Hoshilandia is now accepting disc phonograph donation


Disk Phonograph or Plaka

Disk Phonograph or Plaka

Bago naasar ang iba sa pagdadala ng floppy disk at diskette na ngayon ay na-convert na sa isang powerful flash drive or portable hard disk para sa computer. May tatalo ba sa plaka (record disc or a phonograph record) nila mi papa y mi mama pagdating sa music? Oo bago puwedeng i-download ang music ay super big plate sa pagka-analog ang mga lalagyan ng mga kanta dati.

Kamakailan ay ‘di sinasadyang naka-acquire ako ng new player. New nga bang matatawag eh hanep sa pagkaluma? Hindi naman kasi sa panghi-hip hop ng kwento ay recording tape na talaga ang naabutan ko. Kung makakita ako ng plaka or yung mas maliit na version nito ay talagang vintage na sosyal na ang character. Noon ang impression ko ay sa mayroon nito ay pihadong mula sa buena familia o nagko-Conservatory of Music. Pero sa memory ko ang naglalaro lagi ay yung sa lumang commercial ng Bear Brand. “Lola let’s dance.” (http://www.youtube.com/watch?v=5sEt0IH0o8A)

Phonograph Player  (3)Hindi na nagagamit pero tingin ko gawa pa naman. Kailangan ko na lang subukan.  At hindi ako excited na mag-play ng CDs at tapes dito kundi mag-play ng plato este plaka.  Kaya sa may mabubuting kalooban na nais na ipamigay na lamang ang kanilang plaka, tumatanggap ako ng donasyon.  Puwede rin kayo mag-refer ng murang bilihan. Mabuhay sa musikang classic!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

21 thoughts on “Hoshilandia is now accepting disc phonograph donation