Our Lady of Lourdes Grotto sa San Jose del Monte, Bulacan


Dalawa pala ang Our Lady of Lourdes Grotto sa Pilipinas. Ang unang alam ng lahat ay iyong nasa Baguio. Pero dito sa pinuntahan namin ni Syngkit ay nasa Bulacan. Ito rin ay replica ng buong simbahan ng Our Lady of Lourdes Grotto in France, kung hindi ako nagkakamali.

Unang Lakbay-Panampalataya sa Our Lady of Lourdes Grotto, Bulacan

Ilang beses na rin akong nakapunta rito. Iyong mga una ay nung sinasama pa ako ng nanay ko. Naalala ko naghanap pa kami ng malalagyan ng holy water na puwedeng iigib. Nagbabalak din s’yang manghingi ng saklay para sa aking kuyang PWD.

facade of Our Lady Lourdes Grotto Bulacan_wide shot
confession room

Sa pagbabalik ko sa simbahan na ito, matapos ang ilang taon, ay halos wala itong pinagbago. Naroon pa rin ang mga tao na ang iba ay ginawang picnic venue ang ilang parte nito. Hindi mo naman masisisi sila dahil sa lawak ng lugar at tingin ko bahagi na rin ng set up ito. Sadyain din kasi ang simbahan lalo na kung manggagaling ka sa south gaya ng Makati, Pasay at iba pa. Para masulit yung stay ay gawin mo na rin siyang excursion ng inyong barkada o pamilya.

candles

Ano ang makikita sa Our Lady of Lourdes Grotto?

Malawak, as in wide talaga, ang vicinity ng simbahan na ito pero ‘yong mismong church ay tama lamang. Kung i-describe ko ito sa aking mga kakilala ay church na may flyover sa itaas. Maganda rin naman ang façade nito pero hindi ito ‘yong typical na gaya ng mga Spanish church architecture.

Sa paligid ng bandang likuran ng church ay dun na maikita an replica ng Grotto na pinipilahan talaga ng mga tao. Nandoon din iyong sinasabi kong mga saklay, iyong igiban ng Holy Water at ang life size station of the cross. Medyo malalayo ang pagitan ng bawat istasyon na ‘yung iba aakyatin mo pa. Hindi na kami gaanong nag-ikot dahil una ay nakapag-Visita Iglesia na rin kami.

Lourdes _altar

Paano makarating sa Our Lady of Lourdes Grotto?

Sa pagkakaalala ko ay may bus na aabot dito sa chuerch. Pero isang paraan pa ay mag-SM Fairview ka at pagkababa mo roon ay sumakay ng jeep (baka may bus din)  papunta na Our Lady of Lourdes Grotto na nasa Graceville, San Jose del Monte City, Bulacan.

cavalry
Lourdes outside
saklay
station of the cross



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “Our Lady of Lourdes Grotto sa San Jose del Monte, Bulacan

  • DAN

    actually po kahapon ko lang nalaman,sinabi nung pari during his sermon na hindi sya kinikilala ng simbahang katoliko,na ex-komunikado na pala ang simbahan ng Grotto, lage kami dito nagsisimba dati nung lumipat kami ng SJDM…lumipat lang kamo sa simbahan sa may Tungko kasi wala kami maintindihan sa misa dun sa Grotto at tipong lage nagmamadali mag misa yung pari.

    • Hitokirihoshi Post author

      Oo nga sayang, parang nakakabawas ng something sa iyong pagpunta roon at ganun din naman yung hindi mo ma-feel yung sincerity. of course sa end ko, i don’t want to judge yung mga pare na ganun anyway, they like teachers na may kanya-kanyang style. kung baga tayo na humanap ng sarili nating classroom kung saan tayo mas matututo.

      Salamat and welcome sa Hoshilandia Dan!

  • Humble San Josenyo

    1960’s lang po ang simbahang ito, built by a cancer patient na gumaling nung pumunta siya sa France… Twice po nagmisa dito si Cardinal Sin nung nabubuhay pa… Ang Carillon bells nito ay itinalaga noong 2010 lang, graced by the then President Gloria Macapagal Arroyo…

    Nakakalungkot nga lang at hindi nga ito kinikilala ng Simbahang Katoliko. The story is, gusto sana nng Diocese ng Malolos na sila na ang mamalakad sa affairs ng Grotto at mai-donate sa kanila ang property kaya lang hindi pumayag ang may-ari…

    Yun po ang dahilan…

    • garie

      simple lang po ang dahilan kung bakit hindi kinilala ng mga negosyanteng kaparian..,PERA! ang donasyon na sana eh sa ika-uunlad ng lugar eh pinag-interesan na hindi naman dapat, ‘di ba? at ‘yun na nga., pati ‘yung buong property eh gusto pang ariin at angkinin! siempre pa., kung ikaw ang may-ari? papayag ka ba? kaya hayun…, -itsa-pwera na ng negosyanteng kaparian!
      AT ang masama pa eh mananakot pa sila na mapapasa-impyerno daw ang kaluluwa kapag ikaw ay naniwala at nagpunta sa lugar na ‘yan! Tama ba ‘yun….?!

  • theignoredgenius

    Tama po yung post ni Art. Di po recognized ng simbahan. Excommunicated po ito. Ang alam ko po is regarding the ownership po kasi (private) and yung gusto nilang palakad na hindi sang ayon sa buong simbahan. Kaya po pansin nyo rin, wala po halos misa dito. Kung meron man, sa pagkakaalam ko po ay aglipayan priests po at hindi catholic priests.

    • Hitokirihoshi Post author

      talaga?! ito ba iyon? actually sinabi na rin ito ng kuya ko e dahil daw sa mga pari. pinuntahan ko pa rin kasi matagal na akong di nakakapunta at yung friend ko gusto talaga magpunta.

      pero tiningnan ko sa net nasa list siya ng mga simbahan ng Our lady of Grotto.