Aminado akong hindi ako magaling mag-bike kaya hindi ako nagba-bike o mangarap pa na mag-mountain biking. Bukod pa sa wala akong bike o pambili man lang ay wala rin talaga akong oras para maisipang mag-bike.
At dumating na ang pagkakataon na kailangan kong hamunin ang aking loob na magmaneho ng sasakyang pang-lupa na ito na maganda na sa katawan ay mabuti pa sa kalikasan. Naganap ito sa Quezon Memorial Circle kung saan ang nagtulak ng bike este nagtulak na ako ay mag-bike ay isang Syngkit.
Puno ng agiw..ooops agam-agam pala ang aking isipin at tila pume-pedal ang aking puso nang ako ay nakasalang na sa hot seat. Ang daan ay sakto lang pero marami rin ang gaya namin na kenkoy na nagbayad ng 80-150 pesos para sa isang oras na paguran ng hita at magtyaga sa biking lane na umiikot sa mga magugulong nagpi-picnic.
Sa awa naman ay wala naman tumilapon sa pagba-bike ko. Dapat lang no, bawat isang pedal ko eh nagpepreno kaagad ako. joke! At hindi na rin ako namoroblema sa balanse kasi magaling akong pumili ng bike. Siyempre hindi single at para maiba naman sa sidecar ay backride ang kinuha ko. Nasa likod ko yung pabigat. Buhahaha!
Masaya naman po ang mag-bike. Nakaka-taas ng spirit kapag pababa ang daan. Pati buhok mo magugulo. At kapag pataas naman ang daan, kailangan mo ng fighting spirit. Isipin mo na lang pagbaba mo ng bike, pumayat ka na ng isang oras.
Mabuhay sa mga nagba-bike! Menus taba, menus gastos at menus sama kay Mother Earth!
Huli akong nakakita ng bisekletang dapat sakyan ay noong nakarating kami ng Baguio sa Burnham Park. Ginusto kong sumakay pero hindi ko nasubukan dahil hindi nabibiyayaan ng oras para gawiin yun.
Natuwa ako sa mga bikes noong natuto akong sumakay ng single bike lang. Hindi totoo yung mga sabi-sabing kailangan mo munang sumemplang bago ka matutong mag-bike kundi mas madali ka na sumemplang kung marunong ka na, feeling mo kase pwede ka ring sumigaw ng BABILOS, parang si Shaider lang, gaya ko, hindi kumpleto ang biking experience kung wala ka pang semplang!
Ang semplang, Bow!
bow talaga sa semplang, hahaha!
ako sumemplang na ata lahat, wala pa rin. hahaha! ilang beses na rin akong nakabangga at nabangga. wala pa rin. kaya siguro makontento na lang ako sa bike na may tatlong gulong. dun na ako magaling, hehehe!
mabuhay!
mas masarap sa single, hindi pa huli ang lahat upang matuto. Focus!
aray ko, yun ang una kong dapat matutuhan, focus. kulang ako noon.
hi, hoshi.
indi ako marunong mag-bike. sinubukan ko na a few times. hindi nag-enjoy ang bike sa ‘kin. :s
tambay rin kami noong araw sa QC circle. wala lang. wala namang gaano pang parks na pwedeng puntahan dati… ngayon, medyo meron na… 😀
ako rin naman, mas safe kang mag-try na mag-bike pag side car. hindi mo kailangan ng balanse. hehehe
alam mo rin pala ang qc circle. at least ngayon napatunayan ko na marami pa lang bloggers ang alam na ang pinagpo-post ko rito. 🙂
parang nagpapa-ikot ikot lang sa magkakalapit na lugar yung huling tatlong post ah? quezon city circle saka wild life. dati akong tambay lagi jan. way back my elementary days. lagi kaming nag jo-jogging. na try ko na rin mag bike once kaso inaarkila pa kaya hindi ko na inulit.
kamustasa hoshi? mabuti ka pa, pa bike bike lang at pa zoo-zoo… wow. parang ang sama pala pakinggan ng huli kong sinabi. lintek. makaalis na nga. whaaaa!
hahaha nadale mo ako sa paikot-ikot lang a. halata lang naman pag alam mo ang lugar. hehehe
hayaan mo hindi ko naman ako nagsasalita pag nagbabasa kaya hindi ko napakinggan.
mabuhay!
ang kyut!
hehe
sino o anong kyut? ayeeee!
ikaw ang kyut
ayeeee!
yan, very good! hehehhe
Napadaan lang kung ano-ano dito. Tricycle lang muna para sa iyo. 🙂
Na ala-ala ko lang noong bata pa ako at nagaaral mag bike. The most unforgettable moment was when I was able to ride without anybody running behind holding and balancing the bike.
To my excitement I padyak to the place of my friends to show off. Later, from there I realized I have not learned how to mount a bike yet by myself. Nothing to be proud of since I was never independent.
The next unforgettable experience was learning how to mount so to ride. Bikes were expensive in those days and they were usually big and tall for children since only adults owned one. 🙂
Hi Mang Dolfo and welcome in Hoshilandia!
Thanks for sharing your experience. oo nga nakakatuwa ang mapaandar ito ng walang tulong. kaya siguro ako hindi natuto, walang nagtyagang nagturo. hehehe
well bukod pa siguro na pinangungunahan ako ng takot na sumemplang at magkasugat. iba kasi nanay ko dati, gagamutin ka sa sermong sandamakmak.
at least lumaki akong maingat di ba?! hehehe
mabuhay at balik-balik po kayo!
“Kapag pataas, kailangan mo ng fighting spirit”… AT maskuladong hita. LOL.
ah kaya pala hirap na hirap ako, wala ako maskuladong hita. hahaha
may pinatatamaan ka bang kilala ko? buhahaha
Wala naman, nakapag-mountain biking kasi ako dati pa, mahirap talaga kapag paakyat kahit may gears pa yung bike mo.
ah malayo pa ako sa mountain biking di ko nga kaya ng single eh, yang ganyang level pa?
hehehe
Mabuhay!
Hindi ko alam kung saan ang QCM Circle, malapit ba yan sa UPD? kung yun yun, malamang nakita ko na.
Parang sa Burham Park lang pa la sa Baguio. Yun medyo alam ko kasi natira kami ng Baguio at may biking din kasi dun at roller blades lanes.
Marunong din akong mag-bike!
Yehey!
tumpak ka kuya, yan nga yon.
may roller blades sila dati kaso hindi ko na nakikita. okay na rin yun, hindi kasi ako marunong noon. hahaah
ang gusto ko dito ay mas naki-cater nila ang fitness para sa mga oldies at kids.
naks magaling mag-bike si kuya pong! mabuhay!
sabi ko na eh yun yung malapit sa UPD. yehey naman.
nakita ko na at napuntahan yan. xD
parang Baguio lang pa la na may nageexercise tuwing umaga. that’s good!
good talaga, dito nanay ko nag-e-exercise mahigit isang dekada na. ang nakakatulong yun sa kanyang kalusugan.
ngayon ko lang naisip na puwede palang ituring na may pagka-Baguio nga ito, ano?!
mabuhay!