All about the Art Attack of Scrapbooking


I have two pending scrapbook projects, pending because of the art materials I needed.  However, after attending Scrap n Tell organized by Mr. Jeman Villanueva together with  Filstar Distributors Corporation Hallmark, All About Scrapbooking, and Art Attack), I think I can start now.

Art Attack

First time kong uma-attend ng workshop na gaya nito at nagulat ako nung mag-start na mag-demonstrate si Mr. Leone Salvador of Art Attack  ng paano gumawa ng pencil mug.  Apart sa  iniisip ko na scrapbooking lang ang gagawin namin, mahina talaga ako sa instant turuan.

Anyway, tinapos ko naman. Iyon nga lang, habang ‘yong iba nasa kalahati na noong next art project, ako nagkakabit pa lang ng holder. Ganun katinding kabagalan pero kasi from challenge ay in-enjoy ko na lang nung huli. Hindi ko na rin ginawa ‘yong isa kasi sobrang huling-huli na ako.  Nakakapanghinayang lang sa part nila dahil hindi nila nasilayan itong obra ko. Nyahaha joke!  Sa next post, share ko kung paano nagawa ‘yon.

All About Scrapbooking

Sasang-ayunan ko ang sinabi ni Carmel Carpio, Marketing Manager of Filstar, na iba pa rin ‘yong naka-print ‘yong mga pictures then  inalagaan at nilagyan pa ng decoration. Kahit na nga ba may social networks at gadgets kung saan sini-save ang mga ito, puwede pa rin sila ma-corrupt, ma-virus o ma-delete forever. Sayang naman ang precious moment ‘di ba?

Ako kaya ako nag-i-scrapbook kasi daming benefits kahit pa sabihin mang magastos.

 

  1. What’s the use of your photography? Para saan ang na-capture na view kung itatambak lang sa sa iyong gadgets. Hindi ba dapat maging proud ka sa journey mo with your love ones o sa achievement mo sa art.  Naks!
  2. Non-locomotor and offline exercise.  Sa dami ng puwedeng gawin online, parang nai-imagine  ng iba na nandoon lang ang kanilang buhay, lalo na ‘yong mga gaya ko na into  extreme sports na movie marathon at blogging.  Pero hindi naman lagi na lang nasa harapan ka ng PC at TV o mabuhay ka sa virtual world.  Isa kang realidad, galaw-galaw at paganahin ang gift mo.
  3. Scrapbooking is Me Time

 

Scrap N Tell

Nagpapasalamat ako ulit sa mga taong nasa likod ng event/workshop na ito dahil  naka-meet ako ng mga taong mahilig sa art, na-expose ako hindi lang sa iba’t ibang design and art materials for scrapbooking kundi  sa iba pa talagang crafts,  at sa mga naiuwi kong gift art materials.  Yehey, nanalo ako ulit sa raffle!

For all of you na mahilig din sa art at gustong maging part ng kanilang mga activities please visit and add their facebook account –All About Scrapbooking. Marami silang event and contest na puwedeng salihan ilan na dyan ang  Disney Art Attack Craze (July 14 @ Robinsons Galleria Atrium), Ready, Set, Scrap! (July 8 @SM City Davao) at Ready, Set, Scrap Baby! (July 29 @ Sta.Lucia Mall).

Patalastas

 

scrapbook _ scrap and tell (2)



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

29 thoughts on “All about the Art Attack of Scrapbooking