Time of My life with Black Eyed Peas


Excited ako nang malaman ko  na may Black Eyed Peas live in Manila 2011 pero napaurong ako dahil ‘di ko gusto ang nakatayo sa SM MOA Concert Grounds. Mas trip ko ma-experience ang Araneta Coliseum.

BEP live in Manila concert ticket Chances.

Sa isang contest na ang premyo ay gold ticket ko idinipende ang aking chance. Talo ako kaya iGive  up na ang drama ko sa pinaka-ultimate international artist (alive) na gusto kong mapanood sa concert. Pero sa mismong concert date, nag-tip sa akin si Florenda Corpuz na may kakilala s’ya na nagbebenta ng VIP B ticket for only P3500. Hayun  lahat ng kasama ko ay ini-encourage akong manood because “they know!”

FB comment ng taon “Yes 3500 is 3500 for me… pera ‘pag once in a lifetime ang chance…priceless ‘yan”

God’s gift to me

Kim BamSi Kim Bam ang nagbenta sa akin ng super below price na VIP B BEP concert ticket na 8K ang original value. Napanalunan n’ya ito sa isang contest na mala-Amazing Race sa paghahabol nila sa may hawak nito. Hinayang na hinayang din na siya di makapunta pero dahil dun may isa siyang BEP fan na- touch ang buhay .hohoho! Xie Xie Kim Bam!

Pre-BEP concert 

6pm nang binuksan ang gate for audience.  Okay naman ang mga front acts na Faircatch, Hip Hip group from Dumaguete (di ko sure kong Midnight Nasty ang name), Urban Nation, at girl group Blush na  binubuo ng isang Japanese, Chinese, Korean, Indian, at Filipina.  Trip ko ‘yong group from Dumaguete at Blush.  Sana ay magkaroon sila ng sarili nilang identity.

Witnessing BEP’s Live Performance   

Expected na ang wild reception ng audience. Noong una  iritable ako sa dalawang malaking bata na inunahan ako sa puwesto. Pero habang tumatagal  nakakasipat na rin ako ng magandang view lalo na’t nasa unahan talaga ako ng VIP B right side.  Tanaw na tanaw ko pa sila Taboo, Will.I.AM, Fergie Ferguson at Apl.de.Ap. Mas malinaw pa nga natatanaw ko kaysa sa digicam ko na hirap paniwalaan na nakatodo zoom in na.

BEP 1

Pamatay ang costumes ng BEP na metalic at de-ilaw na parang sa Robocap o Terminator. Sa boses, hands down na talaga ako kay Fergie. Sa comedy at pagiging sweet, winner d’yan si Will.I.Am. Si Taboo medyo hindi ko gaanong ramdam pero bilang part ng group, hindi puwedeng wala siya.

Patalastas

i heart u fergie the big screen

Mabuhay Apl.de.Ap –

Proud talaga ako kay Apl.de.Ap. Hindi lang siya sikat internationally kundi talagang nagmamalasakit sa ‘Pinas. Bilang Pinoy, siya ang highlight sa concert. Ilan sa hindi ko napigilang kumanta’t sumayaw ay noong inawit n’ya na ang Bebot, Mare at The APL  Song.   Nakaka-touch ‘yong advocacy niya sa education na makikita sa music video na We Can Be Anything.  Suportahan natin siya!

we can be anything 2

Post BEP

Walang espasyo sa sarili ko ang panghihinayang bagkus I’m very thankful kasi isa itong masayang point ng aking 2011, ng aking pagiging mahilig sa BEP, sa pagiging Hip-Hop at at pagiging single. Puwede na nga akong mag-asawa next week e. Joke! Wish ko sana may chance na ma-m eet & greet ko ang BEP.

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

20 thoughts on “Time of My life with Black Eyed Peas