Bukod sa Mix-Mix in the point-point este halo-halo sa mga turo-turo at mga kalye, sa isang fast food lang ako nakakatikim ng akala ko ultimate halo-halo na. Pero ako naman ay basta naman maraming milk na turo ni Manang Juling ay masarap pa rin sa akin ‘yon lalo na kung may ube halaya, leche flan at 2 scoops ng ice cream.
Ang Halo-halo ng Razon’s of Guagua or Razons Food Corporation ay ipinakilala sa akin ng dati kong co-worker na si Ate Rose. Hindi siya makulay tulad ng karaniwan pero masarap. Pino ang pagkakakayod ng yelo, leche plan ang topping,matamis na buko o macapuno ‘yong nasa ilalim. Hindi ito over sa tamis at madaling nguyain. Iyon din ang pinagkaiba nito sa iba for me. Hindi nakakabasag ng panga ‘yong yelo at magatas na.
Noong una medyo parang ‘di sulit sa akin itong halo-halo nila, pero nung nagtagal basta may time, budget at stress napapahalo-halo ako sa Razon’s. Saka for me good thing ‘yong naipagmamalaki nila yong pinagmulan nilang probinsya. Para bagang kung hindi mo alam ang Guagua dati, ‘pag napakain ka ng halo-halo sa Razon’s, ‘lam na!
masarap nga sa Razon’s. madalas kami kumain dati ni Tim nung nasa Tarlac pa ako, fave din ito ng mga pamangkin ko. hindi sya yun nakasanayan nating halo-halo na madaming sangkap, kahit konting sahog, malasa at yummy. 🙂
hi Donna! thanks sa pagbisita sa Hoshilandia!
correct hindi ito maligoy sa kulay at sahog. diretsong sakto sa panlasa sa mahihilig sa halo-halo!
mabuhay!
hello, jec… musta?
ahaha, mahilig rin ako sa halo-halo ng razon’s. gusto ko kasi, kokonti lang ang sahog, mas nalalasahan ang timpla. sa ibang halu-halong ang daming matatamis na ingredients, parang nalulula ang taste buds ko, ahaha…
hmmn… nakakapunta ako noong araw, as in noong araw, sa guagua. ang natatandaan ko ay iyon ang isang lugar na ang daming tanim na sampaguita at ilang-ilang. livelihood ‘ata ng mga taga-roon… 🙂
naku ate hindi ako si jec, hoshi po! hehehe
korek yan ang naiiba sa halo-halo na yan masarap sa tamang timpla.
hindi pa ako nakakarating guagua at dahil sa razon’s at sa comment mo parang gusto ko na atang bisitahin.
sarap nga jan! taga jan erpat ko pero minsan lang ako nakakain ng halo halo jan at masarap nga 🙂
hi LordCM! Naman masarap talaga ‘yan. siguro masarap ding magluto ang erpat mo. ganun kasi ang impression ko sa mga Kapampangan magagaling magluto.
Sosyal naman, sa Razons pa talaga kailangan kumain ng halo-halo! Hehehe.
hindi naman, kaya nga espesyal na nai-blog kasi nakakuha ng pagkakataon.
saka masarap nga
great site ha, bilis ng loading, visiting thru bloggersdotcom
salamat air sa iyong pagbisita!