Okay marami na ang nagbibigay ng tips ng how to blog, paano magpa-traffic sa EDSA este sa inyong blog (SEO), how to boost your Alexa/ Google page rank, and how to monetize your website. Puwes, hindi ko na sila susundan dahil unang-una hindi pa kataasan ang points ko sa mga ‘yan. Ang sasagutin ko na lang ay ang pagsi-share ng ideya ko about how to keep your passion in blogging.
- blog about why you are blogging and why you have blog – ang very first blog entry ko sa WordPress was about why I decided to blog (CLICK HERE ). Wala ‘tong masyadong hits, walang gaanong nag-comment at malamang, marami nang nauna sa akin ang na i-blog ang ganung subject. However, I’m very glad na ‘yon ang naging una kong entry. Why? Kung nawawala ako sa sarili, tinatamad, at naba-bad trip lagi kong binabalikan ‘yon. And I always realize na o nga pala I blog because I have something to share and I like to explore . Kaya siguro may Internet Explorer, ano?
- As much as possible, blog one subject per post – kaya may “as much as possible” kasi guilty rin ako sa pagpo-post ng mahahabang entry. But as a reader, nakakapula ng mata ang mahabang post na magulo. Ang isang point din ay kung ibubuhos mo sa isang bagsakan ang lahat ng ideya mo, may time na mauubusan ka ng topic na mata-tackle. Nakakawala rin ng momentum ‘yong tumatagal ka nang tumatagal dahil kung saan-saan ka na napupunta. Take note na hindi usapan dito ang iksi o haba lamang, kundi ‘yong halo-halong ideya sa iisang post. Taxi ka ba? Kasi napapadpad ka na sa Any Point of Luzon . :p
- Be creative, spice up your blog – minsan it’s not about how significant your message is, but how awesome the way you present your message. Kung tingin mo okay ang lagyan ng collage go! Kung kailangan may video, go! To tell you frankly, iilan lang ‘yong nakakatuwang sundan ang mahahaba nilang istorya (na puro text).
- Say hello to other bloggers – nasa sa iyo kung gusto mo magpapansin o hindi. But for me, I feel more alive when I have new visitors and comments. Siempre, dapat reciprocal ‘yan, isang step na makapanghalina ng visitors ay ang mag-visit sa ibang sites/blogs and mag-leave ng comment. I called it blog hopping ( malay ko kung may nauna sa akin sa term)
- Be yourself– along the way, may point na nagba-blog ka na lang to please your readers, para makadami ng hits, o kaya ay hindi bumaba ang standing ng blog mo. Congrats kung nakaka-survive ka pero kung parang burden na sa iyo ang pag-iisip masyado ng blog entry na makaka-attract ng interes ng iba, ay mahirap na ‘yan. Huwag mong i- revolutionize ang iyong sarili para lang maka-attract ng iba. Mas mapapadali ang blogging system mo kung ikaw na ikaw ‘yon at patuloy kang mamahalin ng readers mo. It’s very frustrating when you try to be someone else then the result is flop.
- Expose your positive side – I’m not saying na puro positive lang ang i-blog mo. Pero try mo na ‘wag namang negang-nega. Think first before you write and publish your piece, ito ba ay rant na pang- blog o okay nang i-journal na lang kasi napaka-emotional mo lang. Puwede mo namang sabihin na nag-movie marathon ka kasi heartbroken ka. Tapos nakakuha ka ng mga panalong punch lines na lalong nagpaiyak o nagpalubag ng loob mo gaya ng tinimbang ka ngunit kulang, bukas luluhod din ang mga tala, babangon ako’t dudurugin kita” or para kang si hitokirihoshi, pamatay ka talagang tumira – mga ganung effect!!!
- You blog, you learn, you enjoy – Alam mo ang swerte natin na nakakapag-blog tayo at nakakapag-internet. May avenue tayo para i-express ang ating sarili at makasagap ng iba’t ibang info na hindi basta hinabi kundi ikinuwento ng gaya nating blogger. So reciprocate mo lang at i-enjoy bawat journey, accomplishments mo bilang blogger.
Of course may iba pang tips ang mga experts gaya nung sa Wordcamp (CLICK HERE to read related entry.) at mayroon kayong sariling formula.
natutuwa ako sa blog mo. totoong totoo! more power and keep on blogging^^
Maraming salamat!
nakakatuwa naman basahin to ^_^… pero mas naaliw ako dun sa reasons mo sa wordpress.com blog mo ^_^… keep on blogging!
hi Grasya and welcome sa Hoshilandia!
Salamat-salamat sa iyong pagbati! at maraming salamat din sa iyong pagdalawa sa aking hoshi sr!
mabuhay!
great blog 🙂 xlinks? thanks sa visit sa blog ko =)
hi Kimm salamat din sa pag-visit! nangyari na ang xlinks natin. hehehe
mabuhay!
thanks sa tips. i have registered a new blog, for the nth time na actually. pero lahat yun sila naka-private. natauhan lang akong gumawa ng panibagong blog na for public viewing (:D) nung sinabi nung kaklase kong useless ang blog mo kung walang nakakabasa. para ano pa’t nagsusulat ka. hehehe.
isa akong amateur sa blogging, and i found these tips very useful. keep it up!
hi juyjuy and welcome sa Hoshilandia!
tamana naman ang friend mo kasi yun talaga ang pinagkaiba ng personal blog sa iyong personal diary. kaya naglalagay ng something sa web ibig sabihin open ko for communication and interaction na better naman kasi may natutuhan ka.
good luck sa iyong pagba-blog and salamat at na-appreciate mo aking mga tips! mabuhay at iwan mo sa akin ang link ng blog mo para mabisita ko rin 😉
Hi Hoshi. ‘Lam mo kapag nakakabasa ako ng mga ganitong post, naaalala ko ‘yung reason kung bakit ako nag-blog in the first place. medyo iba na ang takbo ng mga bagay-bagay sa akin since mag-karon ng “commercial” ang blog ko. hehe. Salamat sa mga ganitong post, salamat for the reminder. 🙂
Welcome po Mommy Yam! oo ako rin isang guilty rin sa bagay na yan, pero ayun lagi ko rin pinapaalalahanan ang aking sarili.
mabuhay po!
nice tips. thanks for sharing this. very informative. 😀
hi neil, welcome to hoshilandia Jr!
Thank you for appreciating my tips. I hope it helps you.
mabuhay!
ako din hindi naniniwala sa trapik at kung anu-ano pa yan
pero dating paid blogging ako
dumami pera ko
pero pakiramdam ko na-compromise ko naman ang content ng mali bay
content?!
hehe
happy weekend, hoshi
nasan na ang reciprocity?
tagal mo na akong di dinadalaw
nyahaha
dadalawin kita, abala lang ako sa mga kabagayan. ikaw pa, basta libre ako lagi kitang dinadalaw. malakas ka sa akin e hahaha
naks, naniniwala ako sa malakas mong arrive este traffic at kita. kasi mahusay kang mangulit e este mag-blog. wahahaha
mabuhay!
hehehe iba iba motibo ng mga bloggers kung bakit sila nagbablog… ako mas naappreciate ko yung mga blog na galing sa sariling experience nila at sariling kwento nila… di gaya nung mga topic na pwede mong masearch sa google… hehe!
agree me sa ‘yo Joyo pagdating sa pagkakaroon ng iba’ ibag motibo. Nirerespeto ko talaga yung mga bloggers na kinakarir ang kanilang mga bina-blog at nakakatulong sa nakakarami.
ang blog ay isang napakagandang avenue para sa atin, para maabot ang napakaraming tao na gumagamit ng Internet.
by the way, isa ka mga tinutukoy ko sa number 3… “iilan lang ‘yong nakakatuwang sundan ang mahahaba nilang istorya.”
I can’t stress the ‘be yourself’ part enough.
Lately I have been seeing a lot of people who write for the sake of getting more page views. Which I don’t think I wrong, their purpose for writing is none of my business.
But when you think about it, these people who fail at making an impression are the ones who disappear as fast as bedbugs sprayed with insecticide.
kumulot ang hair ko sa batok sa English mo ah, hahahah!
yes, di naman natin bini-blame yung mga gumagawa ng paraan na tumaas yung page views nila, kasi karamihan naman talaga eh yun ang gusto.
kaso nga lang siguro they do things that they cannot sustain or minsan masyado silang nag-e-effort sa mga kabagayan na hindi naman talaga nila trip.
mabuhay vajarl!
hello. sinagot ko na’ng tanong mo sa latest post ko. pambihira, patawa lang yon. exag na exag ang pagkakasulat para bombastic, hi, hi… 😀
di ko alam paano ilagay ang link ko dito.:s pero andito sa itaas ng box ang ika nga’y pook sapot ko. ‘kaw na lang lagay, pls. kung kailangan. teynks. :]
sige po at hahalungkatin ko yang blog post mo na yan. salamat po ulit sa pagbisita!
link ko na kayo dito sa hoshilandia jr. ko
mabuhay!
hello, hitoki.
like ko to pero di ko makita kung asan ang like button. asan ba, he, he…
hanak ng pating. may sarili ka rin palang domain. gano’n? 😀
teka pala, ako ba ng pinapatamaan mo sa mahahabang posts, aber? 😀
btw, meron pala akong post no’ng dec, ‘yong “ba’t mo naman napagdiskitahang mag-blog?” wala lang, baka related, hi, hi…
have a good week po. :]
hi po dooon po sa amin! opo, mayroon po at ito ang aking jr!
welcome po dito!
mayroon po sa itaas na like button, pang-fb button nga lang. hehehe!
hindi naman po, in general naman yung mahahaba at yun nga guilty naman ako dyan. as much as possible lang naman e. pero dapat maiksi kung kayang paiksiin.
pa-link po ng post nyo, para malaman narin ng ibang visitors ko dito.
thank you sa tip, hoshi. mula ngayon, susundin ko ang mga tuntunin ng aking napag aralan, paglilingkuran ko ang aking bayan ng walang pag-iimbot at buong katapatan, sisikapin kong maging isang tunay na pilipino sa isip, sa salita at sa ngawa! hahaha!!!
mabuti naman kung gayon ka duking! at nasisiguro ko naman,na maisasabuhay mo ang mga iyong ipinanata sa ating samahan.
mabuhay ka dukung!
hehehe!
Great post! Thank you for the tips, I’ll keep them in my mind.
thanks reut! i wish you are okay with the english parts.
welcome to hoshilandia jr!
Mabuhhay1
ako’y nagbabalik-loob. haha
Mukhang dahil sa mga tips na ito ay baka makapag-post ulit ako ng entry sa blog ko. 🙂
naku naalala ko tuloy yung premyo ko na one year blog hosting.na-forfeit na ata.
I strongly agree with your tips. You’ve just keep your passion in blogging burning, well that’s really “best”!
This is such a Worthy article. Why don’t you join the coolbuster’s contest? I bet you have all the guts.
Regards, Kira
wow! thanks kira for reading/ visiting my blog. i’m glad you find time.
for now, i’m not keen to join in that contest and i want to support you. furthermore, i’m concentrating in meeting new friends especially from “bloggers” hehehe
mabuhay!
Pingback: How to keep your passion in blogging | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI