Awkward sa iba pero queber sa akin na isama ko si Manang Juling bilang aking special guest as a finalist for personal/diary category –National level sa Philippine Blog Awards 2011. Sabi ko nga sa https://twitter.com/#!/hitokirihoshi hindi ba kung hindi syota dapat nanay ang kasama sa special event ‘di ba?
I congratulate I’m Fickle Cattle na siyang nanalo sa hanay namin. Hindi ko pa nababasa ‘yong blog n’ya pero nung napakinggan ko ‘yong speech n’ya ay alam kong matindi ang blogging powers nitong tao ito. Mabuhay sa iyo!
watch this video>
Congratulations din sa ibang nagsipagwagi especially kay Sir Fitz Villafuerte na isa sa pina-follow kong blogger dahil sa kanyang business and financial tips at kay Otep na matagal ko ng kilalang blogger (hindi personal ha).
I’m thankful po sa pagkilala ng Philippine Blog Awards sa aking personal blog magazine, malaking bagay na sa akin ang maging finalist sa inyong prestihiyosong patimpalak.
May isa lang akong ikinalungkot sa buong event at ito ay ang hindi pagkakasali ng name ng Verjube Photographics sa mga tinawag at ipinakitang finalist sa Culture and Arts Category-National level. Hindi ko sure ang real reason pero nakakatampo rin bilang supporter nila. Sana lang po ay hindi na maulit pa sa susunod.
congrats, hoshi. ahaha, may aleng nangongolekta ng awards, naman. mabuhay ka at ang iyong sites. ^^
isa na namang late na reply. wahaha
pero maraming- maraming salamat sa iyo!
oi congrats pala.. mafinalist lang malaking bagay na :)lagay ka ng badge 🙂
oo naman nakakakasaya na siya ng bongga. saan ako makakuha ng badge? di ko alam e.
gawa kita yung akin ginawa ko lang e. hohoho
wow super salamat! hintayin ko yan ha!
mabuhay!
wow ayos to ha.. may coverage ka din pala hahaha..
salamat sa pic ko ang pogi ko dun.. sa bandang dun ka pala nakaupo ako bandang gitna.. balak nga dapat namin sa taas para malayo lalakarin kapag nanalo lels.
oo iba ang dating pag mula sa taas yung lakad. titingalain ka talaga ng bongga.
sige kung pogi ka sa kuha ko, thank you very much hahha!
i like you hair, in character na kaagad.
Congrats po! May ganintong awards pala for bloggers in the country. 😀
hi and welcome sa hoshilandia jr!
salamat sa iyong pagbati! Oo so far tatlo yung alam ko. itong PBA saka PEBA at Saranggola Blog Awards. Next year sali ka bagay ka for entertainment.
mabuhay and happy blogging!
At least na-experience mo / nyo.
Naiintindihan ko yung sentimiyento ng VerJube kasi hindi ka naman papasok doon na umaasang talagang manalo ka (kahit may kaunting hope), pero ang mas mahalaga ay iyong makilala ka na kasama sa mga finalists. Sapat na iyon para sa mga kagaya nating alam na mas marami pang deserving sa atin na manalo. Malamang ay kung hindi ako nabanggit ay mababad-trip din ako ng bonggang bongga.
sa part ko… oo naman minsan ka lang makaka-attend sa mga ganyang awards night na ikaw mismo ang involve at hindi nagko-cover lang (yeah know)
sa verjube- oo yan din ang punto ko pero nag-sorry na raw ang PBA. sa akin bilang supporter okay na ako roon basta wag na mauulit. kasi iba na yun.
Yet its not an excuse. ;)they should’ve a backup list handled by the presenter.
I also posted a blog about it, feel free to visit it @skykenshi 😉 To this LINK –> http://myphotographics.tumblr.com/post/13720509088/vjp-unrecognized-finalist-we-experienced-3
Happy for you Hoshi! 😉 we enjoyed Manang Juling’s company.
yeah oo nga, dapat may chuva na back up and i-check yung presentation bago i-broadcast.
yeah tuwang-tuwa rin naman si manang juling nakapag-uwi kami ng apat na apple hehehe. gusto na ibigay nga sana nung nagbabantay. nahiya pa si manang juling.
Salamat ng marami sa suporta. 😀
congratulations po ulit and sana ay ipagpatuloy nyo lang ang inyong pagbibigay ng tips! mabuhay!
Hehe, isa rin kami sa finalists sa Culture and Arts National category. Hindi rin nabanggit, pati Magnetic Rose. Napansin ko lang na ang mga binanggit ay finalists for the Luzon level. I think nagkamali sila dito.
Siguro nagkamali sa mismong gumawa ng powerpoint or whatever dun stage. kasi yun lang din naman ang sinusundan ng presentors at nakapirma naman tayo sa labas na as in finalist nga. puwede namang intindihin na nagkamali lang pero para dun sa mga finalist, malaking bagay na iyong mabanggit ka man lang on stage. kahit iyon na lang di ba dahil matatanggap mo namang marami ang magagaling. saka yung effort na pumunta ka. hindi naman natin inaano yung buong event pero yung ganitong klaseng pagkakamali ay sana hindi na maulit.
I love PBA pa rin naman… and congratulations sa iyo co-finalist. ika nga nung host…dumaan tayo sa maraming proseso. hard core blogger na. mabuhay!