Exploring Philippine Military Academy


Trip ko ang naka-camouflage na short or T-shirt para kasing astig. Pero hindi ko naman mag-trip magsundalo. Alam ko na ‘yan since high school dahil lagi akong kulelat sa CAT (Citizens Army Training). Sumama pa nga ako sa school band namin para lang makalusot, wala din.  Hay High School! Pero noong nagpunta kami ng Baguio, isa sa pinuntahan namin ang tourist destination din na Philippine Military Academy.Baguio PMA Museum uniforms of Cadete

Machong-macho ang dating ng buong campus ng PMA na nasa Fort Del Pilar, Baguio City.  Malinis, presko, maberde – sa dami ng mga puno’t halaman, may mga firecrackers este sample ng firearms, sasakyang pandigma at maraming bulaklak. Doon pa lang, makikita mo na may disiplina ang pamununan ng PMA lalo na sa kalinisan at pagpapanitili ng kaguapuhan ng kanilang kapaligiran.Baguio PMA

Isang exciting na puntahan dito ay  mga souvenir shops.  Natural napabili ako ng  camouflage  t-shirt ng PMA. Palagi kong  sinusuot ‘yon dati pero dahil may nakapagsabi sa akin na delikado at ipinababawal na, hininto ko na.  Pero katwiran ko doon bakit naman sila magbebenta mismo sa loob kung ipagbabawal naman pala.  Anyway, sumunod na rin ako baka maging mitsa pa ng buhay ko ang t-shirt. Ingat na ingat na ako  sa pagka-camouflage ng prettiness  ko. chuz! Peron bumili ako ng mugs at caps na may logo ng PMA, iyon ang  hilig kong i-collect o ipang- souvenir items.Baguio PMA  Cadete's hat

Malawak ang training grounds na nakita ko, may nakita akong mangilan-ngilan na nagsasanay at masarap silang pagmasdan. Nakakapangmuni-muni lang na siguro ilan sa mga ito sasabak sa bakbakan, may iba magiging mataas na opisyal at siguro ang hirap ng training nila pero balewala sa kanila kasi gusto nilang mapasama sa Armed Forces of the Philippines.Baguio PMA Museum

Medyo napaghahalo ko sa aking alaala ang PMA at Camp John Hay , pero hindi ko makakalimutan ‘yong favorite spot ko dito sa PMA, ito yong tree house. Pangarap ko kasing magka-tree house. Saka yung  military guard na ready na magpa-picture sa akin, di ko raw nakuha ang name.

Mabuhay po sa PMA!

[hana-code-insert name=’Baguio Travel Book’ /]

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Exploring Philippine Military Academy