Nitong nakaraang araw ko lang nabasa ang Meralco Handbook for Residential Customers (2009 edition).Pero I know deep in my pocket mapapakinabangan pa rin ito ng bongga lalo na sa mga talagang nagbubuwis ng pang-gimik para pambayad ng kuryente. Isa pa hindi lamang ito tungkol sa gastusin kundi upang makatulong na rin kay Mother Earth.
Pay online
Pero before anything else, share ko na muna maaari kayong magbayad online sa Meralco, PLDT, Maynilad at iba pa. Ito ay lalo na kung kayo ay naka-online banking na mayroon naman na sa halos lahat ng bangko gaya ng Metrobank, BPI, PNB, BDO etcetera. Ginagawa ko na rin ito at so far wala namang problema. Isa pa ay mayroon na rin silang autodebit na automatic na kinakaltas sa inyong fund or balance kapag nagbigay ka ng signal na “oh MVP’s staff ibawas mo na ‘yan sa account ko.” Sa Meralco mayroon silang tinatawag na Automatic Debit Arrangement (ADA) so check n’yo na lang. Para safe, i-print na rin ‘yong pinakaresibo o statement na ibibigay ng bangko para may evidence na marunong kayong magbayad online. Hehehe! Although pinapaldahan din kayo ng copy nito sa email.
– “The monitor is responsible for 60% of your computer’s energy consumption.” Akala ko dati CPU ang malakas, wrong pala. So kung magbi-break o magku-kubeta rush, better na isara muna ito. “Screen savers don’t save electricity: they prevent phosphor burn-in on the screen.” Feeling ko nakakabagal lang din ang screen saver.
– Hindi ako fan ng LCD monitor dahil sa tingin ko malabo ang kulay dito pero ayon sa Meralco mas less daw ang energy ang kinukunsomo nito. Kung ‘di ka rin lang naman graphic/ animation artist, mag-LCD ka na.
– “Get the right monitor size for your needs.” Again, magandang isakto lang sa kislap ng mapupungay mong mata ang monitor. Mas malaki ang ginagamit na monitor mas malaki ang kinakain nitong energy. Pabor sa akin ito, in fact, sa word lagi lang ako naka 80-90% zoom dahil nasisilaw at nagugulat na ang mata ko.
– “Don’t use standby mode, which uses the same amount energy.” Pag-aralan mo ang power saving features ng PC. For me, importanteng malaman ito lalo na kung ikaw ay naka-laptop at battery ang gamit. Magandang mag-game mode at movie mode kung nakasaksak ang computer.
– 15 minutes is 15 minutes. Maraming naikot ang metro ng kuryente mo kung hahayaan mo lang ang iyong PC na nakabukas at hindi mo naman ginagamit. (guilty ata ako dito Meralco, huhuhu).
– “Invest in energy -efficient computers and printers, which save up to 90% electricity.”
I think magandang gamitin o bilhin ‘yong computer na bagay sa iyong pangangailangan. Kung makakabili ka nga ng mura pero laging palpak, wala rin. Gayon din ‘yong bibili ka ng mahal at maganda pero hindi mo naman magamit ng tama. Iba pa rin ‘yong sakto lang, swabe sa budget and environment.
Ang pagkakaroon ng PC ay hindi hadlang para makatulong ka sa sustainability ng ating environment.
It is important that we consider these energy saving tips para mabawasan ang excessive energy consumption na nag-contribute sa pag-init ng ating planet.
Hindi ko masasabi na hindi energy saving yung ‘stand-by’ mode ng PC kasi na-try ko na i-monitor iyan using a power meter. Masmababa lang ng ilang watts yung consumption mo compared sa naka-ON and idle. Yun nga lang mag-depend pa rin iyan sa build ng PC na gamit mo. I just upgraded my PC to the latest green tech on PCs.
hi Techie Bro and welcome sa Hoshilandia jr!
good thing na na-upgrade mo na ang iyong pc. mas high tech and ma friendky kung baga sulit na sulit ang iyong ibinayad.
and yes, mahalaga na i-consider natin ang paggamit ng enerhiya kasi tulong na ito sa kalikasan at sa ating bulsa.
mabuhay!
Naks, may ganun pa! Malakas talaga sa kuryente ang lumang mga monitor. Saka ang tip ko pang dagdag ay patayin na lang yung monitor halimbawa matutulog ka at may dina-download. Maganda rin na kapag laptop ay paminsan-minsan ay ubusin yung battery para ma-recharge sya – that way, nakatipd ka rin ng kuryente kahit papaano kasi battery lang ang gagamitin mo, tapos sa susunod kasabay ng charging yung paggamit mo.
ginagawa ko yang pag-ubos sa battery at pagsabay sa paggamit ng laptop habang nagtsa-charge. lakas talaga nang monitor ano?!
Isa na sa needs ng Pinoy ang kompyuter, paminsan walang mabisang energy saving tips kundi ang “back to basics method.
Alam ko imposible lalo sa panahon ngayon na mabilis ang pag-usad ng teknolohiya kaya paki-disregard na lang ang suggestion ko.
Mabuhay!
hahaha, hindi naman masama ang iyong back to basic method, talaga namang effective kung patipiran ang dating.
pero para doon sa talagang pangangailangan talaga ang computer may ways na ma-less man lang ang kabulang nako-consume na energy.
i think marami pa tayong maiisip na kung saan tayo makaka-less o makakatulong, Pinoy tayo e. mabuhay!
tulad mo, isa akong green minded. may i add these tips if you may:
– hanggat maari, do not print your receipt. kuhanan nyo na lang muna ng screenshot yung payment receipt then save it to your computer. kung nagkaaberya, saka na lang magprint ng receipt. sayang ang ink, saang ang papel. to take screenshot, press the “printscreen” button then paste it to paint or ms word then save. there are other programs as well that you can use like one note or snag it.
– lcd consumes less power than the crd monitor, but the led consumes the least. kung kaya naman ng budget go for the LED. best ang quality at least power.
go green guys!:D
wow nice tips apollo mas makaka-less ng energy at gastos the better.
tama i use print screen din lalo na sa mga very important documents para additional na proof. may isa man lang tayong ma-save na puno ay mas maganda.
at least bukod sa LCD ay may iba pang choice ang ga green guys.
yeah go go go green!