Need for Speed: Underground


Ewan kung maniniwala ka pero para sa akin, in a way, sa paglalaro natutupad na kaagad yung gusto kong mangyari. Kung sa Restaurant city ay nakakapag-manage ako ng (ahmmm) apat na restaurants, sa Need for Speed ay nakakapag-drive ako ng magandang car. Take note hindi lang basta drive, car racing ito.

Dati ko pa naman nalalaro ito kaso nang ma-reformat ang obsolete Pentium 3 namin ay isa ito sa mga nawala.  So nung may chance na NFS ang kauna-unahang computer game na pina-install ko kay Hugh (salamat nga pala kay Ka Ver). Underground na lang muna kasi dito ako may unfinished business. Saka na ang NFS: Most Wanted at NFS: Undercover (‘di ko pa rin naman ma-install ‘yong pinahiram ni IamStorm.)

Ang nakakatuwa ay saulo ko pa ang mga shortcuts at effective pa rin naman ang paggamit ko ng Miata kapag drift na ang laban. Likot –likot kasi ng kotseng yan na pihit ka ng pihit kaya points ng points kahit bangga ka ng bangga. Hindi naman ako partikular sa magandang itsura doon ako sa performance, yung speed at handling. Pero ayoko nung mailiit ang nguso, di masayang ipangbangga matatamaan ako kaagad. Hehehe

Pinaka-stupid na ginagawa ko? ‘Pag naiinis ako, bumabalik ako sa starting line tas hihintayin ko yung mga kalaban ko tas haharangin ko silang matapos.  Lalo naman akong napipika kasi parang wala lang sa kanila, hindi lumalaban. Hehehe.  Nakaka-addict pati pag lagi kang nananalo, more-more! At pag lagi ka naman natatalo, baka makuha ko pa, encore – encore!

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

12 thoughts on “Need for Speed: Underground