Things they dislike about bloggers


If it’s based on the existence of my first personal blog kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com, I’m blogging for almost five years now.  And since it’s a personal website and I have a day job and raket on the side, I thought its fine to keep my blog life virtually,

Eh ‘yong pagkagusto ko sa blogging ay nag-evolve, naging something deep na. How deep? Well, ocean deep! Nag-start ito nung maisip kong magsasali na sa mga contest, mag-join ng blog group, at  paminsan-minsan ay nakakatanggap na ng invitations. Nabuhayan ang social life ni Hoshi.  Subalit, alam n’yo ba na bukod sa mga magagandang bagay ay may mga negative things kayong mae-encounter?

1.       Acting like real  journalist

Sabihin na natin na maraming bad traits sa ating mga media people. Pero sa kabuan ay aral sila at may samahan o batas na puwedeng magbigay sa kanila ng proteksyon.  Lately, dumadami na ang case ng pagdedemanda sa mga bloggers.  Let’s say totoo ang kanilang sinasabi at maganda ang kanilang hangarin pero ang masaklap kulang pa o walang kunkretong rights ang mga bloggers lalo na ‘pag napagtripan silang idemanda.  At kung hindi rin invited sa event huwag nang pumunta at kung medyo open for public, huwag maging pakilamero o pahara-hara sa trabaho ng mga newsmen.Newspaper vending machine

A journalist complains against bloggers – may kakilala akong manunulat na nayayabangan sa mga bloggers na nakakasama niya sa ilang conference.  Ang iba raw dito ay akala mo kung sino umasta at walang etiquette.

2.       Disfavoring the event he/she attended

May konting kurot na lalo na sa mga event organizer or PR people kung pupunta ka sa event for the sake of perks and kits only. Of course, walang masama d’yan kasi token ‘yon dahil sa iyong pagdalo. Ang mas masakit lang ay may nakuha ka na sa event, siniraan mo pa sa blog mo o kaya  ni hindi mo na-blog at all.grocery bags at blogapalooza

Patalastas

Buti nga, kinilala na ang silbi ng bloggers when it comes to spreading information. Biruin mo dati  nasa harap ka lang ng computer,  ngayon napapadpad ka na sa iba’t ibang lugar/event, nakaka-meet ng sensible people at magbibigay sa iyo ng libreng mga kabagayan. Hindi naman masamang magsabi ng hindi maganda sa event pero ‘wag namang manglait.

3.       Asking for something in return for blogging

May isa akong kilala na isang online seller. Nakatanggap daw siya email sa isang blogger na humihingi sa kanya ng sample ng kanyang mga products para i-blog n’ya.  Medyo nagulat daw siya pero naisip niya na puwede naman.  Ang kaso nung tiningnan n’ya ‘yong website ni blogger, nakalagay dun ‘yong mga natatangap nitong gift daw sa iba’t ibang kumpanya.  tinanong ako ni Online seller kung rude ba siya sa pagtanggi niya.gift wrap

Ang sabi ko hindi. Unang-una, hindi si blogger ang target market niya. Napaka-artificial ng magiging testimonial noon na malayong –malayo sa mga totoong customers niya na magaganda talaga ang feedback. Maraming bloggers na nagba-blog ng gustong-gusto nilang products na binili nila mismo ang products at sila talaga ang nagrerekomenda nito.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

21 thoughts on “Things they dislike about bloggers

  • Patrick

    Ako mahilig talaga magbasa ng blog kasi dito sa bundok namin, walang National Bookstore. Wala ding murag books or magazine tulad sa BookSale. Kaya blog sites ang main sources ko.

    Kaso may mga blogs na kahit di masarap ang pagkain, todo kung maka-promote. Pero marami din naman ang mga honest at di plastik.

    Ang sakit sa panga mag Tagalog LOL! (Bisaya kasi).

    • Hitokirihoshi Post author

      naku okay lang at salamat sa pagta-try. saan ka ba sa Bisaya?

      at mabuti naman that you find pleasure in reading blogs. yun talaga ang masaklap lalo na if you are the reader. minsan ganyan din ako, pero ang pinakaayaw ko yung misleading.

      thanks sa pag-visit at sana ay hindi ka magsawa. welcome sa Hoshilandia jr!

  • Tim

    Naku, pet peeves ko rin yang mga ugaling yan sa ibang mga bloggers. Mga walang poise. Mga walang galang na nakukuha pang magpaimportante. To put it simply – mga cheap ang asal.

  • kengkay

    nice post, please visit my site and leave a comment and add me in your links and add me in facebook and like my wall and follow me in twitter and be my bestfriend, please please??? hehehehe — i feel you 🙂

  • katrinadanieles

    hoshi, idol! :)) i miss you!!! :)) grabe, napaka-influential na pala ng mga bloggers kasi may mga nagagalit na sa kanila, hahah, pero wala pa ako sa ganung point kasi personal blog yung sa’kin. echos2 lang kumbaga. :))

    ay naku hoshi! i miss you tlaga! ^^ kamusta-kamusta? ^^

    • Hitokirihoshi Post author

      naku i miss you too. hindi na tayo nagkakadalawan sa ating mga bahay-bahay.

      sana makapag-meet up tayo ulit. pero don’t worry kahit minsan lang me madalaw sulit-sulitin naman ang drama.

      oo influential na ang mga bloggers may iba na dito sumikat, nagkapera at nagka-career. yung sa akin siguro magka-love life. chuz.

      Sobrang miss na rin kita!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  • potsquared

    totoo nga na nangyayari yang ganyan.. sad but true.. kailangang lang nating ipakita na hindi lahat ng bloggers ay may ganitong ugali.. this is a nice read hoshi!

  • Jube

    Una, RESPETO. hindi dapat nawawala iyon sa tao kesehodang blogger ka pa o media para maiwasan ang di pagkakaintindihan.

    Pangalawa, delikadesa, dapat alam ng blogger ang limitasyon nya sa mga iniikutan nyang environment unless meron talaga syang papel sa isang event. Pero kahit pa may otoridad o wala, balik tayo sa una — respeto.

    Masaklap nga nun, may mga taong gumagawa ng mga bagay na di kaaya-aya, na dumudungis sa natatanging kredibilidad ng pagiging isang blogger. Sana, naiisip nila ang blogging industry, hindi ang mga sarili lang nila.

    Mabuhay Hoshi!

  • apollo

    tingin ko wala na tayong magagawa jan. lagi naman kasing may mga taong iba talaga ang asal. the same way na marami ding journalists ang gumagawa nung mga nabanggit mo sa taas. i have nothing against them but applicable naman to sa lahat ng tao. e.g. may good cop at bad cop, etc… it’s a sad fact na kailangan na lang nating tanggapin.