Personally, isa ang domino sa mga nagustuhan kong board game (kahit wala namang board). Natutuhan ko siguro itong laruin noong ako ay nasa elementary. Maigi itong pampalipas oras kasama ng mga kalarong hindi magagaling sa street games like piko, pantintero, agawan-base , at lalo na chinese garter. Talagang lalo na yang huli. Ewan, mas nakayanan ko kasing tumalon nang mataas sa 1-20 kaysa dyan na parang pang gymnastics.
Naisipan ko na bumili ng domino para sa aking mga pamangkin. Napansin ko kasi na excited naman sila sa mathematics (buti pa sila) at kailangan lang nilang maturuan. At dahil ako ang tita nila, mas gusto kong maglaro- joke lang (half-meant)- kami ng game na may matuturuan din sila kahit simple lang.
Sa larong domino kasi ‘di ba ay magbibilang ka lagi ng dots sa mga domino piece. Ima-match mo sa ibang maglalagay nito sa board at makakabuo na kayo ng pattern. Mag-a-add ka pa sa huli para malaman kung sinong kulelat, I mean loser L-) !
Isa pang taktika rito ay kailangan mong mapigilan ang kalaban na maglabas ng piece habang ikaw baba ng baba ng iyong mga domino. Para sa akin the best ‘yong mga double numbers gaya ng 5-5, 4-4, 3-3, 2-2, 1-1 at_ -_.
Nag-search ako at rekomendado rin pala ito ng iba na ipanlaro sa bata. Pero siempre puwede rin naman ito sa adult. Saka isa pa palang paraan ng paglalaro nito ay pagkakaroon ng boneyard. Ako kasi magtatabi ng isang piece tas lahat na hahatiin sa mga manlalaro. Iyon pala pag 3 or more players ay tig-five domino lang. Iyong the rest itatabi sa side o tinatawag daw nilang boneyard at gagalawin lang ‘pag walang mailagay sa board. ‘Pag ‘yong nakuha dun sa itinabi ay wala pa rin, sorry, pass na lang.
Nakakatuwa naman dahil ayos naman ang reaction nila sa tig –40 pesos na nakayanan ng bulsa ko. Saka wala silang humpay sa kakabilang ng dots, ng kanilang domino at kung ilan pa yung hawak ng bawat isa. Ang punishment sa matatalo ay punasan ng baby powder ng bumango naman kahit talo. Hehehe! Sila pa mismo ‘yong nanghiram kinabukasan para sila-sila na ang maglaro (at itsa puwera na ako).
Ehem..
Domino pala ang topic, ndi calcu. Pasensya na.
LOL!
okay lang pareho naman silang may kinalaman sa math. ayun oh
mga mathematician!
wala kaming pambili ng calculator noon, nakatikim ako ng calcu COLLEGE na ako! Wahahahaha impernes casio yun, scientific calcu –> NAAAAKS! 900+ yun eh, sa SM muntik pang ‘di nabili kase sabi ng mama ko mahal daw! Josko! LOL!
oo ang mahal ng scientific calculator nun. puwede ka nang bumili ng appliances. kaya yung scientific calculator na bigay sa akin ng kapatid ko naluma na lang sa matindi kong pagtatago dahil mahal na nabili.
magandang nae-expose ang mga bata sa board games, it will help them ndi lang socially, mentally din.
Mabubuang ka kapag inadik mo! LOL!
naku sana sila ang mahilig dun, kasi ang aim ko ay maglaro sila pero dapat may silbi sa pag-aaral nila. mas gusto kong makita ang mga pamangkin na maglaro ng larong mga Pinoy. ako na ang strict at kuripot! hehehe
may isa pa akong iniisip na laruan e, halagang 30 naman, pero educational din. nakalimutan ko ang name pero isang tawag ata dun bingo. hahaha
kaya din siguro..bombits si ako sa math!
Pacquiao: Now you know!
LOL!
aray ko, bat ako naman marunong mag-domino parang hate pa rin ako ng math hohoho!
dapat siguro natutuhan ko rin laruin ang abacus at calculator. wahhehe
nakilala ko ang domino sa mga tito ko sa probinsya noon. parang boring naman nilang laruin..parang chess lang! LOL!
hindi ko masyadong na-appreciate dahil pakiramdam ko msyadong brusko to para sa akin, ang ending ndi ko tuloy alam laruin.
Ganyan din nangyari sa akin sa gitara. Madami akong influences sa gitara noong kabataan ko, pero ndi ako natuto mag-gitara. Magkagayon pa man, natuto pa rin akong kumanta sa banyo at um-appreciate ng musika.
Mas gusto kong magpiko, mag-jack stones at maglutu-lutuan dati kesa mag-board games.
sa mga pinsan at nakakatanda kong kapatid (as if daw may bata pa sa akin hohoho). masaya na siya sa akin dati kasi naglalagayan pa kami ng expired na lipstick sa mukha o polbo pag talo. siguro kaya mukha lang brusko kasi nakita mong nialalaro ito ng mga tito mo. how i wish gumaling ako sa chess 3 time pa lang ata ako nanalo run, yung isa pa yung bata kong pamangkin. ahahahah
gusto ko rin ang pico at gumawa ng bahay dun siempre star na ang iallagay ko dapat. favorite kong pamato ay ang basag na paso ni manang juling. sa jackstone, hirap ako kasi ang liit ng palad ko. hirap akong makahakot. hehehe
Bilib naman ako sa taas ng frequency mo sa pagpo-post! Mabuhay!
Dati gusto ko magtuto mag-domino pero nung high school ko lang nalaman na ganun pala yun nilalaro at nung time na yun, masyado na ako matanda para sya ma-appreciate. LOL.
oo naman, marami lang naiisip. pag wala na. hiatus na. hehehe
grabe naman matanda na tingin mo nung high school ka? mga kaklase ko nga naglalaro pa ng sipa kasama ng mga grade 5 and grade 6. wahaha. eh dahil ako nga ay magaling sa sayawan, dun na lang ako sa nakaupong mga laro. wahaha. saka naalala ko yung mga nauna kong kalaro dito ay mga nakakatanda kong kapatid. lalayo kaya ng agwat nila sa akin like 4-10 years? hehehe
Nakakahiya man, first year high school na ko nung makilala ko at malaro ang domino hehehe
at least nakilala mo di ba at yan ang nilalaro mo. educational na , matipid pa. hehehe
mabuhay!