Ano ang common denominator nila Master Rrapper Francis Magalona, former President Corazon Aquino, Beauty Queens –Chat Silayan & Rio Diaz, and famous beautician Jun Encarnacion? Lahat sila sikat noong 90s? Hindi namatay sila noong 21st century dahil sa Cancer o big C. By the way, si Mary Hsu o Vivi Xu na ate ni Dao Mi Si (Jerry Yan) sa Meteor Garden ay namatay noong December 6 dahil sa stomach cancer.
Sabi nila pang mayaman lang ang nagka-cancer dahil ang mahal ng mga gamot at dadaan pa ang pasyente sa magagastos at nakakapanghinang chemotherapy na sukat na ikalagas ng kanilang mga buhok.
Age doesn’t matter
Kung sa love ay questionable ang age gap o ‘yong tinatawag na May-December love affair, sa cancer ii-strike ito kahit sa anong edad.
Puwedeng mas marami ang nadi-discover na may cancer sa kanilang midlife pero hindi ito ang sukatan. Last year nang mamatay ang kapatid ng dati kong kaopisina dahil sa colon cancer sa edad na 29, na malamang ay mas marami pang mas babata. At kahit bata pa, ang bilis-bilis kumalat ng cancer cells sa kanyang katawan na parang kada kumusta ko ay parang umaakyat lang ng hagdan ang stage ng cancer niya.
Classless
Naiintriga ang publiko sa cancer dahil sa mga promineteng tao na “itinutumba” nito. Pero sakit ‘yan, hindi magnanakaw kahit sino puwedeng biktimahin. Gaya kahapon, nalungkot kami kasi yung ilang taon naming labandera na si Ate Mengi ay namatay na dahil sa liver cancer. Maiyak-iyak pa si Manang Juling habang ikinukuwento na pinilit pa ni Ate Mengi na magpauwi ng bahay. Nagpalatag daw ito ng banig para higaan niya at nung gigisingin na raw ay patay na.
Parang kailan lang ay nag-uusap kami tungkol sa kanyang pagsisikap at hinaing para sa pagtataguyod ng kanyang 9 anak at mga apo. Ayon kay Manang Juling, halos isang anak lang ni ate ang talagang naaasahan noong ito’y dapuan ng sakit. Ang kwentong ito ni Ate Mengi ay isang imahe ng cancer sa kahirapan at relasyon sa magulang.
In no time
Ngayong araw ay libing naman ng ama ng aking kaibigan-officemate. Napakabigat ng journey nilang mag-aama lalo na siya dahil siya ang panganay at ito na ang ikalawang pagkakataon na namatayan siya ng magulang dahil sa cancer. Ang hirap daw mag-let go at hirap din makita na “in pain” ang taong pinakamamahal mo. At kapag hindi ka nagdesisyon ngayon, hindi lamang oras ang gugulong pati ang babayarang bill sa hospital. Para siyang pagod na pagod na hindi na makapag-isip at manhid na ang kanyang puso pero automatic na ang pagtulo ng kanyang luha.
Mahirap matiyak kung sino ang tatamaan ng cancer. Ang maigi lang ay pag-ingatan ang kalusugan, magkaroon ng emergency fund o health insurance, sulitin ang bawat sandali kasama ng mga mahal sa buhay at anuman ang mangyari, huwag bibitiw sa Kanya.
Note: ang post na ito ay espesyal kong inaalay sa pamilya nila Avi Canale, Ate Mengi, at Manilen Grace Armea.
nakaw
meron din akong kakilalang may cancer
ang hirap talagang makitang mag-deteriorate sya right before your very eyes
totoo yan, at hirap din makita yung mga taong nasa paligid nila.
Naku, mahirap talagang kalaban ang Big C. One of the worst (and most expensive to treat) diseases na pwedeng tumama sa isang tao. Mahalaga talaga sa mga sitwasyong ganito yung suporta ng mga mahal sa buhay – sa tingin ko mas importante pa sa kahit anong gamot o operasyon – kasi napakabigat na dalahin ito, hindi lang nung mismong maysakit, kundi pati na rin yung mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan niya. If magtagumpay, sama-samang magdiriwang ang lahat, kapag kinuha naman ng Panginoon, may sasandalan, makakausap at makakaramay naman ang bawat isa.
superb comment. tumpak ka ng walang maliw.
Tama ka po ang sakit na cancer ay walang pinipili mayaman o mahirap, bata o matanda, babae o lalake, ang masakit na katotohanan ay lahat ng tao ay mamatay, ang importante lang ay kung nakahanda ka ba sa pag harap kay kamatayn. At ang katotohanan ay may panibagong buhay na walang hanggan, pagkatapos natin dito may patutunguhan tayong 2 lugar sa imperno o langit, saan ka doon? Alam ko walng gustong pumunta ng imperno lahat gusto sa langit pero paano ka pupunta ng langit, yon ang dapat nating tuklasin at paghandaan.
salamat sa iyong malalim at makabuluhanh komento kuya elpidio, napakagandang pagnilayan.
condolence. i guess this disease is one of many negative sides of humanity’s progress.
thanks apollo! i agree with you dati wala namang kung anu-anong cancer. kung meron paisa-isa lang.
my father died on the cancer, condolence,
question di ko kasi makita yung vitamin c sa article.
condolence din chrisair!
naku baka na-confuse ka… wala akong na-mention na vitamin c. my title is Vitamins against the Big C… big C is another term for cancer while yung vitamins na tinutukoy ko ay nasa last paragraph ng post na ito.
Thanks for this post! My Mom has Stage 2 breast cancer. Mahirap pero laban lang!
Your welcome Dang! Oo laban lang huwag kang bibitaw. Anuman ang mangyari at least nasabi mo, naisip mo at naranasan mong lumaban kayo o naipakita nyo na ang pagmamahal n’yo sa isa’t isa.
May God bless you mother!
nakakatats. condolence po.
matindi rin kasi yung mga pinaghugutan ng post. yes condolence sa mga taong iginupo ng cancer.