Visita Libingan: Exploring Famous Cemeteries and Graveyards in the Philippines   updated!


Na-amaze ako sa isang article mula sa Tulay (Chinese Filipino Digest) na nakuha ko sa Bahay Tsinoy. Nandoon ang mayamang kuwento ng Chinese cemeteries sa bansa. Kung ngayon ay extravagant ang mga nitso at mausoleum ng mga ito, noong Spanish at Japanese invasion sa Philippines ay sensitive issue ito. Gustuhin man kasi nilang magkaroon ng disenteng libing para sa kanilang yumaong kaanak, pati patay nila ay may discrimination ng mga Espanyol at sabit sa political tiff ng China at Japan noong mga panahon na ‘yon.

Hindi lang naman ang mga Chinese ang nagkaroon ng burial problem. Hindi nga ba’t dumaan din sa butas ng karayom para mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.?

Bukod sa nakakatakot, pakiramdam ko ay meaningful ang bumisita sa mga sementeryo. May ilan ay maraming kasaysayan at mga sikat ang nakalibing sa mga iyon.

Manila Chinese Cemetery

Ginusto kong subukan namin ni Syngkit na mag-cemetery hopping, kaso kami rin ay feeling weird sa balak namin. Paano Chinese cemetery pa lang tensionado na kami. Iyon naman pala puwede namang mag-tour doon. Gusto ko pa naman makita ang puntod nila Josefa Llanes Escoda, Don Carlos Palanca at iba pa. Alam n’yo bang sa Manila Chinese Cemetery unang inilibing si Gat  Apolinario Mabini?

chinese cemetery

Paco Cemetery

Matagal ng walang kalansay este nakalibing sa sementeryo na ito, like century ago? Pero kung papasyalan ang lugar kung saan ang pinaka-focal point ay ang cute na cute na Paco Park Church o St. Pancratius Chapel, may kakaiba pa rin itong dating. Animo’y nililibing ka ng nakalipas este tumutulay ka sa bakas nang unang panahon.

Alam n’yo ba  na rito unang pinuwesto ang labi ni National Hero Dr. Jose Rizal? In fact, iniba pa ang initial ng name n’ya para maligaw ang mga Espanyol. Dito rin nakalibing ang Three Martyred Priests – Father Jose A. Burgos, Father Mariano C. Gomes, at Father Jacinto R. Zamora.

paco cemetery 3 _ tres marteres
Puntod ng Tatlong Pareng Martir sa Paco Cemetery

Cemetery of Negativism

Kailangan bang seryoso ang libingan kung puwede namang satirical na lang?  Ang sementeryo na ito na kilala ring The Lost Cemetery or Pet Cemetery ay matatagpuan sa loob ng Camp John Hay sa Baguio at tapat lamang ng Bell House. In fairness, nakakatuwa at talagang tatamaan ka sa mga nakalibing dito lalo na sa mga pamatay nilang epitah.


baguio _ cemetery of negativism 3

Quezon’s Tomb (Quezon Memorial Circle)

Dito na ang final destiny ng mga labi ni dating Pangulo Manuel L. Quezon. Pumanaw siya sa New York at dun muna siya sa Arlington Cemetery. Two years bago naiuwi sa Philippines ang kanyang bangkay na dumaan muna sa North Cemetery. Hanggang sa kamatayan mahilig sa travel si Ex. Pres. Quezon, no?

Luneta o Rizal Park  

Ito ang libingan na markadong-markado sa kasaysayan at turismo. Ang huling hantungan na ito ni Dr. Rizal ay talagang namang tourist destination at famous landmark sa ‘Pinas. Nakaka-curious lang parati yung dalawang guardia na laging nagbabantay dun.

Luneta
wala pa yung epic photobomber

Nakarating na rin nga pala ako sa sa Nagcarlan Underground Cemetery sa Laguna, na isa ring tourist spot. Samantala, gusto kong i-explore ang Camiguin Sunken Cemetery, Libingan ng mga Bayani at Libingan ni Cristo sa Israel.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

10 thoughts on “Visita Libingan: Exploring Famous Cemeteries and Graveyards in the Philippines