sa mga character na yan gayon in real life ay mga wild yan. hehee. pero real or reel sentimental talaga sa akin ang movie na yan. kaya kahit halmbawa na may iba akong magustuhan pa. may special part na yan sa akin. hehehe

      ay panoorin mo yan tito. ganda!!

  • eloiski

    ANIME ANIME ANIME!
    ano ate? nakapagdesisyon ka na ba kung ibebenta mo na sa akin ang questor mo?
    i’m so hexcited! wahahaha!

    basta number one sa puso ko ang anime!
    pero nag-eenjoy rin talaga ako sa animated moviesss!

    kung fu panda! tapos ko na!
    shrek! hala may last na shrek na! papanoorin ko talaga yun!
    up! di ko pa rin tapos hanggang ngayon! yehey! papanoorin ko ulit! ang cute cute! tapos ano basta! ang cute talaga!
    Coraline! ang ganda!

    ponyo di ko pa napapanood eh! next time na lang! hakhak!

    • Hoshi Post author

      finally you are back here. and feel na feel ko talaga ang excitement mo girl.
      malapit na girl. hehehe ayaw pa talaga magdesisyon ano e. gusto ko muna mag-total last look before i bid goodbye sa kanila. ewan feeling ko magpapaalam ako sa dalaginding na Hoshi kapag ipinasa ko na sila. hehehe

      oo nga inaabangan na rin dito sa office ang next installment ng Shrek. yang Kung Fu panda patawa talag e. hahahaha

  • Tim

    Halos lahat naman ng mga Studio Ghibli, magaganda, gaya na lang ng:
    – My Neighbor Totoro
    – The Cat’s Pajamas
    – Howl’s Moving Castle
    – Princess Mononoke
    – Nausicaa Valley of the Wind

    Tapos gusto ko pa subtitled lang kasi nawawala yung intensity ng pagkakasabi ng dialogue kapag isinalin na sa Ingles. Hindi ko lang alam kung may mairerecommend ako sa’yong anime series kasi puro madudugo at mararahas yung mga gusto ko. Although meron ding ilan na love story naman. Hahaha! Hmmm… try mo yung ‘Shakugan no Shana’ – action yun saka babae yung bida, saka wala masyadong halong ecchi kaya baka magustuhan mo. Series sya. 2 seasons.

    Salbehe: Ok lang naman yung FMA. Hehehe. Medyo mainstream kasi yun kaya hindi ko pa gaanong pinapanood yung season 2. Sa manga ko sya binabasa, hehehe. Natapos ko na panoorin yung season 1 though, saka yung movie nun. Saka maraming anime ang magaganda ang storya.

    • Hoshi Post author

      hmmmm oo ang nagustuhan ko sa kapapanood ng may subtitles ay natuto ako ng salita nila. kaya ko na nga ang ilang greeting sa korea, Japan at Taiwan e hehehe pati na ang famous mannerisms nila. you know. hirap lang talaga sa una pero pag nasanay na. deadma balewala na yung sabayang pabbabasa at panonood tanong mo pa kay Leng-leng. hehehe
      hmmm mahilig din naman ako sa ma-action lalo na before kaso after noong college nag-iba na ako ng mode. medyo nag-i-stay kasi sa utak ko ng matagal lalo na pag heavy drama/ action or horror. yung huli nga yung “Revolutionary Road” parang tulala ako sa maghapon na parag ewan. saka ang aim ko talaga ay manood para sumaya at hindi mag-appreciate o mag-criticize. next level na lang yun . hehehe
      pero ewan pag anime , exempted talaga sya sa lahat ng bagay. wahahaha

  • Tim

    Whohoo! Nauna ulit ako! Yung Ponyo, anime rin sya, pareho yung gumawa nun saka nung gumawa ng Spirited Away – Studio Ghibli.

    Syempre yung UP sa akin yung pinakamagandang animation film (na hindi anime) para sa akin so far. Malalim sya pero light na light lang ang pagkaka-present. Syempre cute na cute din si Russel. Hehehe.

    Ang dahilan ko naman kung bakit mas gusto ko ang anime ay dahil sa mas mature sila. Kaya nilang mag-discuss ng mas mature na themes na hindi pumepreno ang language o ang graphics. Saka most often, mas magaganda sa akin yung mga plot ng anime. Iba talaga ang anime sa western animation.

    • Hoshi Post author

      biriun mo nga naman at nauna ka. hehehe

      yes tama ako sa pagkakategorya sa ponyo. pero between sa dalawa ay sa spirited away ako ng milya-milya. buhay na buhay lang yung kulay sa ponyo o baka pangit lang TV ko. hehehe

      oo sa sine ayoko i-try na panoorin ang UP. kasi nga di ba 3D. buti na lang may copy ka nito. thanks a lot at ngayon ay mapapasama na sya sa humahabang listahan ng iko-collect ko. wahehehee. cute nga si Russel gustong-gusto ko yung nagpi-present siya kay Mr. Fredricksen.

      tumpak na tumpak ka sa lahat ng anime analogy mo. kaya magpahiram ka pa ng mga movies mo. hehehe

  • salbehe

    Naku magsama kayo ng mga kapatid ko! Adiktus much sa anime. Madalas wala akong magawa kundi makinood na lang. Wala eh. Isa lang ang TV sa bahay. Ang paborito ko mga pinapanood nila ay Full Metal Alchemist. Maikwento ko lang ang ilang eksena sa bahay.

    Habang nanonood ng FMA (2nd version):

    Salbehe: Eto ang pinakamagandang anime series na napanood ko. May istorya kasi.
    Essy: Gagah! Lahat ng anime may istorya, yan lang naman talaga kasi ang pinapanood mo.

    Salbehe: Mas maganda ang version na ito kesa sa unang version ng FMA.
    Essy: Gagah! Hindi mo naman napanood yung unang version.

    Wala lang, share ko lang. 😛

    • Hoshi Post author

      hahaahahaha kinakawawa ka pala ng mga kapatid mo e. sinasalbahe ka. joke-joke at least di ba nagandahan ka naman.

      alam mo ba gusto ko rin mapanood yan ang kaso ang nahingi ko na copy ay full metal jacket pala at hindi full metal alchemist. windang ako noong pinapanood ko na at hindi anime.

      ewan kasi sa anime na yan nadadala ako sa ibang mundo. sobra lalo na noong college at high school. wala akong crush kundi anime characters. hehehe