That Thing Called Rotary Dial Telephone


rotary dial telephoneCommunication is very important for humanity. Kapag wala kang komunikasyon sa iba para kang nag-iisa at kapag ‘di ka marunong makipag-usap, para kang mapag-isa.  Iba ang personal communication at doon sa may sabit na ng technology. Nasaang lupalop man ang dalawang tao maaari na silang magkaroon ng opportunity na magpalitan ng mensahe. Kung non-verbal puwede sa mobile phone, email, chat, at snail mail. Pero siempre iba pa rin yung may audio and video.

Nung bata ako mahilig akong magpabili ng laruang telepono. Gustong-gusto ko ang pag-dial sa old model (analog? Rotary dial telephone) ng telepono. Hindi ba ipapasok mo yung daliri mo dun sa maliit na roleta na may mga butas at may nakalagay na numero. Iikot mo yun paisa-isa, so isipin mo na lang kung nagda-dial ka ng toll free number.  Pa-deliver ka na langng food hahaha. Tawag pala sa ganung pag-dial ay pulse dialing.

Pagkatapos ng ilang taon ng aming pakikitawag sa malalayong lugar, hindi nakapagtataka na masyado kaming maging excited ng mga kapatid ko nung magkatelepono kami.  Naalala ko na sa edad kong nine years old nakakaloko na ako noon na ng mga taong may sampung taon at mahigit ang tanda sa akin. Ang mga nauna kong ka- phone pal ay mas matanda sa akin. Hindi ko makalimutan na ng ma-meet ko yung ka-phonepal ko na 12 years ang tanda sa akin. Nasa elementary pa lang ako, nagtatrabaho na ata yun.  What is your most embarrassing moment ang eksena.

Hindi naman ako nahilig  doon kundi nasasabit lang sa trip ng mga kapatid ko at kaibigan (peer pressure).  Isa pa, telebabad ang Nanay ko at mga kapatid ko kaya mahirap sumingit at pagsasabihan ka maya-maya. Hehehe

Ngayon, halos ayaw ko ng sagutin ang telephone namin at nagugulat ako kapag may tumatawag sa akin. Hahaha! Kailangan i-text muna ako kung tatawag sa landline. Ganun katindi! Oh well, kahit na-miss ko ang ganitong phone thankful ako sa mga modern versions ng telephone at siempre kay Alexander Graham Bell.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

6 thoughts on “That Thing Called Rotary Dial Telephone