Although nakakakain ako ng mga Japanese foods, pero it’s rare ‘yong makapasok ako sa isang Japanese restaurant. Nung malaman ko na sa Nomama Artisanal Ramen ang first attempt ko sa Eat’s A Date! ng OpenRice.com ay na-excite ako at medyo kinabahan na rin. Kinabahan kasi baka puro seafood, na kung saan ako in-allergy at pangalawa, si Hitokirihoshi sa Japanese Restaurant? OMG!
Since madetalye ang food na kinain namin lalo na at bago lahat sa akin. Uunahin ko ng magkwento about sa Ambiance.
Kung katulad kita na mahilig sa anime, baka pareho tayo ng na-imagine bago pumunta sa ganitong klaseng restaurant. Iyong mababa ang lamesa at upuan na gawa sa kahoy. Tapos may partition ang bawat kuwarto then sa pinaka-counter may samurai na naka-display at ‘yong mga nagse-serve ay talagang Japanese costume. Oh well, erase-erase na ‘yon dahil iba ang Nomama.
Una ko talagang napansin ay hindi siya Japanese look restaurant. Sa bagay ‘yon nga ‘yon hindi naman kailangan maging typical na Japanese resto ang itsura that’s why ‘yong feel sa loob ay hindi nakaka-intimidate especially sa mga kagaya ko na first time. Hindi mo rin naman masasabi na mukhang ordinary, in fact ang linis overall look. Iyong color na white, brown and black ng mga kagamitan, nakaka-relax sa paningin at hindi aagaw sa atensyon ng pagkain.
Gusto ko rin yung lighting and yung mauupuan because in a way, hindi ka lang naman kakain pag papasok ka sa resto. Siyempre nandyan yung maisipan mo na mag-laptop, kumuha ng picture and magkwentuhan. I can say na makakapag-blog ako roon habang kumakain especially ng ramen (habang hinihintay ang tamang init nito at habang hinahalo, hehehe!)
Ang Nomama ay pinaiksing it’s not your mama’s ramen at nang makausap namin si Mr. Him Uy De Baron, Nomama’s Chef & Owner, ang peg nila ay ang maging Japanese version ng pinagsamang Cibo (ni Margarita Araneta-Fores ) at ng isa pang restaurant ( start noon S, ayoko lang magkamali ng banggit). Casual man ‘yong buong atmosphere pero ‘yong pagkain na pini-prepare sinisiguro naman ni Chef ang quality and beyond ordinary ang ingredients and taste.
interview with Chef de Baron <audio>
Four months pa lang ang restaurant and 6pm ata ang kanilang bukas pero nakakatuwa kasi maraming kumakain lalo nang gumagabi na. Totoo, natutuwa ako sa restaurant na maraming kumakain kasi ibig sabihin good business. And ‘yong mga customers hindi limited for Japanese people o yung alam mong mahilig lang sa Japanese foods. Hindi rin lang for yuppies kasi nakakita ako ng mga 50ish or 60ish habang kumakain kami. I think nakatulong talaga ‘yong pagiging casual clean look ng lugar kaya mas gaganahan pasukin ‘yong place. Gusto kong yung wash area at yung counter kasi nakikita mong abala sa pagpi-prepare ng food ‘yong mga nandoon. Iyon na ‘yong show dun… cooking show!
add:
G/F FSS Bldg. 2, Scout Tuason cor. Scout Castor St.,
Quezon City, Philippines
(632) 542 2558
(63) 917 522 8272
Coming next…Nomama Artisanal Ramen…the food
me, I always look forward to the best japanese noodles in a japanese resto, believe it or not I hate miso soup! LOL!
that’s nice and sound adventurous for me. in fact, i don’t know what’s the taste of miso soup so I need to discover that.
cute ba yun mga waitress nila?
hehe
btw, bday ng malibay
greet mo naman kami!
sorry puro lalaki ang nagse-serve sa amin. hehehe!
ssure, ano ba gutso mo maghanda ako ng avp greeting?
mabuhay!
ay
ayoko na dyanhe
walang female servers
discriminatory yan, ha
he
ay ganun… wala na to!
mayroon sila female server, puro lalaki lang yung nagse-serve sa amin.
it’s quite far from our place but hope matry ko din to para ma-experience ang show!
go go go kuya! saka tomas morato naman ito malapit. after ng nomama puwede ka pang mag resto hopping.
nacurious ako sa cooking show. mabisita nga pag-uwi ko. 😀
hahahah, yun talaga ang nagustuhan. naku na-misinterpret mo yun ah. di naman literal nacooking show pero nasa center kasi sila halos nagluluto kaya mapapanood mo. hoho.libre mo ako pag nagpunta ka. wahahaha
mabuhay!