The Hitokirihoshi’s Scrap Planner


In two days ay binuo ko ang worth 30.75 (including pen) pesos  Scrap Planner ko na ito katulong ang aking pamangkin. Ito ang resulta ng paghahangad ko na mabawasan ang papel sa aking Purple Nassau o mag-recycle, magkaroon ng inexpensive diary planner at yamot dahil out of stock ang isang planner na gusto ko sana bilhin bago magbagong taon.

Pero okay lang din, mahal kasi iyon at personalized ito. Kung ano ‘yong nakalagay, ‘yon naman talaga ang ginagawa at pa-planuhin ko for the whole year. Matrabaho kaya hindi ko pa talaga ito tapos at take note lahat ng nakasulat dito ay handwritten.

Materials

Ang front cover ay gupit ko sa 2011 Chinese calendar na ibinigay ng friend ko. Matigas na ‘yong carton at kulay gold pa.  Para ginuntuan ang aking 2012, hohoho! Yung back cover naman n’yan ay mula sa  buong isang paper bag ng Starbucks, iyong may handle at karton sa ilalim. ‘Yong loob ay binubuo ng white scratch papers na may naka-print sa likod (kaya dinoble ko) at tira-tirang manila paper and black cartolina. Ginamitan ko rin ito ng double sided tape, notepad, stationery at ribbon. Habang ginagawa ko ‘yong pagsusulat at paggugupit ng manila paper/cartolina, naalala ko ‘yong pagre-report sa school dati.

Sections

Daily and monthly basis lang ‘yong pagkakagawa ko, anyway mahirap maplano ang buong taon di ba?  Si God na bahala sa rest pero puwedeng mag-isip ng pinaka-concept na gusto nating i-achieve. Basta sa bawat month ay may:

Space for inspiring quotes/ bibles verses/ pictures

S’yempre sa January ko ay iyong New Year’s Resolutions ko na. So February, Love/ Valentine’s Resolutions at sa November ay, Halloween Resolutions?

 Rica’s drawing

Rica: Happy Birthday Tita/ inabot (yung regalo)/ Hoshi: Thank You sa ‘yo Rica!

– Wala ito sa orihinal na plano ko pero dahil mahilig mag-drawing ang aking pamangkin, sinama ko na.  Ang instruction ko lang ay mag-isip siya ng mga bagay sa bawat buwan. Buti kilala ako ng pamangkin ko, hahaha!

Patalastas

Calendar

Pangalawang pinakamadugong part sa planner na ito. Ang hirap talagang umalala ng petsa. Hehehe!

Goal-oriented page 

goal-oriented pageDito nakasulat ‘yong mga gusto ko na ma-achieve o maplano sa isang particular na aspeto.

                Blue – Business

                Pink – Relationship (family/ friends/ Love Dovey)

                Red – Career

                Yellow – Social

                Purple – Self/ Spirituality

Note: ang hirap dun sa pink!

 Activities and Pleasures

– Usually umiikot  ang aking pampasaya, pampa-relax at pampatanggal umay sa limang ikot este sa mga bagay na ito – blogging, reading books, watching movies/series, travel/places,  and photos. Iyong photos puwedeng maging others, kasi marami pang ibang puwedeng gawin ‘di ba?

Budget and Finance

Ang pinaka- template nito ay nakuha ko sa vertex42.com at inareglo ko na lang. Ito na ‘yong pinakamadugo (bloodiest?) dahil literally and mathematically ay career ang paggawa ko sa content nito.

Realization page 

Puwedeng nandito ‘yong summary, thought, remark o mga natutuhan ko sa loob ng isang buwan.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “The Hitokirihoshi’s Scrap Planner

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat McRich! hehehe naalala ko bigla yung mga sandali na napapaisip ako kung itutuloy ko ito o hintayin na lang yung planner na gusto ko sana. pero sabi ko hindi sayang yung mga papel at oras na libre ako. hahaha!

      salamat sa pagbisita at mabuhay!

  • Joyo

    napakaorganize naman, gumawa rin kaya ako nyan… hmmm sana nga lang kaya kong panindigan mga ilalagay ko hohoho… happy new year hoshi!

    • Hitokirihoshi Post author

      go go go Joyo! matrabaho man ito eh, nakaka-invigorate naman kahit papapano na magplano. Paano planner pa lang pinagpaapaguran muna kaya dapat may mailagay ka. hehehehe!

      happy new year Joyo!

  • apollo

    wow! nice job on your personalized planner. at natuwa ako sa drawing ng pamangkin mo. buti pa sya marunong magdrawing. hehe…

    naalala ko pala ung planner ng starbucks. wala akong nakikitang kabuluhan dun. it’s just a yearly fad if you ask me. just my two cents. 😀

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat apollo! oo pareho tayo ng nasabi mabuti pa siya marunong mag-drawing hehehe.

      actually yan din ang pang-asar ko kung bakit ginawa kong back cover lang yung carton nun, hehehe! mabuhay!

  • chrisair

    uy ang galing nito, I will try kaso baka magprint nalang ako, nakakainis ang NB hindi man lang sila magbenta ng refill , may refill nga di naman kasukat sa ring

    • Hitokirihoshi Post author

      Salamat Chrisair! Ako rin talagang pinilit ko sa sarili ko na huwag mag-print to prove a point na kailangan hindi ito maging mahal at gumamit kung ano lang yung available na materials. i will try my very best na ipagpatuloy ito… huhuhu kahit magkakalyo. hehehe

      Tama ka dyan sa refill. bibihira o kung di man ay mahirap maghanap ng sukat. problema ko naman yan sa refill ng clear books ko.

      salamat sa iyong pagbisita and mabuhay!

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi C5 and welcome sa Hoshilandia Jr!

      Salamat! hehehe Nadaan ito sa matinding motivation na wag gumastos at sayang na mga kapapelan sa kuwarto.

      mabuhay and happy blogging!