The name of the game


Ang isa sa past time ko ay ang pagko-computer at ang past time ko sa pagko-computer ay paglalaro. Pero hindi ako kagaya ng mga batikan na magagaling sa mga computer games kasi ang kinakaya at kinahihiligan ko lang ay mga tipong: Bookworm Adventures, Mad Caps, Text Twist, Hangaroo, Fowl Words, Need for Speed at siempre ang pamatay na solitaire

Pero iba rin ang dating kapag pang-video game console talaga ng hawak mo.  iyong nintendo, psp at family computer. Promise, pinagtatawanan ako ng friend ko kapag nag-a-arcade kami. Kasi habang nagda-drive ako at namamaril ay unintentionally imbes na basta tapakan ko ‘yong break, yumuyuko pa ako. As if naman na kapag ginawa ko ‘yon hindi ako matatamaan ng kalaban.

Na-addict din ako dati sa Family Computer na kapag wala kuya ko ay yung console na pang- player1 ang hawak ko. Feeling ko mga winner ang gumagamit noon. Gustong –gusto kong laro doon  ang Battle City, Punch Out, at Super Mario 3. Gusto ko ang Mario 3 kasi may buntot at pakpak na si Mario. Sige lang ako ng pindot sa button B. hehehe!

Then nauso na rin ang brick game at game and watch. Wala akong maalala na ibang laro dito sa pangalawa kundi ang sumalo ng itlog na nahuhulog. Samantala, hindi na kami nagkaroon ng playstation. Chess na nilalaro ko noon o kaya Game of the Generals, pwede ring Bingo o Domino. Hehehe joke lang sa Chess! Pero alam n’yo ba na Pinoy ang nag-imbento ng Game of the Generals? Oo ngayon ko nga rin lang nalaman e.

Hindi ko man pinaghihinayangan na hindi magkaroon ng Playstation, may isa akong frustration at ito ay ang hindi malaro ang ATARI. At nagbalik ‘yang alaalang ‘yan dahil sa paghahanap ko ng picture ng lolo at lola ko (R.I.P. Mamang!).

Una akong nakapaglaro ng Atari sa bahay ng mga pinsan ko. Tuwang –tuwa ako na marami itong games at aliw na aliw doon sa hawakan na parang  Cambio. Dahil siguro nalaman ng tiyuhin ko  (na namayapa na rin, sumalangit nawa!) na gusto rin namin magkaroon, pinadalhan niya rin kami from Saudi Arabia. Tuwang-tuwa ako ng matanggap namin ‘yong balita. Pero ang siste, pagkaabot sa pinag-abutan na hindi ko na tanda kung nanay ko o yung tyahin ko ( na namayapa na rin) ay naibagsak ng bonggang-bongga. Hayun isa lamang siyang masigabong display since birth.   Biruin mo, namatay na yung nagbigay, wala na yung bahay na una akong nakapaglaro ng Atari at wala na rin ang saksakan nito pero heto nandito pa rin itong console na ito. Ay kinuha ko nga, isa na naman siyang part ng musem part ng room ko. Alaala na magsarap maglaro, kahit sa Restaurant City man lang. nyahahaha!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

30 thoughts on “The name of the game

  • cheese

    nagkaroon din kami nyang atari nung bata ako. padala ng tito ko galing kuwait. di ko na nga lang alam kung nasaan. basta naaalala ko, mas mabigat pa ata yung casing nyan kesa dun sa mismo electronics sa loob lol. astig ka kung meron ka nyan tapos gumagana pa. palagay mo sa museum hehe.

    • Hoshi Post author

      hi cheese and welcome sa Hoshilandia jr!

      oo lucky nga ako siguro kung gumagana pa ito. ang problema lang ay wala na yung saksakan niyan. yun naman kasi yung nasira talaga.

      mabuhay and salamat sa pag-visit.
      please come again!

  • mario games

    Hello, thank you for giving out that write-up. I like wii and nintendo online games too. For certain i will subscribe to this website and come back once in a while. I like trying to play any snes type games in addition to good old consoles. i found out nintendo had been doing a agreement to place lots of the original video games on an iphone 3gs or another cell phone? anybody found this information?

  • len

    Noong bata ako mahilig din ako sa family computer — Super Mario, Contra, Battle City at tetris sa brick game. Ngayon, naglalaro ako pero mga word games at trivia lang.

    Wala akong alam sa Ragnarok, Dota at sa usung-uso ngayon na Plants vs Zombies.

  • duking

    whahaha…parehas tayo.mahilig din ako sa laro at ayoko naman nung mga online games.hindi ako nag atari at family computer,wala kasi kaming pambili nyan pero nakikilaro ako.

    kaya nung nagka work ako,una kong pinag ipunan ang TV at playstation.tapos nun,lahat halot nung mga sumunod na console binibili ko rin.

    ang sarap talaga maglaro.it was like parang nasa ibang dimension ka lagi kapag naglalaro ka.

    • Hoshi Post author

      alam mo duking feeling ko, isa ka rin sa mga walking examples ng mga taong inilalabas ang angst or frustrations sa paglalaro. wahaha like ni tim.

      pero agree ako na masarap maglaro. pag nasa gitna ka ng laban nakakalimutan mo ang ibang bagay. nagawa ko na yan e, sa superwhatword. wahahaha

  • eloiski

    mga word game paborito ko yan. madcaps! bookworm ba yun! basta yun! text twist! winnerrrrr!

    isali mo pa nga dyan ang solitaire! hakhak!

    at ang minesweeper! kaadik lang!

    yan ang ginagawa ko kapag walang internet! hakhak!

    at isali mo na rin diyan ang super mario! hakhak!

    sa arcade dun ako tuwang-tuwa yung barilan at driving! oh kamoteeee! aylabbbbbbb!

    • Hoshi Post author

      damang-dama ko talaga ang pagkagusto mo ahhhhh

      hehehe oo nakakatuwa yung mga word game, hindi lang nakaka-excite parang feeling smart ka rin di ba?!

      mabuhay!

  • Vajarl

    Alam mo ba na recently ko lang nalaman na may game pala na Atari? Hindi ko alam kung bakit never ko yang narinig nung bata ako. Puro ren kase ako Famicom non. Hahaha. At gusto ko ren yung Battle City. Yung mga tanke diba?

    Sayang naman di ka nagka PS. Andaming games na nakakaadik don, as in kahit nasa college na ko nilalaro ko paren yung PS1 ko. Hehe. Tas yung mga games ilang ulit ko nilaro ng paulit ulit.

    Game of the generals? Pinoy? Hwaw!

    • Hoshi Post author

      talaga? oo okay yun atari kasi kahit walang bala eh makakapaglaro ka ng sari-saring laro. tas ayun nga yung console kakaiba. tama ka sa battle city, mga tangke nga yon. tapos yung isi-save mong base ay itsura ng eagle sa gold eagle beer. hehehe

      oo hindi na ako nagkaroon noon.okay lang, hihintay na lang ako kung may magreregalo. hehehe

      korek, pinoy nga ang nag-imbento noon. galing di ba!

  • kayedee

    nyayyy.. wla kong nilalaro sa cnb mo hoshi! ahaha..
    at ngyun wla n me tym sa games kht nga ung farm at cafe ko sa fb eh nastroke na! ahahah.. puro lng tsismisan ang inaatupag ko sa net ngyun! aahhaa

    • Hoshi Post author

      naku okay lang yun kayedee. walang mawawala sa iyo.

      yan na yan ang rason ko, bat hindi ko naisip ang bumili o magpabili ng playstation or iba pang kabagayan.

      that’s why past time ko lang siya sa pagko-computer. hehehe

      mabuhay!

    • Hoshi Post author

      eto pala e, napunta sa spam kasi baka nagkasabay kayo ni tim.

      anyway, honestly . hindi ko alam yang plant & zombies na yan na laruin. pero isa sa dahilan bat ayaw kong tingnan kasi baka ma-addict ako. dami kong kilala na addict dyan. hehehe

      congratz!

      • Tim

        Totoo, never pa ako nagkakaroon ng console sa bahay. Atari, Famicom, NES, SNES, Sega, PS1, PS2, PS3, as in wala talaga akong naranasan na ganyan, hanggang ngayon. Nung bata pa ako nakikilaro lang ako sa kapitabahay, nung college, sa apartment ng kaibigan ko ako nakakapaglaro ng ganyan.

        • Hoshi Post author

          paawa effect ka pa ha! pero sige paniniwalaan kita kasi nawi-witness ko naman yung pagiging addict mo sa game.

          ganun pala maglaro ang may angst sa buhay, ano?! buhehehehe! peace!

  • jason

    maganda pamangkin yung bookworm naadik ako dyan. ang daming monsters. hahahaha

    wahahah comedy naman yung nagdadrive ka! hahaha

    grabe lam mo umiiyak pa ko non pag tinitira tangke ko sa battle city kase nag sstop.

    laro tayo minsan!

    • Hoshi Post author

      oo tito, natapos ko na siya. dahil sa larong yan, may natapos akong laro sa buong tanan ng pagko-computer ko. heheheh
      pero naglalaro pa rin ako ulit. sayaahh eh. hehehe

      oo comedy talaga, kahit ako natatawa ako sa sarili ko.

      sure, pero pwede game of the generals hehehe