Mula nang bata ako at hanggang ngayon part ng pinapangarap ko ay magkaroon ng tree house na gaya ng bahay ni Peter Pan (yung cartoons every morning). Isang nagustuhan kong puwedeng paghalawan sa totoong buhay ay yong rest house ni Boy Abunda sa Batanggas (kung hindi ako nagkakamali) kung saan tree house din ang kanyang bahay at may hanging bridge pa.
Well, hindi ko alam kung nag-e-exist na ang punong pagtitirikan ng aking pangarap na bahay. Basta sa kasalukuyan ang gusto ko ay sana ay ma-general cleaning ko ang aking Purple Nassau(room), mapagawa ang bintana, magkaroon ng maayos na ventilation at ang ultimate, mapalaki ito. Siempre nandoon yung desire na magkaroon ng sariling bahay pero sa lahat ang hindi ko naisip noon ay ang mag-condo.
Na-realize ko lang ang kahalagahan nito noong naisip ko na okay ang condo para doon sa hindi pa sure sa trip na bahay, nagwo-work sa business districts gaya ng Ortigas at Makati, at doon sa mga single pa na hindi kailangan ng malawak na house space.
“Actually mas mahal pa ang kumuha ng bahay o apartment kasi kailangan mo i- maintain ang lugar by your own at ikaw ang mag-aasikaso. Unlike sa condo may property management group na mag–a-assist sa lahat ng needs mo. Kung gusto mo paupahan, ipa-renovate or simple ipaayos ang konting sira. 24/7 pa ang security at ‘pag may occasion nagagamit namin ang clubhouse para sa aming mga events at ibang facilities like courts, Internet cafe, pool at ibang amenities. Sa hotel naman napakamahal at once you checked in wala na pera mo pero sa condo kung mag- invest ka at paupahan, value for money talaga at hindi bumababa ang property value,” kwento sa akin ni Ate Maricel (Mrs. Cecille Gonzales-Bobadilla).
“At first gusto lang naming mag-asawa nang matutuluyan especially pag nagbabakasyon (we are expat from Dubai) kasi mas mahal pa raw ang makitira sa kamag-anak kaysa umupa. Napagdesisyunan namin na kumuha ng bahay pero mahirap makakuha ng house & lot sa Manila at napakamahal. Tama naman na may mga real state companies na dumalaw sa Dubai at naialok nga sa amin ang condo style of living sa may Parañaque/Bicutan. Nagustuhan namin kasi malapit lang sa airport, Makati, Muntinlupa, Baclaran. Convenient lalo na sa amin na limited lang ang time pag naka-vacation & nakita rin namin na in case na gusto na rin naming mag-settle for good ay malapit lang sa lahat like schools,malls,hospitals.”
Sa ngayon ay ipinaparenta nila ang kanilang condo na puwedeng daily, weekly, monthly o long term basis. Fully furnished o halos kumpleto na sa gamit kaya halos titirahan na lang ng uupa. Makikita ang itsura nito sa http://ceycel14.multiply.com. (oh di ba instant promote!).
“Naisipan namin parentahin para kahit papano while working kumikita ang place at anytime mag-vacation kami ay may matutuluyan at one thing, okay ang place sa mga tulad naming expat na may connecting flight pa or may friend abroad na gusto na agad makapagpahinga dahil ang lapit lang talaga sa airport.
Siguro nga wala pa akong pam-invest ngayon or malayo-layo ang itsura ng treehouse ko sa condo pero why not di b a? pareho naman silang nakataas sa lupa. At higit sa lahat libre lang ang pangarap.
tama kayong lahat libre ang mangarap pero hindi nu ba alam na mas malaki ang ating bahay doon sa langit kumpara sa mga town house, condo o tree house o kung ano ano pa dyn.sabi nga sa bible street of gold. oh di ba? nakisawsaw lang po, pasencia na.
tumpak ka dyan elpidio. walang papantay sa ganung kayamanan. yaman na yaman talaga.
Pwede rin townhouse mas mura yata ngayon yun kasi hindi na uso. LOL. Dati kapag nakatownhouse, mayaman, ngayon, condo is the new townhouse.
oo nga, bale ang gagawin ko na lang ay magpapgawa ng townhouse. yan ang aking biz for 2015. ah yeah!
mas gusto kong tumira sa ilalim ng higanteng mushroom.
ang totoo,wala din akong pera pero dahil libre ang mangarap,may blue print ako ng dreamhouse ko.ginawa ko ito nung high school.that time,ang estimate sa materiales ay 560K.ngayon after,15 years…balik na lang ako sa pangarap kong mushroom.
eh panghigante pala yang pangarap mo eh. hehehe
pero ok lang yan dream-dream lang. baka mangyari nga e di ba?!
naman
bakit may reference pa ke kuya boy?
dehins ko talaga sya gusto
nakakairita sya, eh
gaya ni kris
hehe
yes, opinionated ako ngayon
nyahaha
okay lang ay i-respect your opinion. by the way, matampuhin ako ngayon. at dahil dyan hindi ko na dadalawin ang blog mo at tatanggalin na kita sa mga facebook accounts ko. chuz, joke lang!
don’t worry bahay lang niya ang trip ko.
Noong nagrerenta pa ako ng kwarto, namamahalan ako kaya yun kumuha ako ng rent to own condo. Pareho lang ang presyo noong nagrerenta ako kaya keri lang. Ang punto ko? Hindi ko binasa ang post mo, gusto ko lang magkoment. Bwahahaha!
salamat ha! hehehee
ang punto ko at least dumaan ka sablog ko. pero mas magpapasalamat ako kung binabasa mo. hehehehe
Okay payn. Binasa ko na, ayaw ko magtampo ka pa. Mukha ka lang naman nagpo-promote. Bwahahahaha!
wahahha ayun oh, nahuli tuloy ako. hehehe
salamat-salamat-salamat! ayeee