Movie Review: Coraline


Hindi ako excited na panoorin ang Coraline noong una. napapangitan kasi ako sa pagkakagawa ng itsura ng mga characters. Pero pasado na sa akin ang animation niya at sa mga designs. hindi lang din ako nabili sa ordinaryong story na ito na tungkol sa isang batang babae na makulit at nabigyan ng leksyon.

Credit: Laika Inc.

Halos pareho ito ng where the wild things are para sa akin. Ang pinagkaiba lang ay lalaki ang bida doon at sa ibayong dagat nag-explore yung bata at itong si Coraline ay sa kailaliman lamang ng kanilang lumang apartment. pero may naiba sa opinyon ko sa pangalawng beses kong napanood ito, mas gusto ko na ang Coraline at mas ‘di hamak na trip ko siya kaysa Where the wild…

Una, sa kakaibang itsura ng mga characters doon mo siya mas madi-distinguish. Sa kulay at mala-plastic na kulay ng buhok pa lang ni Coraline pati ang hubog nito ay hindi puwedeng hindi siya kapansin-pansin. Marami na nga palang magagandang animated characters. Pangalawa, na-realize ko na napaka-creative ng simple twist ng story. Nakikita ni Coraline ang better version ng kanyang parents ang pinagkaiba lang ay mga butones ang kanilang mga mata.

Gusto ko rin yung presentation ng bawat kapitbahay niya. Yung mga old actress sa ibabang part ng bahay nila na olalala sa laki ng mga dibdib. At kahit nakakairita ang itsura ni Mr. Bobinsky (na nakatira sa attic) gaya ng tatay ni Coraline, nakaka-entertain naman siya.

Kung ako si Coraline at nakaupo sa mesa kung saan may gravy train at juice mula sa chandelier ay masaya rin ako. Matutuwa rin ako na makapanood ng libreng circus with matching cotton candy na makukuha sa parang kanyon at pop corn na iniluluwa ng isang parang manok. tapos ang ganda-ganda pa ng garden na gawa ng tatay niya na may korte ng kanyang mukha. Pero ayon nga hindi puwedeng ganun-ganun lang yun, may kailangang gawin si Coraline

Para ma-enjoy niya ng matagal ang lahat ng wonderful things kasama ng kanyang other parents and other neighboors.

lessons ni Coraline

Patalastas

-appreciate your parents kahit hindi sila ideal, love ka pa rin nila unconditionally.

– wag maging judgemental sa iyong kapitbahay.

-wala talagang perfect na mundo at sitwasyon, nasa sa iyo kung paano mo ito magmukhang okay sa iyo

-huwag kang maghangad ng sobra-sobra. baka yang dream mo ay nightmare pala

-hindi malas ang pusang itim at walang silbi ang gaya ni wybie.

-ang hirap ma-trap. hehehe

Sa voice, okay ang perfomance ng lahat ng artists like Dakota Fanning (Coraline jones), Teri Hatcher (Mel Jones), Jennifer Saunders (Miss April), Dawn French (Miss Miriam), Keith David (The Cat),John Hodgman (Charlie Jones), Robert Bailey Jr. (Wybie), at Ian McShane (Mr. Bonbinsky. i don’t like Teri Hatcher pero na-appreciate ko ang talent niya rito. Kung hindi ko alam na siya yung mama ni Coraline, hindi ko siya mare-recognize.

dahil sa mga ito…Like you na Corrrallline! by the way, ang stop-motion movie na ito ay adaptation sa novel ni Neil Gaiman.

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

22 thoughts on “Movie Review: Coraline

  • breisa

    hehe.. 😀
    Napanood ko na kagabi.
    May nakita akong lola na sobrang laki ng boobs at nag perform pa bilang dyosa! TAE natawa ako! Dapat ata itaas ng konti yung rating.

    • Hoshi Post author

      ayos napanood mo na.

      mataas naman ang rating sa akin ng coraline ah. hehehe

      at oo kaboom talaga ang mga boobs ng mga lolang actress na yan. kaloka sa performance at character eh. heheh

      mabuhay at thanks sa pagbisita!

  • breisa

    Waah panonoorin ko pa naman sana toh!
    Wahaha, nagagandahan talaga ako sa character designs.It kinda reminds me of Tim Burton’s Movies.

    ~breisa

    • Hoshi Post author

      go ahead Breisa, maganda siya kahit halimbawa hindi ka na bata.

      ma-a-appreciate mo yung simple pero naiibang story niya. hindi siya basta pambatang story.

      mabuhay and welcome sa Hoshilandia Jr!

      (balik-balik ka lang hehehe)

  • nhix

    hello hoshi.. patambay po.. serious mode ako sa pagbabasa ng post mo pero pagdating sa comment natawa ako sa sinabi ni ate salbe at kinorect ni kuya vaj..hehehe

    • Hoshi Post author

      hi Nhix! welcome sa Hoshilandia!

      oo hilarious talaga yang si salbehe! okay ang tandem nila ni Vaj. puwede na yang dalawang gumawa ng blog show. hahaha

  • orville

    kakatuwa naman.. hehe.. di ako familiar sa animation na yan.. sige panoorin ko.. although mukhang napanood ko na rin kasi sa description mo.. hehe. nagustuhan ko ang pag narrate mo ng mga lessons na matututunan mo dito.. kahit talagang napaka simple at di kanais nais ang itsura ng mga characters ay may matututunan ka.

    mabuhay ka talaga hoshi!

  • Vajarl

    I watched Coraline about two months ago kaya fresh pa ang story sa memory ko. Gaya mo, di ko ren inexpect na maganda ang movie. I have been a fan of dark fantasies since Pan’s Labyrinth, and even though this is nothing compared to Pan’s, I think the movie was worth watching.

    Nagulat den ako sa boombagaboom na boobs ng kapitbahay na na iistrip ang katawan. Shocking. Hahahaha.

    Saka gusto ko ng pet na black na pusa.

    • Hoshi Post author

      nakakagulat di ba yung boobs nila. napa-olala talaga ako sa lakas ng loob ng mga yon na maghubad. wahahaha!

      and yes you are right magadang ipanood sa mga batang suwail ang coraline.

  • salbehe

    Walang kinalaman ang koment ko, pero gusto ang pangalan na Caroline. Kung papipiliin ako ng pangalan na ipapalit sa pangalan ko ngayon, ito na yun – CAROLINE.

    • Hoshi Post author

      ay hindi rin poh. tamo nga kailangan manood pa ako ulit bago ako makumbinse na maganda siya. eh last kong panoodnito ay noong February pa. hehe

      mandadamay k pa ha! ikaw lang yun! nyahahaha.