Hoshi jr. is a finalist in Philippine Blog Awards


Got my email notice from Philippine Blog Awards (PBA) last night na oo finalist ang hoshilandia.com sa Personal/ Diary Category- National Level.  Dahil sa email na ‘yon kumpirmado ang aking kasiyahan na maging bahagi ng PBA 2011. Kumpirmasyon iyon kasi noong December 1 ko pa na-discover na nasa listahan ang aspectos de hitokiriHOSHI.

Maging finalist pa lang ay masaya na ako kasi sa dami ng magagandang blog at magagaling na Pinoy bloggers. Hindi ko pa alam sa ibang level (may Luzon, Visayas at Mindanao) at category  (by the way finalist din ang friends ko sa Verjube Photographics for Best Culture and Arts Category- National Level) pero doon sa  category ko ay  nalaman ko  na ako lang ang nagba-blog in Tagalog at ikinagagalak ko na makahanay sila kasi ‘yong iba sikat.

Pinaghahanda pa nga kami ng 2-minute acceptance speech at siyempre iwi-wish ko na sana masabi ko iyong hinanda ko kasi ang dami kong gustong ipagpasalamat at nais pasalamatan.  Sa journey ko sa pagba-blog ang dami kong na-discover, nakasama at naging inspirasyon mula simula hanggang ngayon.

I’m praying na manalo sa Philippine Blog Awards pero ayoko rin naman i-pressure ang sarili ko (naka naman artistahin lang ang linya). Gusto ko lang i-enjoy ‘yong event dahil I know ibang experience na naman ito sa akin bilang blogger at bilang indibidwal.

Kung ano man yung nagawa ko sa Hoshi Jr ko ay ipinagmamalaki ko kasi mula sa puso, pinaghihirapan at pinag-iisipan ko ang bawat post dito. Kapag ganitong may nakakapansin, thankful ako kasi  na-appreciate ‘yong  effort at pagpapakatotoo ko. Kaya ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa lahat ng aking readers, supporters, followers, hoshians, solid Hito, Ultramagnetic Hoshi, Kahoshilandia, Kablogs, at sa iba pa na ayaw pang umamin. hehehe!

Mabuhay po sa atin dito sa Hoshilandia!    



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

7 thoughts on “Hoshi jr. is a finalist in Philippine Blog Awards