Got my email notice from Philippine Blog Awards (PBA) last night na oo finalist ang hoshilandia.com sa Personal/ Diary Category- National Level. Dahil sa email na ‘yon kumpirmado ang aking kasiyahan na maging bahagi ng PBA 2011. Kumpirmasyon iyon kasi noong December 1 ko pa na-discover na nasa listahan ang aspectos de hitokiriHOSHI.
Maging finalist pa lang ay masaya na ako kasi sa dami ng magagandang blog at magagaling na Pinoy bloggers. Hindi ko pa alam sa ibang level (may Luzon, Visayas at Mindanao) at category (by the way finalist din ang friends ko sa Verjube Photographics for Best Culture and Arts Category- National Level) pero doon sa category ko ay nalaman ko na ako lang ang nagba-blog in Tagalog at ikinagagalak ko na makahanay sila kasi ‘yong iba sikat.
Pinaghahanda pa nga kami ng 2-minute acceptance speech at siyempre iwi-wish ko na sana masabi ko iyong hinanda ko kasi ang dami kong gustong ipagpasalamat at nais pasalamatan. Sa journey ko sa pagba-blog ang dami kong na-discover, nakasama at naging inspirasyon mula simula hanggang ngayon.
I’m praying na manalo sa Philippine Blog Awards pero ayoko rin naman i-pressure ang sarili ko (naka naman artistahin lang ang linya). Gusto ko lang i-enjoy ‘yong event dahil I know ibang experience na naman ito sa akin bilang blogger at bilang indibidwal.
Kung ano man yung nagawa ko sa Hoshi Jr ko ay ipinagmamalaki ko kasi mula sa puso, pinaghihirapan at pinag-iisipan ko ang bawat post dito. Kapag ganitong may nakakapansin, thankful ako kasi na-appreciate ‘yong effort at pagpapakatotoo ko. Kaya ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa lahat ng aking readers, supporters, followers, hoshians, solid Hito, Ultramagnetic Hoshi, Kahoshilandia, Kablogs, at sa iba pa na ayaw pang umamin. hehehe!
Mabuhay po sa atin dito sa Hoshilandia!
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
uy, congrats!!
salamat ate kengkay!
I wish I had the chance to meet you in person earlier. 🙁 Congratulations for being a finalist. All the same, being a finalist is really an achievement. Congratulations to all of us! 🙂
naman a finalist is a finalist. puwede ko nang ikabit sa pagbanggit sa blog ko ata yan like “hoshilandia.com, a PBA 2011 finalist,…” hehehe!
naalala kita, your speech had major points and i’m glad to know blogger like you. more power and God Bless!
wow! congratulations! 🙂
salamat apollo, mabuhay!