“Feelings have a way of finding their way out, and dreams have a way picturing the escape.
“To reconnect to the world of dreams is to remind ourselves, once again that life is a symbolic act, and that man is symbolic forming creature. To attend to our images is to attend to life, since it is in our images that we can discover our own myths or plots.”
–Dreams and the Search for Meaning by Peter O’ Connor
’m happy that hindi na ako masyado dinadalaw ng bad dreams as in. I think effective ang dream catcher na ibinigay nina Ka Ver at Jovy at dream catcher necklace ni Kuya Marcial. Pero aaminin ko na minsan wini-wish ko na wag na talaga managinip. Hindi ko pa kasi nararanasan ‘yon or matagal ng hindi nangyayari. Hindi ko na maalala. Sabi kasi sa akin ni Ate Rose kapag nanaginip ka hindi ka talaga nakakapagpahinga ng husto. Eh ganoon naman talaga feeling ko.
Ang kuya Marlon ko ang nagsabi sa akin na ang panaginip ay hindi basta panaginip. At sasabihin ko naman na kadalasan ay hindi kabaligtaran sa katotohanan ang mga pangyayari rito.
Hindi rin porke’t ibang tao yung subject sa panaginip mo ay ibang tao talaga yun. Dahil madalas ay ikaw din ‘yon, nakikita mo ang iyong sarili sa ibang angle. Mahalaga ring pansinin mo kung ano ang pakiramdam mo sa loob nito. Isa ka bang mahirap pero ang saya-saya mo or kasama mo ang ‘yong kasintahan mo pero parang nakakadama ka ng kalungkutan?
Well hindi ako magaling sa dream interpretation pero naniniwala ako sa quote sa itaas. Dahil mahirap yung maraming kinikimkim, nililihim at nagbingi-bingian. Basta masaya na ako ang makapanaginip ng maganda. Bow!
Basta ang alam ko lang kapag nanaginip ako, kumukunsulta agad ako kay Madam Charin. hehe
kawawa naman yang si madam, kung sino man siya. nyahahaha
ako din.. di na masyado nananaginip dahil ayaw ko rin…
pero totoo nga na may mga meaning ang panaginip… at ikaw lamang ang makakapag interpret nun at makakapag relate sa nangyayari sa buhay mo..
ay tama ka dyan ng binggang-bongga shea!
hay inaantok daw ako ngayon. hehehe
Ang tagal ko ng hindi nananaginip
Sa bagay hindi na naman ako natutulog, eh
aray ko, di bale ng managinip ako ng managinip kaysa wag lang walang tulog.
kaya pala ganyan ka paggiging ano?! hahaha