Essay: Jose Rizal in me


Naniniwala ako na hindi tipikal na Pinoy ang mga katangian ni Dr. Jose P. Rizal. Exposed siya sa kaugalian ng ibang bansa, parang showbiz ang kanyang love-life, kinuwestyon ang kanyang pagsunod sa tradisyon ng Simbahan at kahit gumagawa siya ng mga bagay na masasabi nating may halaga sa Pilipinas, puwede rin namang sarili niya talagang interes na maging sikat na manunulat, doktor, scientists at artist.

Prayer Vigil for Jose P. Rizal
Luneta sa gabi

Hindi ko siya sinasiraan ha, dahil lahat naman tayo may sari-sariling pangarap na gustong matupad. Masasabi ko pa ngang sa lahat siguro ng bayani sa libro na namuhay sa panahon ng Kastila ay kay Jose Rizal puwedeng maka-relate ang mga kabataan. Tingin ko kung naabutan niya ang Facebook, tablets, smartphones at blogs ay mag-e-exchange link kami este iwe-welcome niya ang ideya.

Hindi man niya naabutan ang mga modernong bagay na ‘yan, masuwerte si Rizal dahil nabiyayaan siya ng katalinuhan at mga oportunidad. Ikaw na ang magkaroon ng monumento sa Germany, magpabalik-balik sa European countries at idamay mo pa ang Japan. Tingin ko nga kung nagpapakahirap ang ibang kalalakihan upang magkaroon ng killer body, si Rizal sapat na ang killer look and mind.

Tanong: Tingin mo ba ay may katangian ka na maikukumpara kay Rizal? Ako, oo, mayroon.  Nagsusulat ako (sa blog), nagtatrabaho naman ng mahusay (para sa pamilya at bayan), tinapos ko naman ang pag-aaral ko kasi gusto ko, nagwiwika ng wikang Filipino, at nangangarap akong maging maunlad ang Pilipinas. Pasado naman ‘di ba?

Happy Birthday Dr. Rizal!

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “Essay: Jose Rizal in me

  • butcher block countertops

    I do agree that Rizal is doing that all thing, not just for the goodness of Filipino country but also for his own interest..But the most important is everything his done of his life is really admirable to all Filipino people especially youth Filipino’s.

    • Hitokirihoshi Post author

      naku dahil dyan…dagdag yan sa pagkakatulad natin sa kanya. wahahaha

      yang sa fremasonry ngayon ko lang nalaman. hehehe

      pero in fairness nakakatuwa alamin ang org na yan.

  • Tim

    Patriotic naman! Magandang basahin mo yung libro ni Ambeth Ocampo tungkol sa kanya, dahil feeling ko magugustuhan mo yung perspective nya.

  • elpidio

    Dapat talaga nating hangaan si Dr. Jose Rizal at ipagmalaki, ang hindi lang dapat nating tularan sa kanya ay ang pagka chick boy nya di ba? marami ba syang pinaligayang mga babae o pinaiyak at pinaasa lang noong kapanahunan nya. Hindi po ako naninira nagtatanong lang po at nagsasabi ng kototohanan.

    • Hitokirihoshi Post author

      hmmma ayon po sa ibang nasagap kong balita…oo may pagka-chickboy nga po siya at yung true love niya ang pinaghalawan ng character ni maria clara.

      Kung naalala nyo yung character ni Elias at ang love life niya…ang isang nakapilas na chapter sa “noli me tangere” ay tungkol daw sa liberal niyang pag-iisip tungkol sa pakikipagrelasyon. ito ay ayon lang sa nasagap ko po ha.

      (sa mga teacher na may gustong sabihin bukas ang blog na ito sa inyong lesson este explanation. i’ll love it!)

      at oo wag gayahin ng mga lalaki kung chickboy siya. maghihimagsik ang angkan ni Gabriela.

  • Pong

    Yey na yey, Mabuhay!
    150 yo na siya kung nabubuhay pa!
    Dati yung prof ko sa SocSci 32 – Rizal, nagalit sa akin nung tinanong ko siya na hindi ba over na ang pagkakadescribe kay Rizal sa mga books. Nagalit talaga siya. xD
    Pero bilib ako kay Rizal napatunayan kong totoo lahat dahil kay Rudolf Virchow nung nag-aral kami ng Micro at Para. Though bilib talaga ako sa kanya. Isa siya sa mga nagpaliyab ng pagiging makabayan sa mahinahon na paraan, sampu pa ng mga ibang bayani natin.

    Mabuhay!