Naranasan mo na ba ang medyo asar ka at pagod pero once na nakarating kasa isang lugar parang nawala bigla? Iyan ang eksena ko noong makarating kami sa Majayjay Church sa Laguna. Hindi ko ini-expect na ganun ka grandiosa ang simbahan na tipong dinadala ka sa sinaunang panahon.
Sa façade pa lang nito ay malalaman mo na ito ay lumang-luma. Pero hindi naman yung “iww” na luma kundi “Wow! classic ang ganda!” Na-imagine ko nga what if may magpakasal dito tapos sa bayan pa ang reception bandang Calamba o Manila hehehe, yun lang kasi ang alam ko.
Kung classic ang labas nito, makakaani rin ito ng compliment sa loob dahil na- complement naman nito ang kabuuang kagandahang makaluma. Nagpapasalamat talaga ako at nakarating ako sa lugar na iyon, kahit ‘yon na ang first and last (layo kasi) dahil sulit na sulit naman. Pero puwede namang umulit depende sa pagkakataon (kung dun ba ako aayain ikasal e, why not?!).
Ang altar nito ay hindi nalalayo sa ibang nakita ko sa mga lumang churches pero isa ito sa may magandang altar at palpito. Iyong hindi basta-basta at mai-imagine mo na puwedeng dito ‘yong setting sa mga lumang libro ni Dr. Jose Rizal o Balagtas.
Ayon sa nakasulat na marka dito, ipinatayo ang Majayjay Church na yari noong una sa kawayan at pawid noong 1571 sa pamumuno ng mga pareng Agustino. Dalawang beses itong nasunog, yong una noong 1576. Sumunod naman namahala raw rito ay mga Pareng Pransiskano na ‘di umano ay may forced labor naganap. Ang kasalukuyang makikitang pagkakagawa nito mula sa bato ay ipinatayo noong 1616 at umabot ng 1649 bago nasunog ulit. (dalas atang masunog at masira ng simbahan na ito hayyy!) 1707 naman ng pinatibay at pinalaki ito ni P Jose Puertollano. Nasira naman ito ng mga bagyo at naging himpilan pa ng mga Amerikano noong world war II. Sa pinakahuling tala ay 1912 nang huli itong isinaayos.
Why is it tagalog not English???
Hi Patricia!
my quick answer in your question is Why not? hehehe!
I’m Filipino so I write in my most comfortable/ native language on my personal website. Don’t get me wrong I would like to cater foreign audience as well, however, my main target readers are Filipinos all over the world.
And I guess Google translate is very effective tool.
but if you have question about Majayjay? I can answer you in English. Thanks for dropping by and Mabuhay!
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
Maganda talaga ang arkitektura sa mga lumang simbahan dito sa atin. Gusto ko minsan subukan na magpicture sa loob ng mga ganyan, pero hindi pa ako nabibigyan ng pagkakataon. Hehehe.
gawin mo!go! ini-encourage kita lalo na dahil sa photography ka talaga. Iba man ang iyong paniniwala, ang mga simbahan naman ay maaari mo rin namang maipagmalaki bilang bahagi ng ating kultura at turismo.
para sa akin, maganda ang San Sebastian, Malate at itong Majayjay. mayaman pa sa history.
wow! maganda palang mamasyal jan sa majayjay. naalala ko rin bigla ung balita tungkol sa majayjay falls (http://newsinfo.inquirer.net/94487/coa-p24m-wasted-in-ecotour-project).
kung pag-uusapan natin yung church lang, rekomendado ko talaga. hindi sa ano pa man kundi kasi yun lang din naman ang nalibot namin sa lugar.
dun sa link mo, nakaka-frustrate naman kung ganun kasi sayang. alam mo ang majayjay ay hindi madaling puntahan na lugar for me. lalo na kung manggagaling ka pa ng sta. cruz, laguna o kahit pa sa luisiana. so dapat pinagbubuti sana yung promotion kasi sayang naman yung ganda ng simbahan nila. kahit yun na lang.
anyway, puwede pa namang bumangon at bumawi. mabuhay!