Naalala ko noong bata ako na gusto kong magkaroon ng tindahan na self-service ang dating at makukuha na lang ng mga customers ang kanilang items kapag naghulog sila ng barya. Oo parang vending machine ‘yong naisip ko pero noong panahon na ‘yon hindi ko alam na may ganoon na at ganun kalakas. Naisip ko rin noon ang magbenta ng mga newspapers at magazines pero hindi ‘yong naglalako sa daan kundi may puwesto talaga.
Hindi ko alam kung sadyang madalang o hindi lang nahahagip ng mapungay kong mata ang newspapers pero siguro matagal nang may newspaper vending machines. Natuwa lang ako nang makita ko ito sa QC Memorial Circle noong nagliwaliw kami doon ni Syngkit. Mukhang luma na ‘yong machine pero okay pa naman ang dating sa akin. Madali lang sigurong bumili dito dahil may instructions naman at basta ba may barya ka. Para bagang nagbabayad ka lang ng pamasahe sa LRT.
Malay ko kung magkano ang return on investment sa newspaper vending machine pero siguro malayo pa na patulan ko ito (bukod sa wala pa naman akong capital). Magtatayo muna siguro ako ng Computer shop or Canteen kasi tingin ko sa ganyang machine dapat dinadaan-danan talaga nung mga taong magbabasa talaga ng dyaryo. (so bawal mag-tune in sa AM Radio stations at news channels TV sa mga establishments ko?).
Pero kung sino man ang may pakana ng ganyang machine at nag-i-invest, More power and Mabuhay!
sana may blu-ray vending machine din
…para matuwa ang nag-iisang si Raft3r! bow
sa US madaming vending machine. sa isang hilera mga apat o lima na ibat iba ang carrier/name (hehe nkalimutan ko na twag dun). nakalimutan ko na kung saang bansa pa ko nakakita nun hehe.
for me ok na din na sina manong,manang,ate o kuya ang magtinda ng newspaper. tulong na din sa araw araw na gastusin.
naalala ko tuloy nung elementary pa ko, nung sa espana pa kami nakatira. may mag-asawa na matanda na nagtitinda ng dyaryo sa kabilang kanto. hanggang nung nagcollege ako nakikita ko pa din sila…. ='<
pati sa blog ulit-ulit din ang message? hehehe!
wow talagang sinubaybayan mo ang life ng kapit bahay ninyo ah. pero isa lang ibig sabihin nyan, nairaraos o kung di man ay malaki ang kita nila sa pagbebenta ng dyaryo. mabuhay sa kanila na nagtataguyod ng marangal na hanap-buhay at sa media industry.
wahaha talagang BOLD yung syngkit eh hehe… cool.
namimizz ko na yung mga liwaliw natin hehe…
may lagnat aku huhu =’0
lam mo sa US madami ko nakikitang newspaper vending maching… sa isang hilera mga apat o lima yun na ibat ibant carrier/brand/name (hehe nasa dulo ng dila ko ung word eh) nakalimutan ko na kung saang bansa ko pa nakita mga machine na yun eh….
siguro ok na din kung sina manong at manang ang magtinda ng mga newspapers para atlis makatulong sa kabuhayan nila diba…. ( ”,)
naks dagdag kaalaman yan a. and yes agree ako na mas magandang sina manong at manang na lang muna para may kabuhayan naman ang mas maraming Pinoy.
pero kung sa isang establishment ilalagay yan puwede na rin.
pag may lagnat ka pala sinisipag kang mag-comment?! hehehe
oo nga e, makahanap din tayo ng time at tamang mga kalugaran. hehehe
medyo said pa kasi ang kaban ng bayan ko. hehehe
pero ang harry potter natin. pusa kung kailangang mangutang ako sa bangko gagawin ko makapag 3d lang. hehehe (pero over naman yun)
Hoshi, ako hindi pa nakakakita ng ganyang vending machine na dyaryo ang inilalaba. Saka taong-bundok kasi ako kaya takot ako sa mga ganyang teknolohiya hihihi. Yung sa MRT nga na vending machine ng card dati, nakupo..ngatog tuhod ko dun habang bumibili ako dun sa machine hihihi. ewan ko pa pero I get intimidated sa mga ganitong innovation hehehe. Sanay na sanay lang siguro ako sa sari-sari store sa may kanto namin haha!
ako rin kaya ako nag-e-lrt dahi dyan sa bagay na yan. asar pag wala ka barya. hehehe
oo naman iba pa rin ang business o service na tao ang kausap mo. with human tats talaga. hehe
nakakatuwa lang talaga ang dating ng mga yan pero nakakatakot gamitin sa umpisa. mabuhay!
medyo mahina na ang “paper newspaper” dahil mas prefer ng karamihan ang manood sa tv at mag-online. free pa.
tingin ko mas patok ang pagkain na ibenta sa vending machines. a good location is inside the school, or any place na may (madaming) foot traffic. just my two cents. 🙂
mabuhay apollo, welcome sa Hoshilandia!
agree ako sa idea mo about sa biz ng newspaper at vending machines. sa palagay ko medyo matagal ng dehado ang mga newspaper compare sa ibang media. mabuti na lang talaga ay may loyal market ang mga ito na nagtatyaga. sana lang ay hindi sila maubos at patuloy na dumami. iba pa rin kasi ang nababasa sa napapanood at napapakinggan.
yes kung ang traffic ay abala sa daan sa mga may negosyo ang good traffic ay good sign.
mabuhay!