5 enjoyable things I do Offline


Bahagi na ng lifestyle ko ang aking digital life both for passion and  money.   At oo dumating na rin ang times na windang ako kapag  ” internet disconnection,” technical problems” sa websites, at kung anu-anong anik.   Naranasan ko rin na halos buwan na hindi ako makapag-blog. Pero  hindi naman puwedeng iyon lagi ang isipin di ba?   Ito ang mga ideya ko o mga  ginawa while this hoshi’s  offline or “presence not found.”

1. Recycling/ Crafting – isa sa nagawa ko out of boredoom ay i-solve ang kung paano takpan ang sirang pintuan namin sa loob ng bahay  nang hindi gumagastos. Naisip ko  na lang  para magamit ang mga wrappers na madalas lang naman itinatapos namin ay ba’t hindi ako gumawa ng parang  curtain . Nang wala akong dot.com mas sinipag akong tapusin iyon at isali sa isang contest.  Voila nanalo pa ako! Hindi naman ako nag-e-expect manalo pero kung pinalad sayah!

skirt made of sack (rice) and old laces

2. Scrapbooking – Yes,  ang pag-i-scrapbook ang isa sa mga una kong kina-career pag wala ang diwa ko sa sa Hoshilandia. Sa time na hindi ako atat mag-online, mas naatat akong tapusin ito.

3. Watch Films – One of the best things to entertain us, break away from real dimension,  makahugot ng inspirasyon, at maka-mediate in an enjoyable way ang panonood ng sine.  Kapag wala ako sa sinehan, binabalikaan ko ang mga movie collections ko na  may usually dance, superhero, period, and rom-com films.

4.  Bond /Mingle with friends – To connect with real people whether they are so close or just acquaintances is really good sa lahat ng pagkakataon na may free time ka. ito yung nagpapainit ng samahan, nagpapaagan nang loob, at paraan para magkakilanlan kayo sa mas marami pang aspeto ng  inyong buhay. May iba rin kasi sa office lang nag-uusap pero sa labas hindi nagpapansinan.  O kaya akala mo close kayo, iyon pala hindi.  Effort minsan pero worth it ‘pag friendship ang usapan.

Cards/Notes from friends

5.  Cleaning & Organizing – Literally, nilinis ko talaga ang kabinet ko at inayos ang iba ko pang gamit na kinatatamaran kong gawin lalo na’t mga abubot lamang kapag wala talagang online-online. Ako iyong taong may hugot sa paglilinis dahil puwedeng sad, nagme-meditate, or talagang may kailangan na kailangan ako kaya dapat maglinis na ako. Para sa akin parang nililinis din ang diwa mo pag yun ang ginagawa mo. Mawawala ‘yong focus mo sa problema at ang po-problemahin mo dapat ay kung paano mas magiging organisado ito.  IIn fact mas marami akong naiisip na gawin pa or ideas -online or offline man kapag naglilinis o naglalaba ako.

To all my visitors, concerned citizen, and friends, thank you very much for your support!

Patalastas

a todos os meus visitantes, cidadão em causa, e amigos, muito obrigado pelo vosso apoio!

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

16 thoughts on “5 enjoyable things I do Offline